Chapter 13

188 1 0
                                    


"Anoooooooooooooo?!" yung bestfriend ko talaga nato minsan OA.

"Hay nako Yuna! Diba pwedeng hinaan mo ang boses mo?! Sakit sa tenga eh." I said at medyo ginalaw galaw ko ang tenga ko.

"Pero seryoso Leh, nagtapat na sya sayo?! Ay bongga! Haba ng hair ni girl. Wait baka maapakan ko." Sabay mostra pang kunwari sa paa nya.

"Hay nako puro ka biro. Oo nga, nagtapat sya kagabi."

"Ede kayo na?" sabi nya.

"Nope" sabi ko.

"Ha?! Tanga mo naman friend. Dapat sinagot mo na." She said sabay irap. Makatanga talaga ha?

"Mas tanga ka. Luka luka. He said that he will court me muna."

"Ay Maria Clara ikaw ba yan? Ligaw? Mahal mo sya, mahal ka nya at nagtapat kayo sa isa't isa tas liligawan ka?!" She said na naiirita.

"Okay na yun no ikaw naman babaita ka."

"Osige na nga. Basta don't forget to update me about your life. Lovelife." Loka talaga tong Yuna nato. Diniin pa talaga yung salitang Lovelife!

"Ikaw pa ba?! Syempre no!" Sabay tingin sa relo. "Hays. Punta nako sa room ko. Andun na daw si Sir. Bye." at umalis nako.

Oo, maging ako di makapaniwala. Pano ba naman e akala ko talaga panaginip lang. Kundi ko pa tingnan yung phone ko pagkagising ko, diko mapapaniwalaang mahal ako ni Ralf. Na totoo yung mga nangyari kagabi. He texted me kasi ng 'pampagoodvibes'. Naggoodmorning lang naman tsaka nag-ingat tsaka ng 'I love you'  sya. Gosh. Why so lande Leh?

Parang kong tangang pangiti ngiti habang naglalakad papunta sa room ko. Wala akong pakialam sa mga nakatingin. Baliw na kung baliw! Wala akong pake.

Nang malapit nako sa room ko may nakabangga na naman sakin. Badtrip naman oh! Badtrip! Pinulot ko muna ang mga dala ko. Hays. Dami pa naman nitong xerox. Grabe naman, napakabait naman ng nakabunggo sakin. Di man lang ako tinulungan. Tatayo na sana ko ng makita ang kamay nya na aalalayan ako. Wow ha? Natulala muna bago ko tulungan. Tatarayan ko na sana yung isang to ng nakita ko kung sino.

Yung lalaking sinakripisyo ko para malaya kong mahalin si Ralf. Ang dating kong kaibigan. Yung lalaking nasaktan ko sa pag-iwas ko. Yung lalaking mas pinili kong ialis sa buhay kesa patuloy kong masaktan.

Si Louis.

"Ah eh sorry. Sige mauna nako." Then tinalikuran ko sya. Di ako lumingon kahit alam kong sinasambit nya ang pangalan ko. Ayoko. Alam ko hindi padin malinaw sa kanya ang pambabasted ko. Di ko alam kung naintindihan nya ang GM ko noon. Sana nagets nyang hindi sya ang gusto at ayoko na syang umasa. Please Louis. Stop. Wag ako, iba nalang.

Nakahinga ako ng malalim ng makarating sa room ko. Medyo hiningal ako dahil lakad at takbo ang ginawa ko. Hays, kakapusin pako ng hininga!

Naupo nako sa upuan ko, nagfocus muna ko sa pakikinig. Ayokong mastress no! Hanggang sa matapos ang klase hindi ko na din inisip pa ang nangyare. Tinext ko nalang si Ralf na tapos na ang klase ko at uuwi nako.

"Hi! Uwian ko na MAHAL!" Capslock para intense. Oo 'Mahal' ang naging endearment namin. Kahit di pa kami. Hahaha. Nagreply naman sya agad.

"Okay MAHAL. Ingat sa pag-uwi ha? Mahal kita Leh!" Sweet divah?

"Thankyou MAHAL. I love you too Ralf" sabi ko.

"Osige na, magtext nalang pag-nakauwi na :*"

Then nagyes nalang ako sa kanya at tinago muna ang phone ko. And started to walk palabas ng school. Malamang pano ko makakauwi diba? Madami din pala akong makakasabay dahil sumabay mga classmates ko. Almost half hour nakauwi nadin ako. Inilapag ko muna ang bag ko sa table ko at nagpalit ng damit. Binuklat ko muli ang bag ko para kunin yung notebooks ko. May assignment kasi. Paghila ko dito ay may nalaglag. Isang nakatuping papel. Ano naman kaya to? Dahan dahan ko itong binuksan. Letter. Mula kay Louis. 'Sulat nya dati nung nililigawan palang nya ko.'

Diko na tinuloy ang pagbabasa ko..

Si Ralf lang. sya lang talaga.

-----------------

Mag-iisang taon na kami ni Ralf. Oo sinagot ko sya sa dalawang linggong panunuyo. Oo sapat na yon. We know each other already. We're friends before. Courting is for two people who dont know each other. Kaya nga nanliligaw para makilala ang isa't isa. Kailangan paba naming pahabain ang ligawan if gusto naman naming maging kami?

Bawat araw na lumilipas ay walang dumadaang oras na hindi ko iniisip kung paano, bakit, saan, kailan nya ko minahal. Na kami na pala? Di padin kasi ako makapaniwala. Tsk! Sabi nga we must expect the unexpected.

Ralf is good, loving, honest and caring boyfriend. He also confess kung paano sya naging playboy. Kung pano sya manloko ng babae. Kung paano sya ngayon tamarin sa ginagawa nya dati. At kung paano sya nagbago ng dahil sakin.

Si Ralf yung tipo ng lalaking ayaw naaagrabyado. Hindi nagpapatalo. Mapride. Minsan di maiiwasang mag-away. Misunderstanding. Ako umiiyak, tas sya mapride magsalita tas mamaya magsosorry sayo sabay yakap. Mararamdaman mong dahan dahan nyang inilalagay sa bewang nya ang dalawang braso nya.

Magkekwento. Ilalahad kung gaano ka nya kamahal. Kung gaano ka kahalaga sa kanya. Kung pano mo binago ang buhay nya at kung paanong ikaw lang ang gusto nyang iharap sa altar. Sounds OA right? Oo bata pa kami. Pero masama bang mag-isip ng ganon? Mangarap kayo ng magkasama?

Bawat araw na dumadaan lalo ko syang minamahal. I love him. All of his flaws and imperfections. Yung bawat pag-aaway nyo ang nagpapatatag sa inyo. Bawat iyak, halakhak, halik, yakap at ngiti ay nagdulot ng alaala sa bawat isa. Nagmarka.

Wala akong pinagsisihan. Kahit sa pabitaw ko sa pagkakaibigan namin ni Louis. Wala. Diko kailangan ng katulad nya. You know why? He's a stupid guy! Mabuti nalang pala at ang puso ko ang sinunod ko.

Matagal tinago ng kaibigan ko ang tungkol sa nakita at natuklasan nya. Kaya pala, kaya pala ni hindi aya tumutol nung binasted ko si Louis. Kase tama lang yon!

Louis court me while he has another girl. Yuna saw them at the mall. Holding hands. Kasalukuyang nililigawan nya ako non. Di sakin sinabi ni Yuna dahil ayaw nya kong pangunahan.

Yung dating guilt sa puso ko dahil sa ginawa ko sa kanya, nawala. Napalitan ng galit. Pero ano bang magagawa ko? Eto na. Kasama ko na ang taong mahal ko. Kasama ko na ang taong totoong nagmamahal sakin. Ano pang silbi kung magalit ako? Wala na. Pero hindi na mababalik ang pagkakaibigan, hindi na.

Masaya nako. I will not let those people stress me. Si Ralf lang makakapagstress sakin lalo pag galit sya.

Haaays. Sarap mainlove. Sobra...

When love found you(Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon