Marian’s POV
After ng last class ko nakareceive ako ng message galing kay Francis
From: Francis
Ayan, pwede ba taung lumabas mamaya?
To: Francis
Is this a date?
From: Francis
Yes, It's a date!
Whoooah! He is asking me on a date.
To: Francis
I'll go with you! Where? What Time?
From: Francis
9pm sa Park malapit sa school. May gusto akong ipakita sayo.
Mukhang may surprise si Francis ah
To Francis:
Okay! =)
Ano kayang ipapakita sakin ni Francis?
Right after I received his message umuwi agad ako. Maaga pa naman kaya may time pa ako para mag-ayos at gawin ang dapat gawin. Matagal na akong nililigawan ni Francis pero never niya pa akong niyayang mag-date kasi palihim lang siya manligaw kaya pati si Bestfriend walang alam sa nangyayari. Minsan nga pakiramdam ko ang sama-sama kong kaibigan kasi itinatago ko sa kanya yung bagay na dapat ay alam niya since siya naman ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Francis.
Flashback
“Grabe best! Ang daming tao ngayon ah!”
“Malamang! Intrams kaya best” medyo sarcastic kong sabi
“aba aba aba! Natututo ka nang sumagot ah!”
“Hindi naman po, nangangatwiran lang po” grabe naman kasi itong si best eh bawal sumagot? Mas matapang pa to kay Lola eh bakit siya tumahimik “Best bakit ka natahimik huh?”
“Best may ipapakilala ako sayo” pagkasabi niya eh hinila nya yung kamay ko papunta doon sa court.
“Sino naman yan Best? Yummy ba yan?” pabiro kong sabi sa kanya
“Yeah! Sobrang Yummy mala Coco Martin toh best!” tuwang tuwa niyang sabi
“Haha” pag ito hindi yummy lagot toh sakin.
Nandito na kami sa bench ngayon
“PAREKOY!” Grabe naman to! Sumigaw ba sa tenga ko! Para tuloy natanggal lahat ng nakabara. (#_#)
“so kailangan talaga sumisigaw?” sarcastic kong pagkasabi at maya-maya pa may lumapit na lalaki at mukhang pamilyar. Sobrang Gwapo, mala Coco Martin, matangkad, matangos ang ilong, blue ang mata, mabango kahit pawis in short makalaglag panty!
“Best si Francis! Kababata at Parekoy ko”
“Hi! (#^-^#)” grabe! Hindi naman nya sinabi na mas gwapo pa pala to kay Coco Martin
“Hi! You look Familiar? Whooah ikaw si Marian right?”
“Yes! Kilala mo ako?” Pano naman ako nakilala nitong Guy na to eh kaka shift ko lang sa course na to eh
“Ofcourse! May hindi ba nakakakilala sa Campus Crush at kay Miss Tourism?”
“Ah kaya pala at ikaw siguro yung MVP ng basketball team natin at Photographer sa event” naalala ko na siya yung guy na nagpapicture sa akin.
“oh! Naalala mo ako!” haha yang mukhang yan makakalimutan ko ba? (^-^)
“Ooops! Hi Guys ako nga pala si Gladys yung nagpakilala sa inyo!” sarcastic na pagkakasabi ni Best! Haha oo nga pala kasama ko si Best
BINABASA MO ANG
Someone Like You
Teen Fiction...masakit magmahal pero mas masakit ang ipaubaya ang mahal mo...