"Ayle? She doesn't want to be called by her second name!"
Natatawang sabi ni Mom.
Akala ko ay makakain ko ang paborito kong pagkain ng payapa at masaya. Nawalan na nga ako ng pag-asa na makakain ko ng matiwasay yung niluto ni Mom nung dumating si Jhaize tapos nadagdagan pa ng asungot! Bwisit yan!
'Your favorite son sneaks out every night to smoke pot'
Naalala ko bigla yung sinabi niya sa parking lot. Si Blue kaya yung tinutukoy niya? Parang hindi naman. Nilipat ko ang tingin sa kapatid niya na masayang kumakain. Mag kamukha sila. Pala ngiti lang si Blue at mukhang approachable. Si Shan kasi ay masungit tignan at parang palaging badtrip.
"Mas pogi ako 'no, 'te" Tiyaka lang ako natauhan ng sabihin ni Blue 'yon. Kanina ko pa pala sila tinititigan.
"Huh?" Gulat kong sabi
"Crush mo si Kuya Shan, Ate?" Tanong bigla ni Steven. Naubo naman ako sa sinabi niyang yon.
"Oo, Ven!" Natatawang sabi ni Jhaize. Sinamaan ko siya ng tingin. Walang talab sakaniya yon at nag patukoy lang sa pagkain niya
"Ay sus, dalaga na talaga ang anak ko!" Pag sama ni Mom sa pang aasar "Kaya pala kanina mo pa tinitignan si Shan ah" Tumawa-tawa pa si Mommy.
Lalo akong naasar ng makita kong naka ngiti si Shan, nag eenjoy sa asar sa akin.
Gusto ko sana depensahan ang sarili ko pero apat yung kalaban ko. Nanahimik nalang tuloy ako. Baka sabihin pa nila masyado akong defensive. Isipin na gusto ko nga talaga si Shan. Asa naman.
Nang matapos kami kumain ay nag prisinta si Shan na siya na ang mag huhugas. Tinanggihan naman ni Mom yon dahil bisita raw sila. Kaya nag offer siya na siya na raw mag aayos ng lamesang pinag kainan namin. Wala nang nagawa si Mommy dahil mabilis na niligpit ni Shan yung mga pinag kainan namin.
Paakyat na ako ng hagdan ng matanaw ko sila sa labas. Hinatid ni Mom at Steven sina Blue. Naka ngiti namang nag papaalam si Shan. I rarely see him smile. O baka naman pala ngiti naman talaga siya, sadyang ngayon ko lang siya nakilala. Napa iwas ako ng tingin nang mag tama ang mata namin. Nahiya ako bigla at nag patuloy nalang sa pag akyat sa taas.
"Oo gagi, kasabay namin mag dinner si Shan"
Ampucha. Sinong kausap ng lalaking to? Chinichismis pa ata ako! "Hoy!" Hinampas ko siya ng unan sa ulo "Sino yan?"
Pinakita niya sa akin yung phone niya. Kavideocall niya pala sila Jane at Mj. Si Mj ay may naka harap sa computer niya. Si Jane naman ay naka higa habang nag lalaro ng filter.
"I told you, Se. That hate you have to him, will turn into love..." Naka ngising sabi ni Mj habang patuloy ang daliri niya sa pag ta-type sa keyboard "Wag ako, I see that universe is doing its job so you two will collide" Dagdag niya pa.
"Whatever Miles," Sabi ko nalang bago hampasin ulit si Jhaize "Naligo ka ba bago sumampa sa kama ko ha?" Nag peace sign lang siya sakin. Napa irap ako bago pumunta sa banyo para mag skincare.
Tumambay pa saglit si Jhaize sa kwarto ko bago mag paalam na uuwi na siya. Akala ko ay isasagad niya pa ang stay dito at dito siya matutulog.
Akala ko ay makakatulog na ako pag alis ni Jhaize. Parang mas mahihirapan pa ako matulog. Naka patay na yung ilaw ng kwarto ko para matulungan ako mag paantok. Hindi yon nakatulong. Inabot ko nalang yung phone ko at nangako ako sa sarili ko na mag ii-scroll lang sa social media ng 30 minutes.
Bahagyang napa kunot ang noo ko nang may mag notif sa IG ko. Message request?
Redzephyr send you a message.
