Gray s POV
Anong problema ng mga tao ngayon? Nakakabwiset. -_____-
"Dre. Move on! Happy birthday ulet." bati ulit ni JC.
"Tigilan niyo na ang pagbati sakin. Hindi nakakatuwa. =_____=" Sa twing naalala ko na birthday ko ngayon, imbis na matuwa ako, e nabbwisit lang ako lalo.
"Chill~ Sorry na. Si Silver kasi eh. Wag ka na magalit! T^T" Deby
Tss.. Paano pa ko magagalit kung ganyan ka-cute ang pinapakita sakin ng babaeng to? Hay! Alam niya talaga kahinaan ko. ;)
"Wooh! Grabe ka tol, kulang nalang umiyak ka ah. Ganon mo ba ka-mahal si Deby?" Nakangising tanong ni Jap.
Tinignan ako ni Deby. Siguro gusto niya makita ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Jap.
"Shut up! Takot ko lang na iligpit ako ng kuya niya noh." depensa ko.
Mahal? Psh. Agad agad? ^_____^
*FLASHBACK~
"Shit. Bullshit."
Nanlaki ang mata ko at halos di ko na maigalaw ang buong katawan ko sa mix emotion na bumubuhos sakin. Hindi ko alam kung maiinis ba ko, maiiyak o ano.
"HAPPY BIRTHDAY, GRAY!" sabay sabay nilang bati.
Lumapit sakin si Deby na dala-dala ang cake na I guess para sakin. Hindi parin ako makakibo kahit nang makarating na siya dito sa harap ko.
"Mianhae. Im sure napag-alala kita. We decided to throw you a surprise birthday party. Sana hindi ka galit samin. And if you want someone to blame, go find your cousin Silver. Siya may pakulo ng lahat ng to." ^______^V
Bakit ba di ko magawang magalit kapag siya na ang nagsosorry?
"Akala ko.. akala ko may nangyari na talaga.. *sigh*" napayuko nalang ako at pinipilit kalimutan yung mga kalokohan na pinag gagagawa nila.
Lumapit narin si mama at ang kapatid kong si Blue.
"Happy birthday, nak! Akala mo siguro nakalimutan na namin noh?" Wow. What an entrance. =______=
"Pati ba naman kayo Ma, nakikisali sa kalokohan ng mga yan?" nagtawanan lang silang lahat.
The place is nice. Konti lang ang mga puno at parang pinasadya talaga na walang masyadong puno sa part na kinatatayuan namin. May mga tables and chairs na nakaayos. At may ilang waiters sa gilid at may catering pa. Pasaway talaga tong mga to. But yeah, akala ko talaga nakalimutan na nila na birthday ko ngayon. Akala ko masyado lang silang excited sa outing namin ngayon kaya nakalimutan na nila ang special day ko, especially si mama na hindi manlang ako grineet mula kanina. -_____-
Inakbayan ako ng dalawang kumag na magkapatid.
"Bro. Nagoodtime ka rin naming sa wakas! :D Happy birthday! More chicks to come. Ayun yung mga gift namin sayo oh." Sabay turo ni JC sa isang malaking table na puno ng mga regalo.
Pagkakataon ko na 'to gumanti. ^^
"Aruy! Ang sakit ah!" reklamo ng dalawa pagtapos ko silang konyatan.
"Masakit? Eh halos atakihin na nga ako sa pinag gagawa niyo eh!" sigaw ko.
Nagtawanan lang sila. Haay! Wala ba akong kakampi dito? T^T
"Kuya." Tinawag ako ni Blue. "Salamat kanina ah! Bwiset yung ahas na yun!" sabi pa niya.
"Nga pala, in fairness magaling kayo umacting! Hindi ko napansin ang maitim nyong balak. Pati yung ahas na muntik tumuklaw sa kapatid ko kinuntsaba nyo pa para magmukha talagang kapanipaniwala ang lahat. Kaya pala may sanga ng puno dun, pang-hampas ko pala yun sa ulo ng ahas. Good job guys!" Sabi ko sabay thumbs up!
BINABASA MO ANG
Love Me A Little
Novela JuvenilGusto ka niya, gusto mo siya. Pero ipagpapalit mo ba ang LOVE sa FRIENDSHIP? Susuko ka ba o ipaglalaban mo? Paano kapag gusto mo na siyang mahalin, pero siya na 'tong sumuko? - This is my first story, please suportahan niyo. ;)) The plot just came i...