CHAPTER 9

7 2 0
                                    

Seth POV

"anong ginagawa mo dito??"

tanong ko sa kanya.

"kakamustahin ko si Ryell.." ang lakas talaga ng loob magpakita. nagiinit dugo ko sa kanya!

"para ano? para umasa na naman siya? tigilan mo na yung tao!"

"kakamustahin ko lang. nag aalala din naman ako sa kanya."

aba ang kapal talaga neto! nagaalala daw. eh nung iniwan niya si Ryel, inisip niya ba na masasaktan yun!

"wala na siya dito. umuwi na. kaya pwede umalis ka na!"

"pare, ano bang problema mo? ikaw ba si Ryel para magdesisyon kung hindi o pwede ko siyang kausapin, ha! kaibigan ka lang ha. bakit umeepal ka?!"

isang sapak ang naibigay ko sa kanya dahil hindi na talaga ako makapag pigil! naiinis ako sa lalakeng to. siya ang may problema at hindi ako. pero parang ako yung nasuntok. hindi sa mukha pero sa puso. oo, kaibigan lang ako pero alam ko hindi lang hanggang doon kami ni Ryel.

"tatandaan mo to Cael. lumapit ka man ng lumapit kay Ryel, sisiguraduhin kong hindi mo na siya makukuha ulit." at iniwan ko na siyang nakaupo sa sahig..

--

"hello Raf, san ka? ... punta ka dito sa Elite Club... oo.. sige .. hintayin kita"

andito ako ngayon sa club namin. kaylangan kong mag unwind. tinawagan ko si Raf, ang aking matalik na kaibigan. kaylangan ko ng mapagsasabihan ng nararamdaman ko kay Karyell.

nkakalimang bote na ko ng dumating si Raf.

"oh pare, anong problema natin ah? pera ba?" pabiro niyang tanong. di ko pinoproblema ang pera kasi may construction firm ang pamilya namin at pag ka-graduate ko, ako na ang magmamanage nun.

"hindi pare. malala pa dun." sagot ko. nababadingan ako. wag ko na lang kayang sabihin.

"sasabihin mo o huhulaan ko?" nakangisi niyang sabi

"mahal mo na ba?" tanong niya. mahal ko na ba? oo, matagal na.

"hindi ko alam. siguro."

"anong siguro. oo at hindi lang ang sagot jan. uulitin ko. mahal mo na ba?"

"oo. mahal ko na" yan nasabi ko na. ang bading!

"naku pare, mahirap yan. kaibigan natin. kaibigan din natin yung ex niyan. naisip mo ba pwedeng mangyare niyan? you rather stay as friends or be more than friends." oo, alam ko na yan. pero gagawin ko ang lahat. at mapasaya ko lang siya, sapat na.

"pipilitin ko. hindi ko hahayaang masaktan ulit siya at mapunta dun sa walang kwentang ex niya! pero hindi ko alam saan ako magsisimula. paano ko sasabihin o ipapakita sa kanya.." natatakot din ako baka hindi niya ako tanggapin..

"sige par. tutulungan kami namin jan. what are friends are for! dito lang kami para sa inyo."

buti may mga kaibigan akong ganto.

---

Ryel POV

HINDI AKO MAKAPAG DRAWING NG MAAYOS!

sumasagi sa isip ko yung nangyare sa hospital....

"kamusta ka na?" napabalikwas ako ng bangon ng makita ko siya.

"Anong ginagawa mo dito? paano mo nalaman?" ngayong nakita ko ulit siya. hindi ko alam kung may nararamdaman pa ko.

"may nakapag sabi sa akin na nahospital ka daw. anong nangyare?" kinakapa ko kung masaya ba ako na nakita ko siya ulit pero wala..

"wala. sila Dane lang nangaway pero wala to. sugat lang naman." hindi niya na kaylangan pang malman lahat dahil tapos na kami.

"Ryel.."

"uhm?"

"Ryel, hindi mo na ba ako mahal?" ano nanaman kaya ang pumasok sa kokote netong lalakeng to at nagtatanong ng ganyan.

"Cael. tigilan mo na. ayoko ng umasa. nakakapagod maghintay. at masaya na ako ngayon"

"Ryel, sagutin mo! hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya ulit. hindi ko na nga ba siya mahal?

"hindi na kita mahal, Cael." diretso kong sabi sa kanya.

"Ryel, hindi totoo yan! alam ko mahal mo pa ko! MAHAL MO PA KO. NAKIKITA KO SA MATA MO, MAHAL MO PA KO." hinawakan niya ako sa braso at akmang hahalikan ako. nagpupumiglas ako sa kanya pero pinipilit niyang halikan ako.

"Cael, tigilan mo. nasasaktan ako... cael.. wag.." iyak na ako ng iyak habang pumipiglas sa kanya. help someone. please.

"Sir, anong ginagawa niyo. bitawan niyo po siya!" doon lang bumalik sa sarili si Cael. muli siyang napatingin sa akin na may mukha na nagsisisi sa nagawa niya.

"Ryell, Sorry." sabi niya habang inilalabas siya ng kwarto.

NOT A FAIRYTALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon