Chapter 6: Part I

3 0 0
                                    

Gray's POV

Second night naming ngayon dito sa Tagaytay. So far, ok naman ang stay namin. At bukas uuwi na sila mama at Blue, kya medyo nakakapanghinayang kasi di nila kami masasamahan dito hanggang next week. May importante kasing lakad si mama sa City hall bukas. Dun siya nagttrabaho. Si Blue naman, wala lang. Ayaw iwan saken ni mama dito dahil nga sa insidente ng “ahas” dun sa kakahuyan nung nakaraang araw -_____-

*WOW, FANTASTIC BABY~

Message alert tone ko yon ^_____^

Fr: Thea

+639159301***

How’s Tagaytay? Di kayo nagpaparamdam ah. Mukhang masyado kayong masaya dyan. Hehehe ;)) Anyway gusto ko lang itanong kung kumusta na ang paborito kong pinsan? Tulog na ba siya? Are you sure na bukas talaga uwi nila ni tita? Di naman kasi marunong magreply ung mudra mo! XD

~

Si Blue ang tinutukoy nyang favorite nyang pinsan. Matic na, syempre pinsan namin si Thea. Matanda lang ako ng isang taon kay Thea so 17 yrs old sya. Ewan ko sa babaeng yan kung bakit si Blue ang paborito niya, e samantalang inis na inis naman sa kanya yung kapatid ko?

Nireplyan ko nalang para di mapahiya. :D

Reply to: Thea

He’s doing fine. Yup! Bukas na talaga uwi nila. Busy kasi si mama kaya di maharap yung cellphone nya. Tulog na sila ni Blue, maaga pa flight nila bukas. Matulog ka narin. Good night!

~

“Wow! Gabing gabi na may katext parin?” di ko napansin na katabi ko na pala si Marj dito sa sofa.

“Si Thea, nangangamusta lang.” paglilinaw ko habang nakatingin parin sa screen ng cp ko.

Biglang nag amoy ..

“Doritos!” narinig naming may sumigaw.

Si Deby na galing out of nowhere.

“Penge akooo!!” Inilahad pa nya ang palad nya kay Marj.

Favorite yan ni Deby. Sa bahay nila, yang chicherya na yan ang pumupuna sa ref nila.

“Ang lalakas ng pang-amoy niyo, lalo ka na Debz!” – Marj

“Anyway, since gising pa tayo at may snack.. mag movie marathon tayo! Aakyatin ko yung magkapatid baka gising pa.” suggest ni Deby.

“Gising pa sila, naglalaro ng xbox.” Sabi ko kaya tumakbo na kaagad si Deby paakyat sa kwarto nila JC at Jap.

Tinignan ko lang siya kung pano takbuhin ang hagdanan.. nakakatuwa lang, para talaga siyang bata.

“Nakaka-turn off ba?” naalala ko, kasama ko pa pala si Marj.

“Ano kamo?” Di ko kasi nalinaw yung sinabi niya.

“Sabi ko, hindi ba parang nakakaturn-off ang bff ko?”

Ahh. Yun pala yun. Turn-off?

“Hindi ah! Bakit mo nasabi yan?”

Nakita ko siyang ngumiti pero agad rin niyang inalis.

“Gusto mo siya noh? Kasi kung hindi. Nakakapagtaka na yun. Ikaw yung tipo ng lalaki na perfectionist na maituturing. Si Deby naman, medyo kabaliktaran mo.. So how come na di ka natuturn-off or nadidisappoint sa kilos niya? To think na babae siya. You know.. yung pagkamagaslaw niya at balbal manalita kung minsan.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Pero bakit ko pa ba iniisip? Eh matagal ko ng alam ang sagot sa mga tinatanong niya.

Hindi kasi alam ni Marj ang tungkol sa amin ni Deby, I mean yung feelings ko for Deby. Yung dalawang mokong lang ang nakakaalam na may gusto ako kay Deby at pareho kaming may espesyal na nararamdaman sa isa’t isa. Ewan ko. Magbestfriend naman sila pero hindi ko alam kung bakit hindi nagkkwento sa kanya si Deby.

Love Me A LittleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon