A/N: Katatapos ko lang magbasa ng iba't ibang story dito sa Wattpad. Nakakainggit ng konti, kasi ang galing galing nilang writer. :) Sana magustuhan niyo rin kung pano ako sumulat ng kwento. Though unang story ko palang 'to, sana maging maayos at magustuhan niyo para matapos ko. :) And yeah, si Deby nga pala yung nasa right ~~>
Thanks for viewing my story. Kamsahamnida ^____^
Gray’s POV
“Good morning! Rise and shine!”
Nasira ang mahimbing kong tulog nang maramdaman ko na may umaalog sa katawan ko. Si Deby ‘to for sure.
“Hmmm..”
“Anong hmm ka dyan! Bumangon ka na! Huuyy!” inaalog niya parin ang katawan ko.
Palagi nya yan ginagawa saken tuwing magkasama kami sa iisang bahay. Kaya alam ko ng siya ang gumigising sakin kahit di ko pa dinidilat ang mata ko.
“Debz.. inaantok pa ko eh.” Sabi ko na medyo groggy pa ang boses.
Masyado yatang marami ang nainom namin kagabi kaya inaantok pa talaga ako.
“Ayan! ALAK PA! Ikaw lang yata tinamaan ng husto eh, yung magkapatid andun nag jogging na. Ikaw nakahilata parin dito. Bangon na dali!”
“Hmm? Nagjogging na sila?” agad akong napabalikwas.
Tinignan ko ang oras sa bedside table. 7:00am na pala! Tsk. Ang kapal kasi ng kurtina kaya di masyadong pumapasok yung araw dito sa kwarto.
“Oo, kanina pa sila lumabas mga 5:30. Ginising ka nila, tulog mantika ka daw eh. Ayan, di ka tuloy nakasama!” Inasar niya pa ko.
“Eh alam mo namang ikaw lang ang may powers na magpagising saken sa umaga eh. ^____^”
Umiwas sya ng tingin.
“Nice one Gray! Ang aga-aga, banat agad?” tumayo na siya sa kama. “Bangon na! May almusal na sa baba.”
“Baket? May problema ba?” tanong ko.
Napalingon naman siya kaagad. “Huh? W-wala noh!” sagot niya.
“Hmm.. Ok.” Sabi ko nalang pero hindi ako na-convince sa sagot niyang yun kaya dumiretso nalang ako ng banyo.
JC’s POV
Yow! Sakit ng ulo ko. Katatapos lang namin magjogging ni Jap. Nandito kami ngayon nag aalmusal sa isang fast-food restaurant. Medyo malayo kasi natakbo namin kaya hassle naman kung tatakbo pa uli kami pabalik ng rest house para magbreakfast.
Ako nga pala si John Clint, JC nalang for short. 18 years old. Mas matanda ako ng 2 years dito sa kapatid kong si Japeth. Sa condo kami nakatira ng kapatid ko. We decided to live independently, ok naman sa parents namin kasi busy rin sila sa trabaho. Ang papa namin ay manager ng isang bangko habang si mama naman, wala nagpapakasasa lang sa pera namin. :D Nasa US siya ngayon kasama ang mga amiga niya.
I’m studying BSComSci at Wattpad University. Pareho kami ng school at course ni Gray at syempre magclassmate rin. ^____^ 1st year palang ako sa nasabing kurso habang ang kapatid ko ay 4th year high school. Ka-batch niya si Deby. Si Margareth naman ang pinaka-bata samin. 3rd year high school palang si Marj pero mas malandi na siya at makolorete sa mukha kesa kay Deby. -____-
“Bro, naalala mo pa ba yung nangyari kagabi?” biglang naitanong ni Jap.
“Alin dun?” tanong ko sabay kagat sa tinapay.
“Gagi, yung kela Deby at Gray! Sila lang naman yung may moment kagabi diba?”
Oh yeah! I almost forgot. Pero paano ko nga naman makakalimutan yung nangyari sa kanila kagabi? Epic nun eh! Hahahaha.

BINABASA MO ANG
Love Me A Little
Teen FictionGusto ka niya, gusto mo siya. Pero ipagpapalit mo ba ang LOVE sa FRIENDSHIP? Susuko ka ba o ipaglalaban mo? Paano kapag gusto mo na siyang mahalin, pero siya na 'tong sumuko? - This is my first story, please suportahan niyo. ;)) The plot just came i...