Deby's POV
Kumusta na kaya yung tatlo sa labas? Nag iinuman parin kasi sila. Kami naman nandito lang nagkakantahan. Si Blue natutulog na sa taas.
"Wait lang ah, cr lang ako." Sabi ko sabay lapag ng songbook.
Alibi ko lang yung cr, pero gusto ko talaga silipin yung tatlong boys na nag-iinuman sa likod ng bahay. >;)
Una ko silang sinilip sa bintana dito sa may kusina. Tumingkayad ako, pero wala akong nakitang tao. Nasa ibang side siguro sila. Binuksan ko yung bintana para mailusot ko yung ulo ko.
There they are! Mukhang mga lasing na sila. Lalo na si Gray. Panay na kasi ang tawa nila at tulakan.
Mabuti nalang may screen dito sa kusina papunta sa likod ng bahay nila, kaya dun na ako dumaan. Narinig yata nila yung pagsara ko nung pinto kaya napalingon yung magkapatid. Si Gray nakayuko lang.
"H-hello. Kumusta kayo dyan? Pinapasilip nila kayo eh, baka daw nagrarambol na kayo." Palusot ko.
"Ah ganon ba? Cool lang kami dito, don't worry." Sagot ni Japeth sabay tingin kay Gray na nakayuko parin.
"Mukhang malakas na tama ng isa niyong kainuman ah." Si Gray ang tinutukoy ko.
"Ah oo. Pero gising pa yan, nag mumuni-muni lang. Halika! Upo ka oh." Umusog si JC sa inuupuan niya.
Patuloy lang sa pagtungga ng beer yung magkapatid habang ako tahimik lang na nakaupo at tinitignan si Gray kung kumikilos pa.
"Guys, tulog na yata siya? Dalhin niyo na kaya sa kwarto niyo?" suggest ko. Malamig kasi dito sa labas at mukhang dedz na talaga 'tong si Gray. Sa pagkakakuyoko niya, masasabi kong di na niya kaya pang maglakad paakyat ng kwarto nila.
"Di yan! Nagrerecharge lang yan!" natatawang sabi ni JC.
"Ahhmm.. Wait lang Deby, may kukunin lang kami ng kuya ko. Dyan muna kayo ni Gray ah! Gisingin mo, buhay pa yan!" sabay hatak ni Japeth kay JC.
"T-teka lang!" sabi ko pa pero kumaripas na sila ng takbo.
Tss.. It's so obvious. Gusto lang nila akong iwanan dito kasama si Gray. Pero mali naman timing nila eh! Nilasing na nila si Gray, paano ko pa 'to makakausap ng matino? =____=+
"Hmmmm...."
Napatingin ako sa harap ko. Kung saan nakaupo si Gray.
"Huy! Gising!" inalog ko yung balikat niya pero di siya umimik.
Haay! Tulog na nga yata 'to. Anong gagawin ko ngayon? Iniwan ako nung dalawa. Di ko naman pwedeng dalhin 'to sa kwarto nila dahil di ko siya kaya buhatin.
"Debz...Debz!" nagulat ako ng bigla niya akong tawagin.
Tumabi na ako sa kanya kahit medyo maliit yung space na nauupuan ko.
"Psst! Nandito ako. Umayos ka nga! Parang beer lang nalasing ka na."
"Di naman ako lasing eh." Nagulat na naman ako ng marinig ko siyang sumagot.
"Eh bakit nakayuko ka dyan? Umupo ka nga ng maayos. Tignan mo oh, ang liit ng space ko dito. Usog ka!" utos ko pa.
Umayos nga siya ng upo pero di parin umuusog, nakatitig lang siya sa akin.
Napalunok ako sa kaba. Di ako sanay na matitigan niya. Hindi niya kasi ugali ang tumitig sa mata ko. Lalo na kapag nag-uusap kami ng kaming dalawa lang.
"G-Gray.. ano kasi.." walang mabuong sentence sa bibig ko. At di ko rin naman alam ang sasabihin ko. Ano ba dapat? May dapat ba akong sabihin? Eh nasabi ko naman na sa kanya noon na..
"I like you."
...
"Graaay!! Ouch! Ang sakit!" sigaw ko.
Eh pano ba naman pagtapos niyang bumulong ng hindi ko naman naintindihan, bigla nalang siyang yumakap saken. Ayan! Nahulog tuloy kami sa kinauupuan namin. Mabuti nalang mababa lang yung kahoy na yun, kundi nabalian pa ko.
Pilit ko siyang iniaalis sa ibabaw ko. Pero pumapalag siya. Panay ang ungol niya na parang sinasabi niya na ayaw niya talaga umalis sa ganong pwesto.
"Shit lang Gray! Ang bigat mo! Tumayo ka nga!" Pinaghahampas ko yung braso niya pero lalo lang siyang nagpapabigat. T_____T
Paano nalang kapag bumalik na yung dalawa? Hindi pwedeng maabutan nila kaming ganito. Ajujuju!
"Deby.." narinig ko na namang binulong niya ang pangalan ko. Halos nakadikit kasi sa tenga ko yung ulo niya.
Then suddenly, may naramdaman ako sa bandang ilalim malapit sa itaas ng hita ko. Parang may tumutusok saken na matigas na bagay. Kinapa ko yun ng hindi tinitignan.. A-ANO YUUUUUUN?!!
>///<
"KYAAAAHHH~" sa di malamang dahilan, naialis ko sa ibabaw si Gray at agad akong bumangon.
Bigla namang sumugod yung magkapatid.
"Oh! Anong nangyari Deby?" tanong ni JC
"Bakit naman nakahandusay na yan?" sabay turo naman ni Jap kay Gray.
"A-ano kasi.. Nahulog siya nung .. basta! Dalhin niyo na nga siya sa kwarto niyo! Lasing na yan! Kung saan saan pa kasi kayo pumupunta eh, yan tuloy nahawakan ko.. ugh! Buhatin niyo na nga siya!" nagmartsa na ako pabalik sa loob ng bahay.
Hindi yata ako papatulugin ng nangyari ngayon. Hindi ko nalang sana sila sinilip dito eh! Ang palad ko. Ang inosente kong palad..
WAAAH~ Kinikilabutan ako.
Erase. Erase. Di ko dapat isipin yun! T^T
***
A/N:
Another chapter po para sa mga nagbabasa nito, kung meron man. XD Luh~ Anyaree? Swerte naman ni Deby nakapa niya yung junior ni Gray. >__< HAHAHA! Kawawang Gray, walang kamalay-malay. :D
Vote po kayo. :) Gusto ko po ng fan. Kahit isa lang! Wala lang, natutuwa kasi ako kapag may nag-fafan sakin. So far, dalawa na sila. Hahaha! HWAITING~
0502

BINABASA MO ANG
Love Me A Little
Teen FictionGusto ka niya, gusto mo siya. Pero ipagpapalit mo ba ang LOVE sa FRIENDSHIP? Susuko ka ba o ipaglalaban mo? Paano kapag gusto mo na siyang mahalin, pero siya na 'tong sumuko? - This is my first story, please suportahan niyo. ;)) The plot just came i...