Chapter 2

8 0 0
                                        

Deby's POV

Ngayon pala ang outing namin. This is something special kasi kasama namin ang family ni Gray. Muntik pa nga akong hindi payagan sumama ni kuya, buti nalang kinausap siya ng tropa at binilin ako kay Gray, which is ok.

Kahit may pagka-naïve si Gray, mabait at tumutupad siya sa usapan. That's why kampante akong kasama siya, kasi alam kong safe ako sakanya. He's like my second kuya. =)

I'm Devry Nicole Cruz. Tawagin niyo nalang akong Deby or Deb, Debz.. anything would be ok! :) 18 years old na nakatira around QC ;) May isa akong nakatatandang kapatid, si kuya Darryl. Simula ng mamatay ang daddy namin, si kuya Darryl na ang tumayong padre de pamilya sa bahay. At si mama naman nagtrabaho sa UK para matustusan ang pangangailangan naming magkapatid.

Matagal ko ng kaibigan sila Marj, ang magkapatid na JC, Jap at syempre si Gray. Nakilala ko sila nung nagtransfer ako ng first year sa pinapasukan nilang school. By that time, yung tatlong boys palang ang magbabarkada. Then naging classmate ko si Marj nung second year high school tapos nakilala namin sila kasi medyo sikat yung tatlo sa school. Talented at may itsura naman kase. ^____^V

"Deb. Anong oras kita ihahatid sa terminal?" pumasok bigla si kuya sa kwarto ko. Mabuti nalang nakapag-impake na ko.

"Mamayang 9:00am. Nagtext na pala si Marj, dun mo nalang ako ihatid sa bahay nila. Sabay nalang kaming dalawa kuya." Sabi ko.

Tumango lang siya at isinara na ang pinto.

Haay! 7:32am palang. Ang bagal ng oras. Ano na kaya ginagawa nila? Si Marj palang ang nagtext saken. Busy na yata ang mga yun sa pag reready ng mga dadalhin. 1 week kami sa Tagaytay. May rest house doon ang tita nila Japeth at JC kaya hindi na namin kailangan pa maghotel. =)

*Kriiinngg~

Silver  

Calling ..

Si silver lang pala. Pinsan yan ni Gray. Ang cute ng mga names nila noh? Colorful. >;)

"Yeoboseo?"

"Ano na namang ek-ek yan?" mukhang wala sa mood ang mokong na 'to ah. Hmm..

"Wala. O, bakit tumawag ka? Wala bang pantawag si Gray? Kailan ka pa niya naging secretary?" sunod sunod kong tanong.

"May pantawag si Gray at hindi niya ako secretary" -____-

Alam kong masama na ang mukha niya. Naba-vibes ko. HAHAHA!

"So bakit ka nga tumawag?" tanong ko ulit.

"Ngayon ang gora niyo papuntang Tagaytay diba? Well, may gusto lang sana akong sabihin sayo." Biglang naging seryoso ang tono ng boses niya.

Umayos ako ng upo sa kama at huminga ng malalim bago muling nagsalita. "Tungkol saan naman yan? Oy Silver, tigilan mo ko sa mga kalokohan mo ah! Isusumbong kita kay kuya!" banta ko.

"Alam mo ba kung bakit kayo pupunta ng Tagaytay ngayon?" patuloy lang siya sa pagiging seryoso.

Hindi ako sanay. Usually kasi kengkoy kausap 'tong si Silver. Pareho sila ng pinsan niyang si Gray na pasaway! Pero anong pakulo ng lalaking 'to at di ko maintindihan ang gusto niyang iparating?

"Dunno. Pero alam ko na si Gray ang may gusto na mag outing ang barkada ngayon. Ano bang problema mo hah? Umayos ka nga! Porket di ka lang kasama sa outing nag kakaganyan ka." :P

"Today's the day. Don't you remember? Don't act like you know nothing, Deby."

Yun lang at tinapos na niya ang usapan.

Inisip ko ng maigi ang mga sinabi niya. Dapat pala nirecord ko yung tawag niya. Eh malay ko naman na magkakaganon yung sira ulo na yon. Ano bang ibig niyang sabihin dun? Nakakatamad mag-isip. Masyado pang maaga at fresh pa utak ko, ayokong masira lang ng unggoy na yon! -_______-

Kaya mas feel ko talaga kausap at kasama si Gray eh kesa dun sa pinsan niyang si Silver. Mas malakas kasi topak nung pinsan niya. Si Gray may side siya na cute at matured. Si Gray ang masasabi ko na pinaka-responsable at hmm.. ok sige na gwapo sa kanilang mga boys. Pero gwapo rin ang kuya Darryl kooo! Kaso si Gray eh..

Ano bang sinasabi ko? >///<

Ang dapat kong isipin ay yung sinabi ni Silver. Ano ba yun? Full moon siguro mamaya kaya umadvance ang topak.

Love Me A LittleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon