CHAPTER 1

584 22 5
                                    

"Lugi! Ulitan!"

Reklamo ng kaibigan ko, si Jhaize.

Jhaize Michael Perez is my best friend since elementary. My closest friend. Para ko na ngang kapatid sa sobrang close namin. Captain of our school basketball team. Famous sa school namin. Kairita na pagiging mahangin niya.

"Takot ka lang matalo, sabihin mo na," Mayabang na sabi ni Jane.

Jane Charleigh Rios, my best friend. Only child siya. Kaya minsan feel ko ako tumatayong ate sa kaniya. Medyo mag kagalit yung circle namin nung elementary kami. Kaya 'di ko alam kung paano kami naging mag kaibigan nito. Tatlong taon pa lang kaming mag kaibigan. Lamang ng anim na taon si Jhaize. A

Nag unat ng braso si kuya Mj. Or Mj. Ayaw niyang tawagin siyang kuya at dalawang taon lang naman daw tanda niya "Jane wag puro bibig ah, tulong tulong din," pang iinsulto niya kay Jane.

Miles Jerriah Lim, our pambato sa lahat ng sports. Hindi lang siya magaling sa sports, brainy pa. Labag ho sa loob ko na masama siya sa amin. Parang tinatapakan pagkatao ko sa sobrang talino.

"Takte ka Jhaze ah, parang luging lugi na sakin ka na partner ah" Madrama kong hinawakan yung dib-dib ko.

"Talaga!" Sagot niya sabay tayo. Tinuro niya ako sa mukha "Napaka pabigat mo!"

Napauwang ang labi ko dahil sa narinig "Amput-" Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil tumunog ang cellphone ko.

Faith is calling

Bakit naman tumatawag 'to?

Sinagot ko agad yung tawag "Hello? Bakit napatawag?" Tanong ko. Inipit ko sa balikat yung cellphone ko dahil sinimulan na nila agad yung laro. We're playing 2v2 ps4 games.

[Hello, Selene!] Ang soft ng boses ni Faith! Nakaka lusaw ng puso [Punta kayo sa house now]

"As in now na?" Tanong ko. Bat naman kasi nag mamadali.

[Yes now na] rinig ko ang boses ni Jamara. Di gaya ni Faith, medyo nakakatakot yung boses niya, pero soft pa rin. Yung parang pinilit palakihin yung boses.

"Selene Ayle is eating dust" Banggit ni Mj sa buong pangalan ko. Para pa siyang nag bo-broadcast nang sabihin 'yon!

[Is that Jerriah?] Tanong ni Faith

Napatingin ako kay Mj. Mag kagalit pa rin ba silang tatlo? "Yup. Kasama niyo na ba si Andrey?" Pag babago ko ng topic "Jhaize sa kabila ka kaya?!" Reklamo ko sa kabobohan niya.

[Papunta na. Pati si Curt, at Elli] Sagot ni Jamara

"Ok, give us one hour"

[Wear white ah!] Pahabol ni Faith bago ibaba ang tawag.

Jamara Clementin David, Felicity Faith Alvarez, and Mj are two years ahead sa amin. Naging close lang namin sila dahil sa club na sinalihan namin when we were on grade 10.

"Sino yon?" Tanong ni Mj.

"Si Faith, nag aaya ng gala" Sagot ko habang focus na focus sa T.V. screen "Kaya last game na," Pag aanunsyo ko.

"Kupo, di pa nakakabawi eh!" Parang batang nag rereklamo si Jhaize.

Di ko siya pinansin at tumingin nalang kay Mj "Hindi pa rin ba kayo okay nung dalawa?" Tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya bago sumagot "Nag usap na kami kahapon. Nag sorry na nga ako kahit di ko naman kasanan" Pag rarant niya "Ganon naman talaga yung dalawa na 'yon, nag papalamig lang muna" Nag kibit balikat nalang ako bago combohan sa mukha si Mj "Cheater, nang distract eh" Reklamo niya.

The Lost Moon Where stories live. Discover now