When Love Found You

191 1 0
                                    

Chapter 4

Ralf's POV

Kasalukuyan akong nagpapabantay ng tindahan ng may isang pamilyar contact number ang nagpop-up sa screen ng cellphone ko. Sino na naman ba to? Isa sa mga ex's ko? Tsk. Kainis.

'Sino to?' Yan nalang nasabi ko. Malamang yan ang itanong ko diko kilala kung kanina diba? Hays. Bigla naman nagreply kung sino man tong tao nato. Sa totoo lang tinatamad akong makipagtext ngayon. Pati girlfriend ko diko tinetext ng maayos.

Lumaki ang mata ko ng binuksan ko yung message na galing dun sa nagtext sakin.

"Si Leh to Ralf..." Si Leh? Leira Jade Manalad? Again?

Ilang beses ko na bang pinabura ang number ko sa kanya? Ilang beses ko na bang pinaramdam na wala talaga akong nararamdaman sa kanya. Manhid bato o ano?

Tandang tanda ko pa nung sinabi sakin ng kaibigan nya yung nararamdaman nya sakin...

"Ano ka ba Ralf? Dimo ba talaga mahalata? Maramdaman? Gusto ka ng kaibigan ko. Gusto ka ni Leh..." Yan lang yung natandaan ko sa lahat ng sinabi nya sa akin.

Si Leh? May gusto? Pinagtitripan ba nila ko? Lokohan ba to? Panong nangyaring nagkagusto sakin si Leh eh ilang linggo pa lang kaming magkakilala. Di ko pa nga sya ganong kilala, ganon din sya sakin. Ayokong maniwala. Ayoko.

Babaero. Walang sineseryoso. Kung sino sino lang ginegirlfriend. High school graduate at diko alam kung makkapagkolehiyo pako. Guitarista. Ano pa ba? Tsk.

Kaya napakaimposible ng mga sinasabi nung Yuna na yon. Ni walang magandang katangiang makikita sakin. So panong? Hays stop Ralf. Stop wasting your time thinking to that girl. Psh.

Simula nung nalaman ko yun, iniwasan ko na sya. Wala eh. Wala talaga. Pero bakit eto na naman? Walang kadala dala?

Aaminin ko hindi sya ang tipo kong babae. Tsk. Kelan ba ko nagseryoso? Never.

Tska yung nararamdaman nyang yan mawawala din yan. Na parang bula. Maglalaho.

Hindi lang nman ako ang lalaki sa mundo di ba? Hindi lang ako ang lalaking nakakasama nya sows.

Makakahanap pa sya ng iba.

Never ko syang mamahalin. Never.

After kong kausapin ang sarili naisipan kong replyan si Leh.

"Ah ikaw pala Leh" I said.

"Sorry nagtext padin ako sayo. Kamusta kana?"

Kanina okay pa ngayon hindi na! Jk!

"Okay lang naman. Ikaw? Sorry din last time. Problemado kasi ako nun"

Ha ano daw? Teka bat ba ko nagsorry? Hays tanga.

"Okay lang Ralf." Hindi ko na inabala ang sarili kong replyan sya.

May customer na kasi. Aasikasuhin ko nalang muna. Andito ko ngayon sa Manila. Dito ko napiling magtrabaho as Merchandiser 2months ago at dalawang buwan pa ulit bago ako makauwi. Tama na sa trabaho thingy nayan!

7pm. Nagsara na kami. Hays! Kapagod. Papatawagin ko sana yung girlfriend ko ng makita ko na may text si Leh. Isa lang?! Seryoso? Gm? Pm? Eh teka ano bang pakialam ko?

I open it. GM lang pala.

From Leh:

Tomorrow is another happy lovely day.

GM.

Ha?! Yun lang talaga? Oo nga pala birthday nya bukas. Sows pake ko naman? Hinayaan ko na ang sarili kong makatulog. Oo matutulog nako.



Leh's POV

"Happy Birthday Leh! Palaki kana please"

"Hoy gising na di kana lalaki no!" Happy birthday!"

"Libre na yan oh! Blowout. Hbd :*"

"Happy birthday Lehleh! More birthdays. Love!"

Halos malaglag ako sa kama kakatawa. Grabe! Napakadami kong natanggap na greetings mula sa kanila. Sweet. Lalo na yung kay Yuna, daig pa nagnobela ng Noli me tangere eh. Dimo alam kung maiiyak ka o ano!

Bumangon nako at nagayos ng sarili. Magsisimba muna kami nila Mama. Pagbaba ko ay walang humpay na pagbati at halik ang natanggap ko.

Pagkatapos ng service ay pinapunta ko na sila Yuna. Konting salo salo lang. Ayoko ng bongga! Naging masaya naman ang birthday ko. Andon ang barkada. Family and relatives. Almost perfect! Ang saya ng birthday ko. Ang dami ding gifts na natanggap. I suddenly forget my problems puros saya lang.

Maghapong kantahan at salo salo. Maggabi nadin natapos ang kasiyahan. Pagod din ako. Hays!

I open my phone and click to inbox. Siguro naman may text sya. My left side brain said. Pero matatapos na hanggang dulo ay wala padin ang pangalan nya. Di nya alam? Di naalala? Kahit HBD wala? Matatapos na ang birthday ko wala pa din? Kahit pangkaibigan lang?

Sht! Bat ba kasi ako umasa? Umasa ko eh! Na kahit simpleng Hi hello magagawa nya pero hindi!

Hanggang ngayon parin pala wala ako sa kanya...

Tanga tanga ko di ba? Tsk! Sobra na. Mukang kailangan ko ng magpahinga. Isa lang naman ako taga-hanga nya e di ba? Na walang pag-asang mapansin nya?



Ako nga pala si Leira Jade. Tanga hanga ni Ralf....


AN: Kailangan ko pa tong iedit! May nabura kasi sa part nato last time.

When love found you(Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon