Someone’s POV
“TOTOO BA LAHAT NG NARINIG KO?” Gulat na tanong ni Francis.
“O-o-o-o-OO MAHAL KITA! MAHAL KITA MATAGAL NA KAHIT NA KAIBIGAN LANG ANG TURING MO SA KIN MINAHAL KITA HIGIT PA DUN! NAIINTINDIHAN MO BA? MAHAL KITA!” Nahihirapan man si Gladys na aminin kay Francis ang totoo ay hindi niya parin napigilan ang sarili.
“TAMA NA GLADYS! Wag mo nang saktan pa yang sarili mo! Francis, let us explain! What yo...” Si Clyde, siya lang ang makakatulong sayo ngayon.
“Explain? Dapat ko pa bang marinig yang paliwanag mo? Narinig ko ang lahat at sapat na yon. Ngayon, gusto kong sagutin nyo ang tanong ko! Nagpanggap lang ba kayo sa harapan namin? Niloko nyo lang ba kami?”
“Pa *sob* rekoy *sob* Sor...”
“SORRY? SORRY LANG BA ANG SASABIHIN MO! UMASA AKONG MAAYOS ANG LAHAT. UMASA AKONG OKAY ANG BESTFRIEND KO. AKALA KO MASAYA KAYONG DALAWA! TAPOS ANO... SORRY LANG? NILOKO NYO KAMI!”
“TAMA NA! Huwag mong sigawan si Gladys! Higit kanino pa man, siya ang higit na nasasaktan... kahit na wala naman siyang kasalanan!”
“Panong walang kasalanan?”
“Ako! Ako ang nakaisip nang lahat ng to! Yung pagpapanggap, yung pag-arte, lahat! Ako ang nakaisip nun. AKO! Kaya wag mong sisihin si Gladys!”
“G*GO KA PALA EH!”
<BOOGSH>
“tama na... *sob* Tama na... *sob* TAMA NA!!! TUMIGIL NA KAYO! *sob*”
“Ma *sob* rian...Best *sob* Sorry!” pagkatapos nyang humarap kay Marian ay tumakbo paalis si Gladys nang umiiyak
“Teka! San ka pupunta Gladys?” hinabol ni Clyde si Gladys habang naiwan naman si Francis at Marian na umiiyak dahil sa mga nangyari. Habang may isang taong nagmamasid sa paligid at nagsisisi sa ginawa niya.
Francis’ POV
“Saglit lang Gladys!” hinigit ko yung braso niya at hinarap ko siya sa akin.
“Bakit *sob* ganon? Ba *sob* kit kung kelan handa *sob* ko nang kalimutan yung... *sob* yung feelings ko sa kanya eh tsaka nya pa nalaman?” niyakap niya ako habang patuloy na umiiyak.
“Sorry sa lahat! Hindi ka sana nasasaktan ngayon kung hindi ko ginawa yung deal na yon. Ang T*nga ko talaga.” Kasalanan ko to lahat pero wala akong magawa para tulungan ka. Mahalaga ka sa akin kaya ayaw kong nakikita kang nasasaktan.
“Gusto ko sanang sabihing wag ka nang umiyak pero hindi pwede kasi alam kong nasasaktan ka ng todo.” Dinala ko siya sa swing sa park para kahit paano mawala yung lungkot niya.
“Salamat ah!”
“para saan?”
“sa pagdamay sakin. Sa pagbabantay at sa pagiging panyo ko”
“ano ka ba? Maliit na bagay lang yan kung tutuusin. Di ba nga ako yung pumilit sayong pumayag na magpanggap! Kaya ako dapat yung magpasalamat at hindi mo ako iniwan.”
“Ang baduy mo naman. Hindi bagay sayo ang magdrama” ngumiti siya kahit na alam kong nasasaktan parin siya.
“Totoo kaya yon! Hindi nga pwera biro. Alam mo bang hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa sakin. Pakiramdam ko nga eh nakamove on na ako kay Marian dahil sayo eh”
“Talaga? Buti ka pa” nagsimula na naman siyang umiyak. Napakaemosyonal niya talaga.
“Oh ba’t ka nanaman umiiyak? Sige ka, pag-ikaw naubusan nang tubig sa katawan mo ay bahala ka”
“Oh ito na... titigil na! Dito muna tayo ah! Wag mo akong iiwanan.”
“Sige. Dito lang ako sa tabi mo hanggang gusto mo”
Dismissal Time
Marian’s POV
“Fra...Francis!” Nakakakaba pero kailangan ko tong gawin.
“Ma...Marian!” mukhang kinakabahan din siya.
“Pwede ka bang makausap? Yung... tayong dalawa lang?”
“Uhm... Okay” sumunod nalang siya sakin papuntang Garden para wala ganong tao.
“Ano bang sasabihin mo?”
“Mahal parin kita” hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.
“Ha...ha...huh? ano ba yang sinasabi mo? Kung tungkol to kagabi wa...”
“Mahal parin kita? Ikaw... mahal mo pa ba ako?”
“Para saan pa? Kahit aminin ko namang mahal kita ay wala parin naman magbabago eh.”
“Break na kami ni Francis! We both decided to end our relationship.”
“Wa...what? I’m very sorry for what had happened.”
“Now, answer my question! Is our break up really worth it? Do you still love me?” a minute of silence covered us. Naiiyak ako pero bakit ganon? Bakit parang ayaw lumabas ng luha ko?
“Yes, Mahal kita!” then unti unti kong naramdaman yung labi niya na dumampi sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito pero parang may mali, parang... hindi siya yung hinahalikan ko.
Gladys’ POV
At dahil sa kakaiyak ko kagabi, hindi na ako nakapasok. Palakad-lakad lang ako sa park ng nakita ko si... si...
“Gladys!” tinawag niya ako.
“Ah...ah...bakit?”
“Pwede mo ba akong samahan mo dito!”
“Ah si...sige.” Pagkaupo ko sa tabi nya, nakita ko kaagad yung bote ng alak na iniinum niya.
“Naglalasing ka ba dahil sa nangyari kagabi? Sorry talaga ah! Pero wag mong isi...”
“Okay lang! Wala naman akong magagawa dun eh. Alam kong hindi mo sinadya. Ako nga ang dapat mag sorry sayo kasi... alam kong nasasaktan ka higit sa nararamdaman ko.” Bakit siya malungkot? Bakit parang kahit anong sandali eh iiyak na siya? Bakit?
“Nung umalis kayo” bigla nalang siyang nagkwento tapos biglang pumatak yung luha niya dun sa kamao niya.
“Nag...*sob* break kami ni Marian.” Nag break sila dahil samin... dahil sa AKIN. Nagiguilty ako dahil alam kong ako yung may kasalanan nun.
“So...so...sorry! kasalanan ko ang lahat. Kung bakit kayo naghiwalay at kung bakit ka umiiyak ngayon. Sorry kas...”
“Don’t feel guilty for what had happened. It’s not your fault, it’s ours... it’s my fault” pinunasan niya yung mukha niyang basang basa ng luha.
“Pero diba ako yung naging reason nyo kung bakit kayo naghiwalay?”
“No! We both decided to end up our relation because we aren’t happy of what we had. Yeah, we are couple but... I guess she’s not happy with me.” I just bow down and felt sorry for them.
“Gladys”
“Ba...” (OoO) teka... bakit? .... bakit niya ako hinahalikan. Naramdaman ko namang tumulo ulit yung luha niya. Gusto ko sanang tumigil na pero bakit parang... parang gusto ko.
---
BINABASA MO ANG
Someone Like You
Teen Fiction...masakit magmahal pero mas masakit ang ipaubaya ang mahal mo...