CHAPTER 18

5 2 0
                                    


"I Love you, Seth" nakangiti niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

"i love you too" matamis na tugon ko sa kanya..

"hoy Seth, nakikinig ka ba? anong i love you tOo?"

muli akong nabalik sa realidad kung saan walang Ryel na nasa harap ko..

"putcha pare! matindi ka na!" muling putol ni Darien sa aking malalim na pagpapantasya..

"tangna mo. tapusin na nga natin yang report mo. bwisit ka." inayos na namin ng madalian yung report niya dahil magsisimula na daw klase niya.

--

RYEL POV

nandito ako ngayon sa may bench malapit sa field. di gaanong mainit kasi maaga pa at may punong malaki dito sa gilid.

malapit na kaming grumaduate. sana buo pa din kami.

mamimiss ko silang lahat.

lalo na si Seth..

wait? bakit si Seth? anong meron? pantay pantay lang. mamimiss ko ulit silang lahat. arrrrg! nangingibabaw yung 'lalo na si Seth' ano ba naman yan. this past few days puro na lang si Seth yung naiisip ko. sa panaginip ko andun siya. nakasakay pa sa kabayo habang papalapit sa akin. parang fairytale na siya yung prince in shining armour ko. at ako ang damsel in distress. naloloka na ko. sa gabi nahihirapan na akong matulog. hindi lang dahil napupuyat ako sa plates. pero dahil sa kakaisip sa kanya.

hindi ko na alam ano na tong nararamdaman ko. hindi katulad nung kay Cael. ibang iba.

ano bang signs na naiinlove ka na talaga? pero handa na ba ako? natatakot kasi ako, baka mauwi lang din sa hiwalayan. baka iwan niya rin ako..

nabaling ang pagiisip ko ng mapansin kong anong oras na. nagmadali akong pumunta sa building namin. at sakto wala pa yung prof. nakita ko si Seth na nakikipag kwentuhan sa iba naming mga kaklase.

pumasok saglit yung prof namin para magbigay lang ng drawing plans. tapos lumabas na ulit.

sa bahay ko na lang gagawin to. uuwi na muna ako. wala naman ng sunod na klase e. eto na lang subject namin kasi nakapagtake na kami ng finals sa iba naming subjects.

napansin ata ako ni Seth na nagaayos na ng gamit kaya dali daling lumapit papunta sa pwesto ko.

"princess, uuwi ka na? hatid na kita, gusto mo?" nakangiti niyang alok sakin.

"hindi na. mauna na ako. bye" malamig kong sagot sa kanya.

hindi niya na ako pinigilang umalis pa..

kaya kong pigilan tong nararamdaman ko. alang alang sa pagkakaibigan namin. ayong may masaktan lang sa huli.

---

SETH POV

ilang araw na kong iniiwasan ni Ryel. namimiss ko na siya. may nasabi ba akong masama? may nagawa ba ako? gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ko iniiwasan kaso palagi na lang siyang may palusot. kesyo may family dinner daw. may pupuntahan daw siya. hayyyy ayaw niya ba sakin? sana sabihin niya na lang. hindi yung ganitong umaasa ako.

"tara tambayan tayo." tapik sakin ni Kim.

"andun silang lahat. hang-out daw tayo" lahat? so andun si Ryel. yesss! makikita ko at makakausap ko na din siya! miss na miss ko na siya!

naglakad na kami nila Kim papuntang tambayan. andun nga silang lahat pero wala si Ryel.

"san si Ryel?" tanong ko kay Bambi.

"papunta na daw siya." nakita ko si Ryel na naglalakad papunta sa gawi namin. nakangiti.

"oh ayan na pala eh." nagtama yung mga tingin namin ng ilang segundo ng bigla siyang lumihis ng daan.

"oh? san pupunta yun?" sabi ni Janine.

hindi ko alam pero kaylangan ko na talaga siyang makausap. hindi ko na kaya na palagi kaming ganto.

"Ryel, teka lang! magusap tayo." sigaw ko sa kanya. mas lalo niyang binilisan ang paglalakad.

tumayo na ako para sundan si Ryel. sunod ding nagsitayuan yung iba para sundan kaming dalawa.

nang maabutan ko siya, hinawakan ko yung braso niya at iniharap ko siya sakin.

"Seth, bitawan mo ko." sbi niya habang tinatanggal yung mga kamay ko sa braso niya.

"hindi kita bibitawan hangga't hindi tayo nakakapag-usap. so please. kausapin mo naman ako. magpaliwanag ka naman bakit mo ko iniiwasan. kasi hindi ko na kaya. ang sakit na palagi mo na lang akong iniiwasan. ano bang problema?" maluha luha kong tanong sa kanya.

"yun nga yung problema, Seth eh. yung sarili ko.. hindi ko matanggap ting nararadaman ko. naguguluhan ako. ayokong masira sana tong pagkakaibigan natin. kaya sinusubukan kong iwasan. kaso hindi! patindi lang ng patindi. hindi ko na alam yung gagawin ko.. ayokong may masaktan. ayokong baka sa huli, pagsisihan din antin tong mga desisyon natin." umiiyak niyang tugon. gusto kong punusan yung mga luha sa mata niya..

"wala akong pakelam kung pagsisihan ko man to bukas, sa susunod na araw o magpakailanman. gusto ko lang maging masaya kasama ka. gusto kitang mapasaya."

"mahal na mahal kita, Ryel." niyakap ko siya..

"mahal din kita, Seth.." marinig yun mula sa taong pinakamamahal mo ay parang nanalo sa lotto. hinigpitan ko yung pagkakayakap sa kanya.

hinalikan ko siya sa noo at pababa sa ilong. muling nagkatinginan ang aming mga mata..

"oh, Justine, nakuhanan mo ba?" biglang sabi ni Gian.

sabay kaming napatingin ni Ryel sa kanila. ang daming taong nanunuod na samin. tila isang teledrama.

"kainan na! hahaha dinaig niyo pa kathniel!" asar samin ni Nigel.

"i promise you, Ryel. hindi mo ito pagsisisihan." hinawakan ko ang kanyang mga kamay. naramdaman ko namang hinigpitan niya din ang pagkakahawak sa akin. tila sagot na 'may tiwala siya sa akin' ..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NOT A FAIRYTALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon