Chapter 1

14 1 0
                                    

Chapter 1

"Ang ganda pala dito sa Tagaytay. Ang lamig pa!" sabi ko.

Kasama ko ngayon ang family at barkada ko. Wala lang. Outing.

"Oo nga eh. Magpatayo rin kaya tayo ng rest house dito?" suggest ni mama.

Hmm.. I don't think so. Malamig at maganda sa lugar na 'toh pero di ko feel tumira dito forever! Mas masaya parin sa Manila. Andun lahat ng kailangan ko. Hindi na naming kailangan pa mag-adjust.

"Ayoko dito." Tipid kong sagot.

Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. May gusto akong gawin pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Haay. Gusto ko i-enjoy ang 1 week stay namin dito sa Tagaytay.

"Pare! Picturan mo nga kaming dalawa ni Japeth." Sabay abot sken ni JC ng digicam.

"1..2..3 *click* O ayan na! Papanget nyo." Biro ko.

Magkapatid sina Japeth at JC. Mas matanda si JC ng 2 years, magka-edad kami actually. We're both 19 years old. Kaming dalawa ang pinakamatanda sa tropa. Pero kami rin ang pinaka-isip bata. ^o^

"Uy Gray! Kami rin ni JC papicture!" sigaw ni Margareth.

"Sali ako!" -Jap

"Di pwede! Kami lang dalawa. Souvenir namin 'to dito sa Tagaytay, diba loves?" nagbeautiful eyes pa siya.

"Gusto mong kuryentehin kita para kilabutan ka naman sa pinagsasasabi mo?!" - JC

"Sobra ka naman! Palay na ngang lumalapit eh." Nagpout si Marj at nagpapadyak pa sa sahig na parang bata.

*CLICK!

Agad ko na silang kinuhaan ng litrato. Ang aarte kasi eh! Pero cute naman yung pagkakakuha ko. Para silang magsyota na may LQ. Hahaha!

"Kainis ka! Di pa nga kami nakakapag-pose eh! Burahin mo yan!" lalo pa siyang nagpapadyak sa lupa. XD

"AAAHHH~!"

Naalarma kaming lahat ng may marinig kaming malakas na sigaw. Nagtakbuhan kami malapit sa mga puno, parang doon kasi banda nanggaling ang tunog.

"Sino kaya yun?" - Jap

"Kumpleto naman tayo diba?" tanong ni JC

Tinignan ko si mama at si Eris, buti nandito sila. Eh sino kaya yung sumigaw na yun? Babae ang boses.

"Oh heck! Nasaan si Deby?" tanong ko.

Tinignan namin ang paligid. . si Deby nawawala.

Si Deby ang isa sa mga tropa namin. Mayayari ako sa kuya niya kapag di ko siya nakita! Sa akin pa naman siya binilin. As I said, kami ni JC ang pinakamatanda sa tropa. Si Japeth at Marj ay parehong 17 at si Deby naman ay 18, kya kami ang in-charge sa kanila.

"DEBY!!" sigaw ko sa gitna ng kagubatan.

"Ate Deby!! Nasaan ka?!!" nagulat ako ng sumigaw rin ang kapatid kong si Blue.

Sa sobrang worried ko, hindi ko namalayan na kasama ko pala sa paghahanap ang kapatid ko.

"Kanino sumama si mama" tanong ko kay Blue.

"Kela kuya Jap." Sagot niya.

Si Blue ang bunso kong kapatid. Hindi ko alam sa pamilya namin kung bakit sila mahilig magpangalan ng mga kulay -____-

"Kuya. Paano kung may nangyaring masama kay ate Deby?" bakas sa mukha niya ang pangangamba.

"Ano ka ba?! Hindi ngayon ang oras para matakot! Tara hanapin na natin siya."

Pero kahit ako ay nangangatog na ang tuhod sa pag-iisip na baka nga may nangyari ng masama sakanya. Wag naman sana. Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yun!

"Kuyaaaa!"

Agad akong lumingon sa likuran ko. "Fuck!"

Nilibot ko ng tingin ang paligid upang makahanap ng matigas na bagay. Nakakita ako ng kahoy. Isang piraso ng sanga ng puno. Dahan dahan ko itong dinampot.

"Wag ka gagalaw." Utos ko habang dahan dahan na lumalapit sakanya.

Nang makakuha na ako ng tyempo, agad kong hinataw sa ulo ang malaking ahas na papalapit sa kapatid ko. Halos maiyak siya sa takot.

"Kuyaaa!" niyakap niya nalang ako ng mahigpit.

Bumalik na kami sa una naming tinambayan. Wala pa sila. Patuloy parin silang naghahanap kay Deby. Hindi na kami pwedeng bumalik ni Blue sa gubat, na-phobia na yata siya.

*Kriinngg~

Nilabas ko ang cellphone sa bulsa ko.. hoping na si Deby ang tumatawag at sasabihing ok lang siya at walang nangyayaring masama sakanya. Diretso kong pinindot ang answer button..

"Gray! Pumunta ka dito! Tulungan mo kame!!...aaahhh~" naririnig kong nagsisigawan ang iba niyang mga kasama.

Tinignan ko ang caller ID. Si JC.

"Nasaan kayo? Anong nangyayari?" natataranta kong tanong.

"Go east! Dalian mo Gray!!!!!-Toot! Toot! Toot!" the call just ended.

Damn! Sa sobrang kaba ko agad akong tumakbo pabalik sa forest. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Takbo lang ako ng takbo.

Halos 3 minutes na yata ako tumatakbo pero di ko parin natutunton ang kinaroroonan nila. Kasama na kaya nila si Deby? Ano kaya nangyari sa kanila?

*GASP* 

"Shit! Bullshit!"

***

A/N:

Ano kaya yun? Naabutan pa kaya ni Gray na buhay ang kanyang mga minamahal? Kekeke. :)

Maraming salamat sa mag aabalang magbasa neto. ^_____^V

0502

Love Me A LittleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon