CHAPTER 13

3 1 0
                                    

Seth Pov

KRIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGG!!!!!!

agad agad akong bumangon ng marinig ko yung alarm ko. 3am ako nag-alarm kasi sobrang excited ko! mag hahanda ako ng mga baon namin ni Ryel. i will make this day wonderful for her. i grabbed my keys at ppunta ako sa nearest grocery store. pero may bukas ba ngayon? hala ako! dapat kagabi ko pa to ginawa. kasi naman Seth! magpplano lang, agad agad pa. di bale na. atleast makakasama ko si Ryel ngayon.

pumunta ako sa wet market. ehem, marunong po ako mamalengke kasi tinuruan ako ng mama ko. sabi niya pa nga, mas fresh dito kesa sa mga groceries. doon lahat frozen.

"manang 1 kilo nga po ng baboy. yung ribs po ah! magkano po?" sabi ko dun sa matandang nagbebenta. araw araw nakabusangot yung mukha.

"180 kilo."

"miss ganda, 150 na lang oh" sabay ngiti sa kanya.

"osya iho 150 na lang. nang bola ka pa!" ngumiti din yung ale.

natapos yung pamamalengke ko ng puro tawad. ang pogi ko talaga.

ay ittext ko pala si Ryel. 4:30 na. mahaba haba pa byahe namin.

magssend na sana ako ng msg sa kanya ng magbago isip ko. tatawagan ko na lang siya!

"uhmmm. Seth, napatawag ka?" halata sa boses niya na inaantok pa siya. pero it sounds so sexy.

"Good Morning Princess! bangon ka na jan. mahaba haba pa ang byahe natin."

"ayy oo nga pala! sorry napasarap yung tulog ko Seth. sige i'll fix my self muna!"

"alright. just call me kung tapos ka na. i'll pick you up."

then i dropped the call.

5am papunta na ko sa bahay nila Ryell.

tapos nadaw siya magayos ng gamit.

i ring the doorbell and her mother went out.

"iho, good morning! aalis na ba kayo? alagaan mo si Karyell ah! nasa taas siya. tawagin ko lang. pasok ka muna" aalagaan ko talaga si Ryell, kahit habang buhay pa!

"thank you po tita."

pumasok ako sa bahay nila. dun makikita mo yung malaking picture nilang dalawa ng mama niya. wala yung papa niya kasi di naman kasal yung mama at papa niya. yung father niya daw meron ng ibang pamilya. pero sila yung una. ang sabi ni Ryell, hindi daw pinanagutan yung mama niya. such an asshole. hinding hindi ko gagawin kay Ryell yun. pakakasalan ko siya at magsasama kami hanggang kamatayan kasama ang magiging mga anak namin.

"hello Seth,good morning" she's smiling from ear to ear. whooo! thank you Lord, binigay mo 'tong araw na to!

"Good Morning! ready?" i smile back

"reading ready!!" sabi niya ng naeexcite!

"KAMIIII DIN READY NA SETH!!!" sabay baba ng hagdan sila Bambi, Justine, Janine

"oy oy oy ! kami din ready na!" papasok naman sa bahay nila Ryell sila Darien, Raf, Gian, Mike, Nigel

"ang gagaling niyo naman! paano niyo nalaman na aalis kami ni Ryel!" mga unggoy to. panira. moment na sana naming dalawa ni Ryel eh! DALAWA LANG DAPAT KAMI!

"hehe sorry Seth. akala ko barkada outing e" natatawang sabi ni Ryel. hayyy pasalamat ka mahal kita!

"sige bespren, kung ayaw mo kaming kasama, okay lang! okay lang talaga!" sarkastikong sabi ni Darien.

"nageffort pa kong gumising ng maaga di naman pala tayo kasama" reklamo ni Bambi

"ang layo pa naman ng bahay ni Ryel" sabi ni Nigel

" nagdala pa naman ako foods!" ani Raf

"oo na! kasama na kayo! ang aarte niyo. puro kayo drama." balik silang lahat sa loob ng bahay nila Ryel. eto talagang mga to.

"yehey! ilabyow papa Seth!!" tapos naghug sakin.

"wag niyo ko yakapin! bitaw bitaw. sige na aalis na tayo. eh kaso san kayo sasakay?" hindi kami kakasya kung yung kotse lang dalhin.

"edi palit kotse! hehe dalhin ang navaro!" sigaw ni Mike.

"bobo neto. navara yun!" batok sa kanya ni Nigel.

--

on the way na kami sa Batangas. malapit lang yung ppuntahan namin kasi may mga pasok pa yung iba. pero sigurado naman na hindi papasok tong mga to bukas! magpapahinga tong mga to.

pinindot ni Darien yung radio. sila ni Raf yung katabi ko. sa likod si Ryel, Bambi, Justine, Janine. sa dulo naman sila Nigel, Mike, Gian, Kim. si kim humabol lang samin. nalate kasi ng gising. sinundo lang namin sya sa may gas station.

mahal kita pero di mo lang alam
mahal kita pero di mo lang ramdam
mahal kita kahit di mo na ako tinitignan
mahal kita kahit di mo lang alam, oh oh woah

natahimik bigla lahat. ano bayang radio na yan! sumasabay pa e. naiinis na nga ako kasi may istorbo samin e.

ngunit kumukuha lang ng tyempo
upang sabihin sa iyooooo

"mahal kita pero di mo lang alam.

hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan

ayaw mo naman itanong sa akin kasi baka nga naman hindi ikaw

at hindi ko rin naman sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw

mahal kita pero hindi nga lang halata

hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa

hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala

pero hindi ako torpe

hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan

mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam

hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan

lagi mo akong pakikiramdaman, lagi rin kitang pakikiramdaman

at araw araw tayong magdedemahan

hanggang sa tayo ay magkabistuhan

pero ngayong malapit ng matapos ang kanta ko, nais kong magkaalaman na.

nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan

kasi alam kong don din naman ang tuloy niyan

at dalawa lang din naman ang posibleng sagot jan. oo o hindi

kaya't eto na, sasabihin ko na para matapos na at hindi na makapag-chismisan pa

sasabihin ko na para wala ng problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa."

lahat kami napanganga kay Raf. kabisadong kabisado e. ng biglang

"mahal ka niya pero di mo lang alam.
mahal ka niya pero di mo lang ramdam.
mahal ka niya kahit di mo siya tinitignan
mahal ka niya kahit lagi mo siyang dinededma.." kanta nung iba. mga sira-ulong to ah!

"ayieeeeeeee Sethh" asar nila sakin. napapailing na lang ako sa ginagawa nila. im sure magiging masaya tong outing na to!

NOT A FAIRYTALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon