CHAPTER 21

3.1K 72 0
                                        

Maraiah's POV

Matapos ang gabing 'yon ay naging malapit kami ni Mikha sa isa't isa. We occasionally hangout and kept in touch with each other sa kabila ng hectic schedule. Nag-uusap kami through chat minsan kapag hindi talaga kayang isingit magkita sa personal. As days go by, mas lalo ko pang nakikilala si Mikha. I discovered a lot, like how she likes her coffee — dark, no sugar. She likes matcha and her comfort food is ramen. She likes to go for a night walk and would stay silent but would also strike random conversations from time to time. She can't leave her house without a cap, she reveals to have more than a dozen of them. She doesn't like vanilla perfume, and prefers something fruity or oriental scent. Mikha loves ice cream, she's a decent cook and loves to make paper flowers. She promised to make one for me. Fun fact: she loves to hike pero tamad siyang gumising ng maaga kaya hanggang plano na lang siya.

Mikha and I get along just fine. We vibe! Like super. I figured we have lots of similarities, except that she eats vegetables, I don't.

Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala, ang dating pinapangarap ko lang ay nangyayari na. Parang kailan lang nong una ko siyang makita, gusto kong magpapansin sa kaniya pero nahihiya ako. Noon, naiisip ko lang kung paano ako makakapasok sa buhay niya, ngayon parte na ako nito, kahit bilang bagong kaibigan lang.

Masaya ako sa anumang meron kami ngayon, pero hindi ko rin maiwasang mabahala. Ang kumplekado kaya mahulog sa taong tinuturing kang kaibigan.

Nireject na niya si Stacey kasi hindi pa siya handa, kaibigan lang din ang tingin niya sa kaniya, tapos may Ashley pa — na hindi ko alam kung anong papel sa buhay niya. I've always wanted to ask her about Ashley, pero ayokong isipin niyang nanghihimasok na kaagad ako. Hindi ko na nga sinasali sa bilang 'yong mga babaeng nagpapapansin sa kaniya dahil mas lalo lang akong panghihinaan ng loob.

Hindi naman sa aamin ako kay Mikha — I don't think I have the courage to do that, pero alam ko rin sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kaniya, hindi ko na 'to maitatanggi pa kahit lokohin ko man ang sarili ko. Ang wrong timing lang kasi eh, kung kailan naman ako nahulog saka kami naging magkaibigan.

Tapos walo pa kami, ayokong maapektuhan na naman ang samahan namin dahil sa pag-ibig na 'yan.

Nakakatanga no? Kung kailan hindi ka handa, saka darating sa'yo ang love. Kung sino 'yong ayaw magmahal, siya 'yong papanain ni kupido. Tapos sa huli, hindi rin mapaninindigan dahil sa maraming dapat isaalang-alang.

Why can't love find us in the right place at the right time?

You know? Kapag perfect na ang lahat, then maybe, everything will fall into place.

Bakit kailangang may mauna at mahuhuli? Para saan ba ang tamang panahon na 'yan?

Isa pang kinakatakutan ko ay kapag malaman 'to ni Colet. Iniisip ko pa lang magiging reaction niya nanginginig na mga tuhod ko. Ang tangi ko na lang magagawa sa ngayon ay itago 'tong nararamdaman ko, hindi lang kay Mikha, pati na rin sa kanila ni Colet. Dinadaan ko na lang sa pang-aasar at kapag magkakasama kaming walo, I try not to engage with Mikha. Kapag kami lang namang dalawa ang magkasama, I avoid deep talks and particular topics like my past or sharing a piece of me because I know when I do, when I finally open up - like what happened in my past relationship, then I let you have the power over me. Para sa'kin ganon kasi 'yon, kapag binigay mo na ang puso mo sa kanila, then pwede na nilang gawin kung anong gusto nila. A power which they can use against you para saktan at lokohin ka, o pwede ring gamitin nila 'yon para maiparamdam sa'yo ang halaga mo at tratuhin ka ng tama.

Nasa sa kanila na 'yon. Nakakatakot lang kasi sa huli, kung ano man ang kahihinatnan, hindi lang sila ang masisisi na'tin, kundi pati ang ating sarili, hinayaan na'ting mangyari eh.

THAT GIRL | MIKHAIAH Stories to obsess over. Discover now