"What the hell just happened?"
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Nabastos yung pagkatao ko! I just wanted to talk to him?Nagugulahan akong humarap kay Jane. She awkwardly smiled at me.
Lumipat ang tingin ko sa lalaki naming kaibigan na nag pipigil ng tawa "Tangina Sel, kung nakita mo lang itsura mo nung tinalikuran ka niya," nag punas ng luha si Jhaize. Sa sobrang pigil niya ng tawa ay naiiyak na siya "Shet, wait" Huminga siya ng malalim. Sobrang sama ng ugali niya para pagtawanan yung nangyari sa akin! "Hindi ko kinaya ang mga pangyayari"
Umirap ako sa hangin bago sila iwan doon. Agad namang humabol si Jane at ikinawit at braso sa akin "It's okay Se," Marahang bulong ni Jane habang hinahaplos ang braso ko gamit ang hinlalaki niya "There's a special room in hell with people like him" How comforting. And if that room really exist in hell, I'm willing to serve that motherfucker.
"Nang iiwan ampt!" Biglang sulpot ng kanang kamay ni Satanas sa tabi namin.
"Tapos ka na tumawa?" Tanong sa kaniya ni Jane "Napaka immature mo sa part na 'yon" Panenermon ni Jane sa kaniya.
Parang na offend na hinawakan ni Jhaize ang dib-dib niya "Wow," exaggerated niyang ani "Alam natin sa ating dalawa ikaw yung pinaka immature. At alam din natin na tumatawa ka sa kaloob looban mo" Bahagyang napa awang ang labi ni Jane "Sabihin mong hindi?" Pag hahamon niya pa.
Nag kibit balikat si Jane tyaka humarap sa akin "Sorry Se," tumawa nang malakas si Jhaize "Hindi ako natatawa sa nangyari sayo!" maharas niyang ipinaypay ang mga kamay sa harap niya, nag papanic "Sa... itsura mo lang" kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa.
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko! "Ang sama niyo!" Pinag krus ko ang braso ko.
Humarap nalang ako sa pila ng mga estudyanteng nag ta-tap ng ID sa scanner. Mabilis lang kapag may ID ka na at tap tap nalang. Nag tagal lang yung pila dahil sa mga walang ID, hinahanapan pa kasi sila ng guard ng receipt na enrolled na nga sila.
Nang maka pasok kami ay agad kaming dumeretso sa auditorium. Humanap kami ng pwesto sa di kalayuan sa stage. Tuwing may orientation o ganap kasi sa Riverdale noon ay palagi kaming pumepwesto sa harap, para hindi makatakas si Jhaize sa mga teachers na nag babantay.
Inilabas ko yung phone ko mula sa bag nang maramdaman ang pag vi-vibrate nito "Si Elli" sinagot ko ang tawag. Di pa naman nag sstart yung orientation.
[How selfish you three para pumunta sa school without informing us] Bungad niya.
"Uh, hello?" Sarcastic kong sabi "Nag save naman kami ng seats niyo!" Palusot ko. Sinenyasan ko si Jane na ilagay yung mga bag namin sa dalawang bakanteng upuan sa tabi niya. Ganon rin ang ginawa ko kay Jhaize, sakto at bakante pa ang katabi niya.
[Really huh?] Why do I feel na inirapan niya ako?! [Are we near to stage?]
"Yup" I replied, popping the letter "p"
[Good, we'll be there at 10] Pag tapos niyang sabihin 'yon ay ibinaba niya na ang tawag.
10 daw nandito na sila. Eh 9:57 na. Unless they are outside, waiting for the program to start.
Gaya ng sinabi ni Elli ay nandito na sila by 10. We all know that schools really don't start to the time they gave. We waited 15 minutes before the program starts.
