CHAPTER 3

180 18 6
                                        

"I hate him so much! I can do anything to show him how I hate him!"

Kakasakay ko palang sa kotse ni Mj ay nag rarant na ako tungkol sa kaklase kong tukmol.

Ang daming pwedeng maging kaklase, bakit siya pa? Sa totoo lang kaya ko pang makasama si Max na sobrang daldal, kaysa sa lalaking mataas ang tingin sa sarili niya.

Isa pang kinabibwiset ko ay nasabi raw ni Maam na for the whole year na raw yung partner na yon. Like what the hell?! Isang buong taon ko siyang kasama? If no one believes that hell exist. Well here's the proof of it.

"Calm down Se," Natatawang sabi ni Mj bago paandarin yung kotse.

He asked me if I'm free this lunch. Nag papatulong siya mamili ng coat niya at gift for her niece's birthday. Ako raw kasi yung pinaka close ni Alex kaya sakin daw siya mag tatanong kung anong pwedeng iregalo. Hindi niya lang talaga sila okay ngayon nina Faith kaya ako yung ginugulo niya. Kung si Jane naman isasama niya, mag aaway lang sila. Ok rin naman ako sinama niya, maka layas manlang sa pesteng room na 'yon

"What happened ba?" He asked before sipping on his drink.

"Nakwento ko naman na sayo si Shan right?" Nang tumango siya ay naka hinga ako ng maluwag at hindi ko na kailangan mag kwento pa ng mahaba "Well, he is my blockmate" Napa palakpak ako ng mag make face si Mj "Yes! Same reaction! Unang tingin ko pa lang naka kaklase ko siya, gusto ko ng lumipat ng program!"

"You really hate him huh?"

"Yes! So much! His vibes is not giving!" Sabi ko habang pinag babalik balik ko ang hintuturo ko, signing "no"

Natawa si Mj sa sinabi ko "Se, alam mo, hindi ako magugulat kung magkakatuluyan kayo" Mag sasalita dapat ako pero inangatan niya ako ng kamay sinasabing manahimik ako "Yung hate mo na yan, it can turned into... love" Tumawa siya nang mandiri ang mukha ko "Let's be real here. He is talented, playing sports, and..." tumingin siya sakin "Has a face and body of a model" tumatango tango niyang sabi.

Bahagyang napa buka ang labi ko dahil sa mga narinig ko "I know that I told you about him. But I didn't show you any pictures of him" Naguguluhan akong tumingin sa kaniya "How did you know how he looks?"

He smirked "Bro, like you didn't know Felicity's connection"

Unbelievable. Hindi ako makapaniwala na kilala pala ni Mj si Shan. Hindi naman sa kilalang kilala, familiar lang siya kay Shan.

"Enough with this Shan thing," Pag babago ni Mj ng topic "Are you interested in getting a boyfriend,"

I rolled my eyes and scoffed "Alam mo, lahat ng pinakilala mo sa'kin, wala, mga pangit ang ugali" Nag thumbs down pa ako para lalong magets niya.

"That's all your type," He reasoned out "Matangkad, athlete, moreno, mabango, may hygiene, 'di ba na checked lahat ng box" Pag jot down niya ng type ko.

Akala niya naman alam niya lahat. Umiling ako "I have updated list of my type in men" mayabang kong sabi. Yung mga sinabi niya kasi sa akin ngayon ay mga type ko nung high school. Nag iba na ngayon.

"Wow, an updated list huh" natatawa niyang sabi.

Tumango naman ako "Yes," proud kong sabi "I want a man who is wise, smart-"

"It's the same thing" Pag poprotesta niya.

"No no no, smart and wise are two different thing. Gosh!" Humawak ako sa noo ko "Crush kita nung high school?!" Pabiro kong tanong. Umiling lang siya habang naka ngisi "Anyways, gusto ko matangkad, athletic, mabango and moreno" nag taas baba ang kilay ko

"That's all me" mayabang niyang sabi "Ako pala type mo"

I scoffed in disbelief "Ang taas ng tingin natin sa sarili natin no?" Biro ko "Pero yes, sure, you became my standard in men. Kung walang makakataas sayo, wala, di ko papapasukin sa buhay ko" Tumango tango ako bago siya tignan. Napa ngiti ako ng makita siyang naka ngiti "Hoy! Bat ngingiti ka riyan! Bad yan!"

The Lost MoonWhere stories live. Discover now