Clyde's POV
Akala ko magagalit ako sa kanya kapag nakita ko na siya pero hindi ko nagawa kasi masyado siyang mabait. Medyo marami kaming pagkakaparehas at ganun din kay Francis, malamang mag-pinsan din sila eh.
"Hoy! Hoy! Hoy!" aba! Mabilis nga siyang malasing. Ilang shots pa lang tumba na. Nakakatuwa naman magkaroong ng kapatid na mas matanda sayo pero parang mas bata pa sayo mag-isip.
"Hoy! Gumising ka nga! Ang bigat bigat mo naman." Dahil nga lasing na siya, binuhat ko na siya papunta sa guest room namin kaya lang sa second floor pa yun kaya medyo mahirap.
"Kapag naging kayo ni Gladys, magiging masaya ako" Tong lasing na to kung ano ano pang sinasabi!
"Aba! Dapat lang. Mas matanda ka sa akin kaya dapat maging mapag-bigay ka sa nakababata!"
"Tange! Isang buwan lang ang pagitan natin. Magkasing edad lang tayo! Kaya anong sinasabing mong nakakatanda? Mas mukha ka ngang matanda sa akin" ang daldal naman nito kapag lasing.
"Oo na! Matulog ka na diyan! At wag kang maingay ah"
"Yes boss!" Ang kulit niya talaga. Akala mo kung sinong tahimik. Eh mas madaldal pa pala sakin tong mokong na to.
<TOK... TOK... TOK...>
Sino naman kaya ang dadalaw sa ganitong oras? Medyo late para sa bisita.
"Sin..."
(@.@)
"Ah... Hi?"
"Ah... Hi! Na...napadaan ka? May kailangan ka ba?"
"Gu... gusto ko sanang makipag-usap ngayon" pagkatapos niyang magsalita ay niyakap niya ako at nakarinig na ako ng hikbi. Umiiyak siya pero bakit? Akala ko ba masaya siya? Eh bakit siya umiiyak?
"Te... teka? Wag kang umiyak! Tara dun tayo sa garden mag-usap!"
"Bakit ganon Clyde? Bakit ako nasasaktan? Bakit hindi ako masaya?"
"Ano bang sinasabi mo? Di ba kayo na ni Francis? Dapat masaya ka na kasi natupad na yung pangarap mo... yung plano natin."
"Kami na pero bakit *sob* hindi ko maramdamang *sob* kami. Nararamdaman kong *sob* hindi siya *sob* masaya sa kung anong meron kami ngayon at *sob* nasasaktan ako dahil dun. Ayokong makitang nasasaktan ang taong *sob* mahal ko dahil sa akin."
"Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin. Alam ko namang kaya mo yan, ikaw pa ba? Eh nasa yo na nga lahat ng katangiang hinahanap ko eh."
"Salamat ah! Siguro kapag nawala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Edi hindi na ako aalis sa tabi mo"
"talaga?"
"Siyempre... joke lang! Ano ako anino? Pero wag kang mag-alala hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari"
"Magulo ka kausap pero... Salamat Clyde!" niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya. Medyo awkward lang tignan yung position namin. Nasa gilid niya ako kaya nung niyakap ko siya eh medyo pahiga na kami. Buti na lang eh nasa garden kami kaya wala gaanong makakakita.
Francis' POV
Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Sino kaya ang kasama niya ngayon? Naiisip niya kaya ako? At na...
"Francis" para naman akong baliw dito. Sa sobrang kakaisip ko pati yung boses niya eh naririnig ko na.
"Francis"
<pok> tinapik niya ako.
"Ma...marian? a... anong... ginagawa mo di...dito?" nandito na siya sa harap ko pero hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin o sabihin.
"Gu...gusto ko sanang makipag-usap, kung pwede?"
"ah eh kasi... sige na nga." Pano ba to? Ano ang dapat kong sabihin?
"Kamusta ka na?" ayun lagi ka paring iniisip.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayos lang ako"
"sorry ah, dahil sa akin eh nahihirapan ka nang ganyan"
"Ah hindi. Medyo okay na rin naman ako eh kasi nandiyan naman si Gladys, lagi niya akong binabantayan at inaalagaan baligtad nga eh kasi siya tong babae tapos siya yung nagbabantay sa akin"
"Ka... kayo na ba?"
"Oo, pero alam naman niya na mahal parin kita pero hindi ko siya ginagamit or whatever, She just volunteered herself to help me"
"Mahal mo pa ako?"
"Hindi ba halata? Ikaw lang ang minahal ko nang ganito."
"Alam ko Francis, alam ko."
"Kayo ni Clyde? Kamusta? Kayo na ba?"
"Ah eh kasi sabi niya hindi niya na ako mahal. Hindi na raw namin pwedeng ibalik yung dati kasi may iba-iba na raw kaming mahal. Ikaw at ako at siya at si Gladys. ganun"
"Siya at si Gladys? Mahal niya na si Gladys?"
"Oo daw. Kaya hindi niya na raw ako pwedeng balikan."
Marian's POV
Pinuntahan ko si Francis para malaman kung may pag-asa bang maging kami uli pero mukhang wala na kasi sila na ni Gladys. Wala na akong bestfriend tapos wala na rin yung lalaking mahal ko.
Flashback
"Now, answer my question! Is our break up really worth it? Do you still love me?"
"Yes, Mahal kita!" then he kiss me at ng tumigil na siya...
"But that is not like our love for each other before. Our relationship was ended before, and we can't get back all the things and even our emotion or feelings now."
"Ba...but..."
"No buts, no hows! I know that you love Francis and he loves you too! What you've heard last night is about goodbyes and endings... our ending. You should go now to say your feelings to Francis before it's too late"
"Tha...thank you!" then I give her a hug, a friendship hug. Now, I know what my true feeling was.
Tumakbo ako papunta sa park. Nagbabakasakaling makita sya dun. Pagdating ko dun naisip ko agad na maaayos ko pa yung sa amin ni Francis pero mukhang huli na ako.
"Gladys" tinawag ni Francis si Gladys at hinalikan. Lumuluha si Francis pero patuloy lang silang dalawa. Bumilis yung tibok ng puso ko at hindi ko namalayang pumatak na yung luha ko. Hindi na ako makagalaw at parang... parang... nasasaktan ako ng sobra.
End of Flashback
Sabi nila dalawa lang daw ang klase ng tao sa mundo, yung minamahal at nagmamahal eh ako san ako dun? Gusto ko nang kausap... gusto ko makausap si Gladys ngayon.
"Be...best?"
"Gladys, Best" nandito siya. Nandito na yung bestfriend ko, yung taong laging nandyan kapag kailangan ko.
"Wag ka nang umiyak! Tigil na! Ano ka bang babae ka. Akala ko ba matapang ka?"
"Sorry best! Hindi ko alam kung bakit pero parang nakalimutan ko na kung pano maging matapang... kung pano maging matatag."
"Best, okay na ang lahat! Tahan na." Tinap niya yung likod ko.
"Sana nga okay na ang lahat. Sana!" pinunasan ko na yung luha ko at tumingin sa kanya.
"Oh yan ang ganda mo na ulit." Namiss ko toh. Namiss ko siya.
"Salamat best!"
"ay oo nga pala. Bukas may party kaming hinanda sa bahay ni Francis! Punta ka ah!"
"Best naman eh! Alam mo nama..."
"aasahan kita ah" tapos ngumiti siya nang nakakaloko at umalis. Parang timang talaga to eh. Alam nang nasasaktan pa rin ako eh. Kinakabahan naman ako sa pwedeng mangyari bukas.
---
BINABASA MO ANG
Someone Like You
Teen Fiction...masakit magmahal pero mas masakit ang ipaubaya ang mahal mo...