CHAPTER 15

19 2 1
                                    


tila parang huminto ang mga tao sa paligid. nawala ang magandang tunog na likha ng dagat. ang malamig na simoy ng hangin...

"uy Ryell, okay ka lang?" at bigla akong bumalik sa realidad.

"oo naman Seth. iniisip ko lang kung saan ko ilalagay tong mga buhangin pag inuwi ko" ginulo niya lang ang buhok ko at nagpatuloy na sa paglilinis.

grabe ka naman Ryell. yung imagination mo, to thehighest level. bakit ko ba naiisip yung mga ganung bagay. si Seth? magkakagusto sakin. spell umaasa! K A R Y E L!

"tara akyat na tayo. masyado ng malamig. baka sipunin ka."

"eh gusto ko pa dito. bukas stress nanaman sa plates!"

"sige. pero 5mins lang ha?" nginitian ko sya habang tumatango.

"uhm. Seth? kamusta na yung babaeng gusto mo?" omo! bat ko ba natanong yun?

"okay naman siya. mukhang masayang masaya." halata sa mukha niya na parang inlove na inlove sya dun.

"nililigawan mo na ba siya?"

"hindi pa eh. hindi pa kasi ako nakakahanap ng tamang tyempo na sabihin sa kanya. tsaka di ko kasi alam paano ko sasabihin eh. tulungan mo naman ako oh." pacute pa to! kahit di ka magpacute, tutulungan kita. kahit labag na labag sakin. eh bakit ba ko nakikiepal. wala naman akong gusto kay Seth. slight lang. haha

"ocge ba! paano naman kita tutulungan?"

"sasabihin ko sayo yung gusto kong sabihin sa kanya. tapos sabihin mo kung okay ba?" tinanguan ko lang siya. huminga muna siya ng malalim bago magsalita..

"gusto kita, Ryel. iba yung nararamdaman ko pag kasama kita. pag ngumingiti ka, tumitigil ang pagikot ng mundo ko. ikaw lang nakapagpadama sakin ng ganto. ikaw ang dahilan kung bakit ako ngumingiti magisa. ikaw lang ang palagi kong naiisip. pag wala ka, nawawalan ako ng gana kumilos. pag binabanggit nila yung pangalan mo, yung tibok ng puso ko, sobrang bilis. hindi sapat ang salita sa nararamdaman ko ngayon. kaya idadaan ko sa gawa. Mahal na Mahal kita. pwede ka bang ligawan?"

sana ako talaga yung sinasabihan mo niyan. sana ako na lang yung babae. napaka-swerte niya. tagos na tagos sa akin ang bawat saloitang binibigkas ni Seth.  kinikilig ako. pero Ryel, hindi ikaw yun. kalma kalma.

hinawakan niya yung pisngi ko.. gaaahd! ang init ng mga palad. namumula na ko. sana di mahalata, madilim naman e.

nagkahulihan kami ng mata. his dark brown eyes staring at me, makes me so uncomfortable. he comes closer and closer..

"HOY KAYONG DALAWA JAN! AKYAT NA!" naglayuan kami bigla ni Seth at walang imik na umakyat sa taas. nauna akong pumasok sa girls room. nakatingin silang lahat sa akin ng nakangiti.

"Girl! san ka rumampa? bakit di mo kami sinama! kwento ka naman. may mga fafa ba?" OO MERON! si Seth!! whaaaaaa ang pogi talaga niya lalo na sa malapitan. di naman masamang umasa kahit minsan db? hahaha pero nakakahiya yung kanina. bakit niya ginawa yun!! ahhh! practice nga pala yun.

"earth to Ryel!" ani Bambi. naputol naman ang mga pinagiisip ko ng biglang umeksena si Bambi.

"aba aba aba nguingiti ka jan magisa, sis! ano ba nangyare sa baba? may pogi ba? pakilala mo kami! kwento ka naman!" mapilit to mga to e. di titigil to hanggat di nakarinig kahit isa.

"wala... maliligo na ko.." at pumasok na ako sa CR.

SETH POV

"Galing mo talaga Darien! bilib na bilib na ko sayo!" may pagka-sarkastikong sabi ko sa kanya. ayun na eh. konti na lang e. kupal lang talaga to e.

"ehehe sorry na bespren. lab mo naman ako db db db" hinabol ko siya para batukan.

hayyyy ang ganda ng araw na to. okay lang kahit hindi natuloy. dadating din kami sa ganun, sa tamang panahon. pero grabe kanina nung sinasabi ko sa kanya yung mga nararamdaman ko, parang sasabog na yung dibdib ko sa kaba. lalo na nung sobrang lapit na niya sakin. ang ganda talaga niya! pero sa nangyare kanina, sana naman makaramdam siyaa kahit konti! umasa man siya, hindi ko siya bibiguin. pag balik namin ng manila, aaminin ko na sa kanya.

--

guys. wag na kayo silent reader. hahaha vote vote love :* tropa tropa tayo dito! :)

NOT A FAIRYTALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon