Chapter 11

149 1 0
                                    

Ralf's POV

Ilang buwan na ang nakalipas at break na kami ng girlfriend ko. I change my profile picture at blinlock ko sya sa Fb. Ayoko nang magkaroon pa nang anumang communication sa babaeng yon. Walang kwenta. After that wala na, yes nagchachat padin ako ng mga babae pero ayoko ng pumasok sa isang relasyon. Well, may hinahantay kasi ako. Hahaha  Hell no!

Matagal-tagal na din palang di  nagpaparamdam si Leh. Madalang narin syang magPm sakin. Syempre nasanay ako eh. Kaya nanibago. Siguro busy lang. College na eh. Teka ano namang pake ko?

Diko alam pero may isang bahagi ng utak ko na nagsabing itext ko sya, na magparamdam uli ako sa kanya. As a friend? Sana naman walang galit sakin si Leh. Bakit naman sya magagalit sakin? Siguro dahil... Stop!

Pumupunta na ulit sya sa amin at tumatambay. Gumanda sya. She look great. Madaming nagbago.

Pero bakit may lagi syang giniGM. Yung Louis ba yon? Lagi nya atang kasama eh! Oh teka bat ganto? Lagi yung lalaking yon keso galing sila sa ganon, binigyan sya ng ganto. Bakit pag galing sya dito di nya giniGM? Tsk. I feel jealous! Wait ano?

Until one time nakarecieve ako ng GM from her.

From Leh,

Di nga ikaw ang gusto ko di ba diba? Hindi ikaw. SYA NGA. SYA LANG.

Afternoon. -,-
GM#MyGuitarist

Ano to? May pinapatamaan ba sya? Bat parang inis sya? Hay nako. Ito talagang babaeng to diko magets ang utak.

Diko alam kung anong nangyari sakin. Diko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko. Baka naman para sa Louis na yun yung GM na yon? Binasted nya? At sino yung nasa hashtag nya? My guitarist? Ako ba yon? Di naman masama magassume diba? Sa pag-iisip ko na yon nakaramdam ako ng ginhawa. Nang saya.

Minsan, diko alam sa sarili ko pero tinititigan ko ang picture nya. Dinownload ko pa nga para nasa phone ko na. Kapag nagg-GM sya na hindi maganda ang pakiramdam nya, nag-aalala ko sa kanya. Ayokong may nangyayaring masama sa kanya. Yung nanghihiram pako ng cellphone ng barkada ko para lang makatext sya. Pero bakit? Panong nangyari? Wag mong sabihing... NO!

-------

Ang tagal kong pinigilan ang sarili ko. I forced myself na wala ako ni katiting na pagtingin sa kanya. Na never ko syang mamahalin. Pero nabusog ako sa sinabi ko dahil lahat yon kinain ko. Nagkamali ako. Tama ang puso ko. Nagsinungaling ako sa mismong sarili ko. Panong nangyare yon? Ang laki kong tanga para balewalain at saktan sya. Ngayon alam ko na.

Bigla nalang dumating sa point na minsang pagtitig ko sa picture nya ay naging araw araw na. Ang minsan pagtetext ko sa kanya ay dumalas na. Pero nahihiya ako. Nahihiya akong baka di na nya ko tanggapin. Nahihiya akong pagtawanan nya dahil ako naman ang nagmamahal sa kanya. Anong gagawin ko?

After that sweet days,  nagdesisyon akong maging cold sa kanya. Yes. I hate what I'm doing right now. Ayokong gumawa ng move ng di ako sigurado. I hate hurting myself.

I ignore her texts kahit masakit. Kapag tinetext nya ko pinakahaba na ang 5letters sa reply ko. Oo masama na kung masama, paasa na kung paasa pero kailangan ko tong gawin. She doesn't deserve ang guy na kagaya ko. At baka may mahal na syang iba.

Buong araw akong matamlay sa ginagawa kong ito kay Leh, Yeah I know torture to sa sarili ko pero wala e. Mas okay ng mas maaga ang masaktan kesa humaba pa diba?

Nag-online ako at nakita kong online sya. Ts. Hirap naman umiwas. Pero nagscroll ako sa home ng fb ko at nakita ko ang pictures nya at ang caption nito.

'Basta ko sya parin ❤'

Napatanga ko sa nabasa ko. Ano daw?  Hays ito talagang babaeng to! Hirap mangapa ng impormasyon. Ako ba yon? Ako parin kaya o nagkataon lang?

Then I recieve a text from her... Yeah a text from Leh. A girl of my heart... Na nagpalukso ng puso ko at sumagot sa mga tanong ko.

"I will never cry again"

Dimo alam kung anong problema! Hindi nako iiyak. Goodnight.

GM.

AKO NGA. Mahal nya padin ako sa kabila ng lahat? Sa kabila ng pambabalewala ko? Ako padin? At umiyak sya ng dahil sa muling pambabalewala ko sa kanya?

I felt guilty sa mga nagawa ko. All this time wala akong inisip kundi ang sarili ko. Na baka umaasa lang ako. Napakaduwag ko! I'm afraid of rejection tas sya hindi? She loves me despite of rejection na pinaranas ko sa kanya. She always loves me kahit noon pa man! Tas ngayon umiyak sya ng dahil sakin? Sht!

Gusto kong magsorry. I want to apologize to her. I want her to know that I love her too. Na mahal ko na sya. But how I start? I take a dee breathe and start to type her number pati ang imemessage ko sa kanya.

Sana hindi pa huli ang lahat. I loved her, and I want her to be happy dahil minamahal ko din sya.

Sana hindi pa huli ang lahat at mahal nya padin ako, sana gising pa sya para masabi kong mahal na mahal ko sya at sana'y matanggap nya ako sa puso nya.

Naghanap pako ng iba. Nasa harapan ko na pala, nilagpasan ko pa! Agh. So tanga.

Sana Leira Jade Manalad, mahal mo pa din ako. Sana ako pa din. Sana ako nga. Ako nga yung tinitibok ng puso mo...

Mahal kita Leira. Mahal kita, noon pa.

AN: Habang tinatype ko to basang basa ako! Litchi. Hahaha. Basang sisiw tuloy ako dito sa school. Btw, just keep reading. :)

-uniquewaysss

When love found you(Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon