CHAPTER 14

3 2 0
                                    

Seth POV

gusto kong tumalon tumalon sa saya dahil ikaw ang kapiling.. sa iyo sa iyo sa iyo lamang ang puso ko.. sumayaw sumayaw sumayaw tayo sa ilalim ng araw

magkatabi tayo sa duyan sa ilalim ng buwan buhangin sa ating mga paa ang dagat ay kumakanta..
matagal na rinmagkakilala minahal na kita simula pa nung una, unang makita ang iyong mga mata.. sana ay wag ng matapos tong pagibig na para lamang sayo..

nandito kami sa may dalampasigan kumakanta. hindi na masyadong mainit dahil maghahapon na. napagpasyahan na din namin na mag overnight kasi masyadong nakakapagod pagbalikan kami. wala naman daw silang mga iportanteng gagawin bukas sa school.

"ayan na mga girls pati mga pagkain natin! gutom na gutom na ko!!!" sigaw ni Darien.

"oh guys tapos na yung ihaw. tara kain na! maya naman yan.." sabi ni Justine.

kumain kaming lahat ng nka-kamay. walang maarte dito samin pag dating sa pagkain. kahit mga babae. pagkatapos kumain gumawa si Raf ng Bonfire. umupo kami paikot dun.

"guys tara laro tayo. i never ever" sabi ni Bambi. yung 'i never ever' na laro ay yung lahat kayo nakataas yung kamay tapos pag hindi totoo yung sinabi nung isa, magbababa kayo ng isang daliri. kung sino yung nakababa na lahat ng daliri, siya yung talo.

"okay game ako jan!" sang-ayon nila Nigel. lahat nagtaas ng kamay. nagstart na si Bambi magtanong.

"kahit kelan hindi ako nabusted/inayawan ng nililigawan/gusto ko" grabe naman tanong to. easy. mananalo ata ako dito e. hahaha

"ano ba uan Bambi nkakainis ka naman eh!" baba ng daliri si Mike, Kim at Janine.

si Janine, may gusto siya nun sa dati naming kaklase kaso iba ang gusto. si Mike naman, niligawan yung valedictorian namin nung HS kami. pero hindi sinagot. friends daw muna sila. si Kim naman, niligawan si Ryel. hindi siya sinagot kasi daw may bisyo at mayabang. tsaka sabay siyang niligawan nun ni Cael, Kim at Joe. tatlo sila nanligaw kay Ryel. si Cael lang pinalad.

"oh ako naman.. kahit kelan hindi pa ako nandaya sa exam." si Mike ang natanong. haha babaan kaming lahat ng isang daliri. maski siya.

"ako ako ako! kahit kelan hindi ako namboso" sigawni Nigel.

"tangina mo!" sabi ni Raf ng pabiro. nagbaba kaming mga lalake ng daliri pati na din si Justine at Bambi.

"Tse! ako nga. kahit kelan hindi ko pinagnasaan yung prof ko." Kabaklaan neto. baba ng daliri si Raf, Darien, Justine at Janine.

"hahaha dalawa na lang sa inyo, Ungas! pag natalo kayo, kotong ah!" sigaw ni darien kay Mike, kim at Justine.

"gago! ikaw din. haha kupal ka ah." sabay batok ko sa kanya.

"kasi ang daya eh! ako nga! kahit kelan hindi ako nagkagusto sa tropa ko!" sabay belat sakin. siraulong to.

nagbaba ako ng daliri. pati na din si Gian, Nigel, Raf at Ryel.

"BOOM. naglalabasan na. hahahaha!" sigaw ni Justine.

"open niyo naman samin! kung sino yang mga yan!!" sigaw ni Bambi. nako wag ngayon Lord. di ko kakayanin!

"oy di naman kasali sa laro yan." sigaw ni Ryel. sino kaya yung nagustuhan niya? hala! sana AKO sana ako. asang asa hahaha! ako magtatanong..

"sige ako naman magtatanong! kahit kelan hindi ako nagtago ngsikreto sa tropa!" nagbabaan lahat ng daliri!

"oy kayo ha! naglilihim kayo." sabi niBambi

"si Raf, tumatakas na!" sigaw ni Nigel. kupal. talo pala siya. hinabol naming mga lalake si Raf at inihagis sa tubig. ang mga babae naman ay nakamasid lang sa ginagawa naming paglunod kay Raf. ang saya talaga pag kasama mo ang tropa mo.

uminum kami saglit. pang paantok. kaming mga lalake lang naman. yung mga babae, kumakaen

ang. pagkatapos nun, isa isa ng nagsiakyatan sa kani-kanilang kwarto. naiwan ako para magligpit ng mga kklalat namin. syempre, good boy ako no! joke lang. ayoko lang talaga ng makalat.

RYEL POV

ang sarap ng simoy ng hangin. lalo na pag dumadampi sa balat mo yung lamig. gusto kong magpagulong gulong sa buhanginan. sana ganto na lang palagi,. sana pwede kong iuwi tong beach! lumayo layo muna ako sa kanila. aakyat na kasi sila and gusto ko pa dito. dito na lang kaya ako matulog. kaso baka may mang-rape sakin! oh noes!

nakita ko si Seth, nagliligpi ng gamit namin. tulungan ko kaya? kawawa naman e. dinala na nga kami dito, pinaglilinis pa namin. at gusto ko din magthank you.

tinakpan ko yung mga mata niya para surprise. arggg ang bango naman kahit nabasa na ng tubig dagat. pinagpawisan at nakainum ng alak, ang bango pa din!

"huhulaan ko o sasabihin mo?" nilaliman ko yung boses ko. ang bango talaga payakap nga! haha simpleng tsansing din syempre. ang pogi kaya ni Seth, ang bait pa. maalaga, tsaka sweet!

"hulaan mo." natatawa ako sa boses kol parang tikbalang. haha

"tao ba to? hayop?" binatukan ko siya. kakainis . tumawa siya at hinarap ako sa kanya habang nakahawak sa magkanila kong braso. and the he pinched my nose! and then i pouted.

"alam mo Ryell, ang cute cute mo talaga! niloloko ka lang e. wag ka na magtampo." layo Seth! naiinlove ako. ang landi ko. haha paano ka ba naman di kasi maiinlove sa taong 

"tutulungan sanakita maglinis e. tsaka gusto ko magthank you kasi dinala mo ko sa paraisong to! pwede ko ba to iuwi?" natawa lang si Seth sa sinabi ko. nako pati ikaw iuuwi ko!

"pwedeng pwede Ryell. simulan mo na ipunin lahat ng buhangin." sana talaga pwede . eh kaso san ko naman itatambak to sa bahay.

kumuha ako ng bucket at nagsimulang magipon ng buhangin. iuuwi ko talaga to! sabi kaya ni seth.

"anong ginagawa mo Ryell?"

"iuuwi ko to. sabi mo diba?" kahit konti lang huhu ano ba uyan nababaliw na  ko.

tatayo na sana ako ng bigla akong hilahin ni Seth paupo. tapos bigl niya akong niyakap..

sobrang higpit ng pagkakayakap niya sakin na parang nagsasabi na proprotektahan niya ako. yakap na nakakagaan ng pakiramdaman. yakap na hindi mo inaasahan, pero kaylangan na kaylangan mo. walang salita pero ramdam na ramdam mo.

"mahal kita, Karyell." at tuluyan ng nabaliw ang utak ko.

NOT A FAIRYTALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon