Chapter6: II

4 0 0
                                    

Deby’s POV

Yey! Nandito kami ngayon ni Gray sa perya. I check my wrist watch and its already 2am. Medyo malayo kasi ‘tong peryahan sa rest house.

“Tara dun tayo!” turo niya sa isang sugalan.

Tsk. Mahilig sa gantong lugar si Gray, kasi may sugalan. Hindi naman siya gambler, sadyang swertehin lang siya sa mga ganitong klaseng laro.

“WOOH!! Easy money talaga dito.” Sigaw niya sabay nakipag-apir pa sakin.

See? Wala pang five minutes nanalo na siya.

Nilibot ko muna ang peryahan. May apat na rides, yung parang octopus, roller coaster na hindi kahabaan, anchor’s away at perry’s wheel. Gusto ko itry lahat! Hindi niyo natatanong, kaya ko sumakay sa kahit na anong rides na nakakalula o nakakatakot. Name it, I’ll ride it!

Ang una kong pinuntahan ay yung octopus since yun ang may pinakamaingay na mga tao. Mahaba ang pila, siguro eto ang pinaka intense. We’ll see.

Habang nasa pila ako sinisilip ko si Gray, medyo nakikita ko parin naman siya dito mula sa pila. As expected, nag eenjoy talaga siya sa sugalan na yun. Color game yata tawag dun? Yung may malaking dice na anim na kulay. So parang huhulaan mo lang yung color na lalabas pagkahagis dun sa dice, kapag tama yung color na tinayaan mo.. jackpot! Mapupunta sayo yung taya nung mga mali ang piniling color.

Kakaexplain ko, ayan ako na pala ang next in line.

“Ticket please.” Sita nung ale.

Wow! May please pa. ;)

Isinampal ko sa mukha niya ang ticket at sumakay na sa ride. Chos!

Bigla kong naalala, wala nga pala akong ticket.

“Kailangan pa ba nun?” tanong ko.

“Anong klaseng tanong yan? Malamang kailangan kasi hinihingi ko e. Ang ganda mo pa naman, kaso eng-eng. Sayaaang!” nag snap pa siya.

“Ok sige, palalagpasin ko yung tinawag mo kong eng-eng dahil sinabi mo namang maganda ako. Pero hindi ba pwedeng bayaran nalang kita kung magkano ba yang ticket na yan at papasukin mo na ko? Sayang naman yung pinila ko!” I cross my arms.

“Eto oh.” Nagulat ako ng biglang may nagsalitang boses lalaki sa likuran ko. At napansin ko rin ang inabot niya sa ale na nagbabantay sa gate. Isang ticket.

Nilingon ko siya.. Wow! He’s so cute. Charot! Ang pangit niya! Hindi sa pang-aalipusta or what.. pero mukha siyang holdaper sa kanto!

“T-thanks.” Nagpasalamat nalang ako at pumasok na para matry ang rides na kanina ko pa gustong masubukan.

Nakakatuwa parang tasa yung uupuan mo, basta shape like a cup. Hindi ko pa kasi natry sakyan ang ganitong klaseng ride dahil di naman ako madalas sa perya unlike Gray. Speaking of Gray, habang nakaupo na ako pinilit ko siyang hanapin dun sa lugar na pinagsusugalan niya kanina.. pero di ko na siya matanaw kasi may lalaking nakaharang.

“Ma’am.. konting usog lang po. May sasakay pa dyan.” Sinita na naman ako ng babae na ‘to. WHAT?! Ano daw yun? So dalawahan pala ang cup na ‘to? At ang lalong nakapagpakulo ng dugo ko ay ang kashare ko pa dito sa upuan ay yung mukhang holdaper na nagpahiram ng ticket saken. Geez.

“Kung di mo lang ako nilibre ng ticket, hindi ako papayag na matabi sayo.” Bulong ko habang inaayos ang strap na magsisilbing lock namin.

Ano bang klase ‘to? Paano nalang kapag napigtas ‘tong strap or lumawag? Wag naman sana.. buti kung etong katabi ko lang ang mahuhulog. Hahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me A LittleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon