CHAPTER 7

7 2 0
                                    

Ryell POV

"Ryell, may klase ka pa after neto?"

tanong ni seth habang naglalakad kami papunta sa next class

"wala na. pero tatambay muna ako sa may gazebo. tatapusin ko yungmga drawing ko"

hilig ko magdrawing. lalo na pag gusto ko ng peace of mind. pag nagddrawing ako dun lang nakakahanap ng katahimikan yung utak ko.

"bakit Seth? wala ka na bang klase?"

"wala na eh. gusto mo samahan na lang kita? ako model mo!"

"loko. ayos lang ako. kaya ko na"

parang dalawa ibig sabihin nung sinabi ko. ayos na ako at kaya ko na kahit wala si Cael.

"sabi mo e. pero pag kaylangan mo ng model, just call my name and i'll be there. basta tx mo lang ako ha" haha minsan napapatawa na lang talaga ako neto. nalilimutan ko problema ko eh.

"Good Afternoon" orayt. nandito na prof namin.

----

haaaaaayy

ang sarap mapagisa. ngayon ko lang naramdaman yung ganto kalaya. walang iniisip na sakit.

tama nga naman sila. ano naman kung may karelasyon ka kung di ka naman masaya. mas mabuti ng single ka atleast wala ka pang problema! hugot to men hugot.

"Caryell!!"

napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. si Dane.

at papalapit sya sakin.

"bakit?"

"MANGAAGAW KA!" at isang sampal ang dumapo sa pisngi ko.

ang hapdi!

"WHAT? anong pinagsasabi mo nanaman? nababaliw ka na! wala akong inaagaw sayo"

biglang manunugod tong babaeng to. ano nanaman problema neto. wala naman talaga akong inaagaw sa kanya.

"nagmamaang-maangan ka pa. malandi ka! bitch!" at sinabunutan na niya ako. omygad help! di po ako palaaway.

may humawak pa sakin sa braso at nakaramdam na lang ako ng sakit sa may bandang tyan ko.

walang salitang lumalabas sa bibig ko. tulungan niyo ko.

"kawawa ka naman. nsan na mga lalake mong tutulong sayo."

isang halakhak ang pinakawalan niya bago ako mawalan ng malay...

----

"Ryell, Baby are you alright?" nasan ako. am i in the hospital?

hope not. ayoko sa hospital. pag andita ako feeling ko, ang hina hina ko.

tango lang ang isinagot ko kay mama..

"ano bang nangyare, Caryell? kelan ka pa natutong makipag-away ha? buti na lang at nakita ka ni seth na nakahilata sa maygazebo. naku kung hindi, ano ng nangyare sayo ngayon. God! mag-iingat ka naman sa susunod!" sermon ni mama. nung una galit ako sa kanila, kasi pinapakelaman nila kami ni Cael. pero habang tumatagal, naiintindihan ko na bakit ganun sila. totoo nga naman, mothers knows best!

"nasaan si Seth, ma? kung siya nakakita sakin, asan siya ngayon?"

gusto kong mag-thank you kay Seth. kundi dahil sa kanya, asan na kaya ako ngayon.

"sabi niya may aasikasuhin lang siya. pero saglit oang daw."

*toktoktok

"hello Ryell, gising ka na pala. kamusta ka na?"

sabi ni darien.

sabay pasok ng iba naming kaibigan. lumabas naman agad si mama at binigyan kami ng oras para makapag kwentuhan.

"ano nangyare sayo? grabe yan ah. walang patawad!" sabi ni Janine.

di ko alam kung dapat ko pa bang sabihin o manahimik na lang para walang gulo.

"ay nako. kahit di mo sabihin, alam naman namin.. halata kaya no!" sabat ni Nigel.

"hayaan  niyo na guys. ang di ko lang naman maintindihan bakit kaylangan umabot sa ganto. tsaka sabi ni Dane, mangaagaw ako. wala naman akong kinukuha sa kanya."

ano nanaman kayang issue ginawa para lang magkasakitan pa.

nagtinginan silang lahat. hala bakit? may nasabi ba kong hindi dapat sabihin.

"wait. may alam ba kayo na dapat kong malaman?"

nakakahalata na ko ah! nung una si bambi tsaka Seth. ngayon silang lahat na. nakakapag-usap ba sila mata sa mata?

"eh ano Ryell, una na ko. gagawa pa ko ng mga plates ko. cge bye. pagaling ka na ah." sabi ni Raf.

"ako din Ryell, alis na din ako. may report pa ko bukas eh" sabi ni Mike.

"sabay na ko sayo, men" sabay na sabi ni Gian at Janine.

hala ano to? biglang iwanan. bakit iniiwasan nila ko? o yung tanong ko.

"hoy hoy san kayo ppunta? bakit bigla namang nangiiwan magisa. ganyan naman palagi! ang hilig niyong mangiwan. porket alam niyong di kayo kayang talikuran, iiwan niyo na lang basta."

sabi ko.

"girl nakakaloka. hugot ka ano? ang lalim ba ng nahukay mo? kalerki ka. wa masabi si watashi" sabi ni Justine. ang bading naming friend.

"eh mga nangiiwan eh. kakainis." kakainis man minsan, mahal pa din. kaibigan nga naman.

"hello Ryell! kamusta"

napatingin kami sa pinanggalingan ng isang pamilyar na boses.

NOT A FAIRYTALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon