Chapter 8 - Exchange of Heart

12 0 0
                                    

Clyde’s POV

Bumalik ako dito para ayusin lahat ng pagkakamali ko pero sa pagbalik ko hindi lahat pwedeng maayos, isa na dun ay yung samin ni Marian. Mahirap sa simula pero hindi mo alam na may isang taong darating sa buhay mo na magpapabago sa ikot nito. Yung taong kasabay mong lumuha, masaktan at magpanggap.

“Gladys!” at ngayon nasa harap ko na yung taong dumamay sa akin. Yung taong mahal ko napala hindi ko pa alam.

“Oh! Clyde, mabuti naman at nakita rin kita. May sasabihin ako sayo”

“Ta...talaga! ako din eh” Hindi kaya parehas kami ng nararamdaman at nang sasabihin.

“Ah! Sige ikaw muna!”

“Hindi, ikaw na! Ladies first nga diba?”

“Ngayon ka pa naging gentleman!”

“Sige na mauna ka na!”

“Kasi si... Francis, kami na” Medyo kumirot yung puso ko sa narinig ko.

“Kayo na? Ah hehe congrats! hehehe” Napakalaking sinungaling ko talaga.

“nakakaloko yung tawa mo! Eh ano naman yung sasabihin mo?” hindi... hindi ko na dapat pang sabihin yun.

“Ah yun ba! Wa... wala yun tungkol lang sana sa... sa... assignment natin! Yung sa foundation of education!”

“Kokopya ka? Eh ikaw nga tong mas matalino sa akin eh  pero ito oh kopyahin mo na! Baka kasi hindi ka nakagawa dahil sa mga nangyari!” inabot niya sa akin yung notebook niya pero ano naman kayang gagawin ko dito eh nung nakaraang lingo ko pa to tapos eh.

“Oh sige alis na ako. Magkikita daw kami ni Francis ngayon eh. Bye!”

“Ba...bye!” Bakit parang ang hirap magpaalam? Hindi pa naman to yung huli naming pagkikita diba? Pero bakit ganon? Parang ito na yung huli.

Richard’s POV

T...teka! ano bang nangyayari dito. Parang mali to ah. Si Gladys kasama si Francis habang si Clyde nasa sulok at pinagmamasdan lang sila. Nilapitan ko si Clyde na halatang nasasaktan sa kanyang nakikita.

“Anong pakiramdam makita ang mahal mo kasama ang mahal niya?” Gusto ko lang gumanti sa pang-bubully niya sa akin.

“Masarap! Ano bang klaseng tanong yan eh di siyempre masak... Teka nga! Sino ka ba?” mukhang asar na asar niyang sagot.

“Makakalimutin ka masyado! Ako to si Richard yung sinabihan mong girlfriend mo si Gladys! Eh bakit si Francis ang kasama niya at hindi ikaw? Akala ko ba kayo?”

“None of your business dude!”

“Pero yung totoo? Mahal mo talaga siya?” Seryoso kong tanong sa kanya nang hindi siya tinitignan.

“Alam mo kahit ayaw kitang kausap, sasabihin ko pa rin sayo. Oo mahal ko siya kahit ang sakit sakit na.”

“Alam mo bang naramdaman ko rin yan. Nakakatawa nga eh kasi yung mahal ko eh mahal mo din na may mahal namang iba!”

“Si...si Gladys? Mahal mo din?” mukhang nagulat siya sa sinabi ko

“Oo! Stalker nga ko nun eh. Halos lahat siguro ng mahahalagang bagay sa buhay niya eh alam ko.”

“Talaga lang ah? Tulad nang ano?”

“Tulad nung muntik na syang mamatay. Yung dun sa old building na muntik pa nga siyang mahulog dahil sa sobrang gulat sayo!”

“Te... teka? pano mo nalaman yan ah?”

“Diba nga sabi ko nandun ako sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya.”

“Ikaw na stalker dude! Pero matanong ko lang kelan mo pa nagustuhan si Gladys?”

“Kelan nga ba? Sabihin na lang natin na na-love at first sight ako sa kanya. Nakita ko siya one time na tumatakbo papunta sa likod ng old building ng school natin. Ang ganda niya nga nun eh tapos ayun nahulog ako sa puno”

“Puno?”

“HEHE Oo, nahulog ako sa puno dahil sa kakatingin ko sa kanya pero hindi niya ako nakita kasi medyo madilim sa lugar na yon.”

“Baliw ka talaga eh noh? Teka, Gusto mo ba akong samahan? Tara inuman tayo?” inuman? Sige, mukhang kailangan ko talaga to eh.

“Sige! First time kong iinom ng alak kaya wag kang magulat pag-lasing na ako sa isang baso ah!”

“Haha! Okay lang yan. Tara na!”

Pumunta kami sa bahay nila, malapit lang yun sa school kaya nakarating kami agad. Naglabas siya ng 2 bote ng beer, baka tig-isa kami.

“Bakit dalawa yang nilabas mo?” sabi ko sa kanya first time ko uminom kaya madali lang akong malasing.

“Akin yang dalawa! Kumuha ka nang gusto mong inumin diyan sa refrigerator. ”

“teka akala ko ba bisita ako dito?”

“Wag ka nang magpanggap! Hindi bagay sayo.”

“Te...teka! ano bang sinasabi mo?”

“Loko ka! Alam kong alam mo na kapatid kita”

“Ah... Hehehe akala ko ako lang ang nakakaalam.”

“Sinabi na sa akin ni Daddy ang lahat nung pumunta ako sa America to handle our business.”

“Sa inyo lang yon! Wala akong balak na makihati sa kayaman niyo”

“Ano ka ba! Kapatid kita kahit anong mangyari. Sabi nga pala ni Daddy na nagkita kayo bago siya magkasakit.”

“Ah oo nga, nakwento niya pala lahat sayo.”

“Oo naman.”

Sinong mag-aakalang si Richard Fernandez na mag-isa at wala nang pamilya ay matatanggap ng legal na pamilya ng Papa ko. Anak ako ng Papa ni Clyde sa secretary niya. Pinanganak ako ni Mama mag-isa dahil anak daw ako sa labas at may legal na asawa si Papa. Lumaki ako sa probinsiya pero napagdesisyonan kong lumipat dito sa Manila nang mamatay si Mama. Hindi ko naman ginustong makilala si Papa pero siya na mismo ang humanap sa akin ng mabalitaan niyang wala na si Mama. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa dahil siya nalang ang pamilya ko. Nalaman ko ding may nakababatang kapatid ako. Akala ko hindi niya ako matatanggap bilang kapatid pero nagkamali ako. Medyo nakakapanibago kasi nasanay akong mag-isa, walang kapatid, at walang nasasabihan ng sama ng loob. Pero ngayon, kumpleto na ako at masaya sa kung anong nararanasan ko.

---

Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon