When Love Found You

208 1 0
                                    


Chapter 3

Ahhhhhhh! Nakakainis. Nakkabadtrip. Bat ba sya ganon? Nakakaasar syaaaaaaaaaaaaaa!

Simula nung naisagawa ni Yuna yung plano, naramdaman ko ang unti-unting pagiwas sakin ni Ralf. Pag-iwas yan na yon. Dina sya nagtetext, ni Gm madalang. Ilang beses na nya rin pinabura yung number nya. Ilang beses kong tinanong at kinulit yung isip ko na baka GM yon at nadamay lang ako. Pero hindi. Kasama ko. Sya na mismo ang nagsabi...

"Sigurado ka Ralf? D-delete ko number mo? :3"

"Oo. Pakibura na." he said na parang may authority.

Hays. Sa twing maalala ko yun nababadtrip ako. Torture. Kawawa heart ko. Pero diko binura. May time pa nga na pinapadaanan nya pako ng GM na may bago na ulit syang girlfriend. Is this his way para layuan ko sya? Wala ba talaga kong pag-asa sa kanya? Wait, what?

May time pa nga nagpaplug sya sakin ng number nya. Seryoso sakin talaga? Manhid! Kahit labag sa loob ko ay ginawa ko. Maging masaya lang tong mokong nato! Sinadya ko pa ngang konti lang padaanan. Alam mo na? For assurance na konti lang ang makakatext nya. Pero nagulat ako. Ilang oras lang nakakalipas pero naging sila na nung isa sa mga pinadaanan ko. Shit!

Umiyak ako nung time na yon. Yes. Diko alam. Bigla nalang silang naguunahang lumabas sa mata ko. Badtrip ka Ralf Dayson!

Ngayon andito ako sa kwarto ko. Nakatulala. Tinitingnan yung text nya. "Can you please delete my number. Kulit mo!" Galit na sya. Galit na. Nalungkot man at parang sinabugan ng bomba ginawa ko kung anong gusto nya. Diko na sya tinext. Di na ko nagparamdam. Tama nato. Papahinga ko muna. Nasasaktan sa lalaking ni minsang di naging akin? Psh.

2months after.

Yeah. 2months na ang nakaraan mula nung ginawa ko ang gusto nya. Dalawang buwan nakong ineenjoy ang sarili ko. Dalawang buwang nagsstalk sa Fb accounts nya, kahit alam kong masasaktan ako. Yeah. Di kayo nagkakamali. Pero this time. Parang seryoso na sya dahil nakaDP na yung picture nung babae. Dapat ako dun eh. Ako nalang sana...

Nalungkot? Oo. Nadismaya? Oo. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga manliligaw ko. Masakit. Alam ko na kung bakit OA yung mga nasa teleserye sa paningin ko. Di biro. Yung tipong alam mo na ang sagot, ipagpipilitan mo pang hindi. Bakit ako pa? Pwede namang sa iba nalang. Ayoko pa. Masyadong maaga. Hindi pa ako handa sa Lovelove thingy nayan!

Pero wala. Ganito pala pag gusto mo ang isang tao. Yung kahit ramdam mong ayaw nya sayo,dimo padin maiwasang maisip sya. Gagawa ka ng paraan para may malaman ka tungkol sa kanya. At higit sa laht, nagseselos ka kahit wala naman kayong relasyo kaya wala kang karapatan. Pero ganon ang nararamdaman ko. Ganon na pala.

I continue scrolling on his account. Madami akong alam tungkol sa kanya. Sya kaya? Madaming alam sakin? Inistalk nya bako? Asa pako. Nag-out nako para di narin ako masaktan sa nakikita ko. Nakakainis naman kasi eh! Gusto ko syang makita, makatext, makausap. Please. Birthday ko naman bukas. :( Oo. Birthday ko. 16 nako. Yehey!

Itext ko kaya sya? Baka girlfriend nya makabasa. Pero Hi lang naman eh? Kaso baka di sya magreply? Hay nako! Bahala na nga. I decided to text him. OO binura ko pero kabisado ko yun no! Hahaha. Di sya nagpapalit ng number sure.

"Hi." Ayan na nakupo! Nagsimula ng tumibok ng mabilis ang puso ko. Ilang minuto akong naghihintay ng sa wakas ay nakita ko ang pangalan ni Ralf sa screen ko. I immediately open it at hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.

"Sino to?" Binura nga nya ang number ko. Eh sino kaba para pagaksayahan ng panahon?

"Si Leh to Ralf..." Yung babaeng nagmamahal na sayo...


AN: Suggest lang kayo guyssss. Love you! Mwa. Hahaha.

When love found you(Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon