CHAPTER 17

8 2 0
                                    

Good Morning!! today's the day! FINALS na namin! kaya ko to.. konting kembot na lang. graduate na kami! yessssss! can't wait. 

*BEEEEEEP BEEEP*

ay palaka! hala nabuhos yung cologne ko sakin. sobrang bango ko naman. ang sakit sa ilong! pwe. sino bang pumili netong amoy na to. ang bantot.

"Anak baba na! andito na si Seth." yes. tama ang dinig niyo. este basa pala. si Seth yung pumreno. sinusundo ako niyan tuwing may pasok kami. bakit? eh kasi nga sabi niya 

FLASHBACK

"give me a chance, Ryell. I promise, hindi kita bibiguin."

END OF FLASHBACK

kaya eto kami ngayon. masayang masaya sa piling ng isa't isa. pero syempre, echos lang! driver ko na siya ngayon. nakakatipid ako ng pera! 

"Karyel! dalian mo na! ang kupad mo talaga. naghihintay na yung tao at baka malate kayong dalawa!" sigaw ng nanay ko. makababa na nga. baka bumuga pa to ng apoy.

"Good Morning Seth" nginitian ko si Seth. pogi talaga neto. pero dapat pabebe muna.

"every morning is good pag ikaw ang bumabati." he greeted me back with a smile.

nagpaalam na kami kay mama at baka matraffic pa kami. binuksan niya yung pinto para makapasok ako. sweet ano? gusto niyo sa inyo na lang? ASA! 

"Ryell, nagreview ka na ba?" parang nawala nga yung nireview ko dahil sayo e. pero syempre joke lang yun. 

"oo. bakit?" kokopya ba siya sakin??

"buti naman. kasi mamaya, pasasagutin na kita." sabay kindat. SUSMARYOSEP Seth! wag ngayon, please. baka mawala mga nireview ko.

"uyyy di nakasagot. kinikilig" panunukso niya sakin.

"ASA ka Seth. ako kikiligin sayo? no way. hindi ako nakasagot kasi ang corny mo." sinong pakipot? ako ba? hindi a! si Lola Nidora kaya.

ngumiti lang siya at nagfocus sa pag drive. pero kung totoo yung banat niya, sasagutin ko ba siiya? di ko nga alam kung gusto ko na ba siya e. siguro crush pero love? uhuh i dunno.

--

natapos yung morning class namin. at heto kami ngayon sa tambayan. magkakasama kaming lahat. usapan kasi pag lunch break, kaylangan kami ang magkakasama. para solid ang barkada.

kausap ko ngayon si janine. may tinatanong siya pero di ko maintindihan. iba yung pumapasok sa isip ko. hindi ko alam kung ano. something's bothering me. 

"sis. natatandaan mo ba nung nag outing tayo? HAHAHAHA yung muntik na kayo makiss ni Seth." nagtinginan lahat samin. walangya Janine! ano bang bunganga dinaig pa si Bambi. 

hindi ako nakapagsalita agad. napanganga ako sa sinabi ni Janine. oo! sinabi ko sakanila kasi sobrang kulit nila. kahit nasa loob na ko ng CR katok ng katok tinatanong kung ano nangyare. sino bang di maririndi nun. kaya para manahimik, kwinento ko. pero huwaw, Janine. ang lupet ng bunganga mo.

pag lingon ko kay Seth, parang na-glue yung mga mata namin sa isa't isa. mata sa mata. yung tipong huminto lahat ng tao sa paligid mo at siya lang ang nakikita mo. 

"Ayyiiieee 5seconds stun yun ah! sapul na sapul!" asar samin nila Raf.

nung makabalik kami sa realidad, ngiting ngiti tong mga loko. si Seth, naman kulang na lang magtatatalon sa tuwa. pero ano nangyare? parang sa mga movies.. yung biglang mag sslow-mo.

tawanan lang sila ng tawanan. arrrg nakakahiya. ano ba yun. bakit ganun!!! nakakainis naman.

"parang nawala tayo bigla sa paligid nila. hahahahaha KTB ba par?" tapik ni Nigel kay Seth.

"anong KTB??" tanong ko sa kanila.

"KILIG TO THE BONESSSSS!" sabay sabay nilang sabi.

"baka kinikilig." walang emosyon Kong sabi. ano ba Ryel. hindi ka kinikilig!!!

---

Pagtapos ng Exams, umuwi na ako agad kasi gusto kong makabawi ng tulog. ang dami pang mga requirements before graduation.

*tentenentententen

From: Seth TMNT

"pinaka-masayang Cutting ko? yun ay nung nagCUTTINGINAN tayo :)"

tapos na Finals! WOOOOO!!

G.
#LoveYouRyel
#AkinKaNaLang

Naku naku naku Seth. GM ba yan PM? hahaha teka bat ba ako nakangiti. parang akong baliw dito. ngumingiti magisa. itutulog ko na lang to.

---

"Ryelll!!!!! sige na pleaseee tulungan mo na ko!!!!!"

"Ano ba Darien. dun ka sa chix mo magpatulong. wag sakin." kanina pa nangungulit sakin tong lalakeng to. inabangan pa ko sa gate.

"eh sige na! kasalan mo kasi to eh!"

"aba! ako pa. bat ako. nananahimik ako ah." ako pa sinisi netong mokong to. kakaloka.

"eh kasi ikaw eh! tinitigan mo si Seth. ayon kinulit ako ng kinulit kagabi. kwento ng kwentol akala mo naman wala ako dun. tatawag pa para lang sabihin na, kinikilig siya! kala mo dalaga yung kausap ko kagabi. hindi ako nakatulog, Ryel. ayaw manahimik nung prinsipe mo!" eh ayun lang pala eh.

"edi kay Seth ka magpatulong" belat ko sa kanya.

"yow bespren, good morning!" tapik niya kay Darien.

"and to youuuu, princess, mas maganda ka pa sa umaga!" ngiti niya. syempre nginitian ko din.

"ehem. andito pa ko oh! wag na muna kayo maglandian, pleaseeeee tulungan niyo muna ako sa report ko!!!!" singit ni Darien.

"ayy sige una na ko sa inyo ha. bye Seth! bye Darien. goodluck sa Report ah. Seth, tulungan mo yan." takas ko sa kanilang dalawa

SETH POV

"oh par. pano ba yan, tulungan mo daw ako. pag di mo ko tinulungan, bubulungan ko si Ryel na wag kang sagutin." panunukso ni Darien.

"pasalamat ka sinabi ni Princess ko."

"HAHA di pa nga kayo, andres de saya ka na?"

"loko ka ah." binatukan ko siya.

hello! namiss niyo ba ako? ang saya ng araw ko. sobra. hindi ko makalimutan yung mga mata niya. pati sa panaginip, kitang kita ko yung kislap. yang mga mata mo Ryel. dapat sa akin lang yan titingin.

"may nakalimutan pala akong sabihin.." bumalik si Ryell. ngiting ngiti at nakatingin sa akin.. nagtama nanaman ang aming mga mata.

"I Love you, Seth.."

NOT A FAIRYTALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon