Marian’s POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ni Francis, parang kahapon lang nung pinakilala sya sa akin ni Best tapos ngayon kami na. Pero mas hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Flashback
6:00 a.m
1st day namin to kaya gusto ko maganda ako! Nag-reready na ako ng gamit sa school at ready na para umalis
“Beep.....Beep......Beep” Nandito na ang sundo ko. Oo nga pala sabi niya lagi niya akong susunduin para daw sabay kami. Nagmamadali naman akong bumaba dahil excited akong makasabay ang boyfriend ko.
“Good Morning Babe”
“Good Morning din Babe” then he kiss my chicks haha simula na ng kasweetan.
Nang malapit na kami sa School nakita kong nakangiti siya nang nakakaloko haha ang cute niya.
“Why are you smiling?”
“Look!” tinuro niya yung dalawang tao sa gate ng university.
(OoO)
Si Gladys at Clyde magkasama? masaya at mukhang close sa isa’t isa na parang matagal ng magkakilala. Kahapon lang eh galit na galit siya kay Clyde tapos ngayon close na sila. Masaya ako pero bakit parang may kung ano akong nararamdaman, mali to pero hindi ko mapigilan.
End of Flashback
Nasa room na kaming tatlo, si Francis kasi Office Administration ang course kaya hindi kami magkaklase pero si Clyde at Gladys magkasama. Hindi ko alam pero parang may relasyon sila, yung tipong more than friends. Hindi kami gaano nakapag-usap ni Gladys pero nagpansinan naman kami. After nung first class namin pumunta ako ng cafeteria para kumain, wala pa si Francis kay inantay ko siya, ilang minuto lang dumating na siya.
“Kanina ka pa?”
“Hindi naman kakarating ko rin lang. Tara kain na tayo”
“Sige! Ano nga palang next subject mo”
“Philosophy of Education. Ikaw?”
“Accounting, ang hirap nga eh! Nakakaloko yung prof. namin ang bilis magsalita.” Nagkukwento si Francis habang ako nakikinig lang at ngumingiti.
Gladys’ POV
Sinamahan ako ni Clyde na pumunta ng Cafeteria para bumili ng Food, tinamad kasi akong magluto kanina. Sa pintuan palang ng Cafeteria nakita ko na sina Marian at Francis na parehong nakangiti kaya ayaw ko nang tumuloy kaya lang si Clyde inakbayan ako at pumasok.
“Hi!” waaaaaahhh lumapit siya kila Marian at Francis na parang wala ako sa tabi niya. Naku po! Lagot tong lalaking to sakin mamaya.
“Oh! Kamusta na pinsan!” sabi ni Francis
“Pinsan? Mag-pinsan kayo?”
“Oo, mag-pinsan kami. Tumira nga ako sa bahay nila sa states nung vacation eh” Whaaaaaaahhhhhh! Hindi nya nasabi sa akin yan ah! At habang ako’y aligaga na sa naririnig ko, ito namang si Best ayun tulala habang nakanganga.
“Have a seat”
“Sure!”
“Hoy! Umupo ka daw!” kailangan talagang tumabi sa kanila?
“Ito uupo na” naiilang ako pero wala akong magawa nandito na ako eh.
“Boyfriend mo ba to parekoy? Naku kawawa ka dyan, hindi marunong magpakilig ng babae yan eh” mukhang kilalang kilala niya si Clyde
“Oy loko ka ah wag mo nga akog siraan sa harap ng Girlfriend ko!”
“Girlfriend? Ako?” Hanu daw? Baliw na talaga tong lalaking to.
BINABASA MO ANG
Someone Like You
Teen Fiction...masakit magmahal pero mas masakit ang ipaubaya ang mahal mo...