"Selene, bilisin mo daw nasa lobby na sila"
Bakit naman kasi aya ng aya mag inuman yung mga 'yon. Hindi ba napapagod yung mga 'yon? Yung tubig nila sa katawan na palitan na ng alak dahil sa kakainom.
"Oo! mag sasapatos nalang ako!" sigaw ko kay Jane "Inaantok pa ako e" reklamo ko sakaniya nang maka labas ng kwarto
"Wag ka sakin mag reklamo" Mataray na sagot niya "Kanina pa daw si Jamara sa baba"
"E taga kabilang building lang yon e... Tapos limang minuto matapos masabi ni Elli na mag clubbing tayo, pumunta agad dito, mga bano talaga" Sabi ko habang inaantay na bumukas ang elevator. Nang bumukas ang elevator, na gulat ako sa dahil sa taong nakita ko "M-mj?"
"Hey man" Sabi nya, agad naman akong pumasok at yumakap, ganon din ang ginawa ni Jam "So you two are together? Nagawa nyo yung goal nyo ah" Natatawang sabi ni Kuya Mj
"Oo, ayaw sakin malayo, niyan eh" Biro ni Jane "Kailan ka umuwi?" Tanong niya sa kasama namin.
"Ahm, kahapon lang, Bakit parang hindi nyo alam? eh nung isang linggo pa naka uwi si Marc"
"Huh?" nagu-guluhang ani ko "hindi naman kami ganon ka busy para hindi malaman. Baka may pinuntahan pa yon bago dumeresto dito sa Manila..."
"May balak na naman siguro yung mga 'yon" Si Jane na abala sa pag titipa sa cellphone nya.
"Siguro" na tatawang sabi ni Mj "By the way Selene, you and Shan are good na, right?" Tanong nya na ikina tigil ko. Hearing his name makes my world stop. Bumalik yung sakit , yung sakit na naramdaman ko nung araw na yon. "oh im sorry, i thought you both are okay " Pag hihingi ng tawad ni Kuya Mj nang mapansing natigilan ako
"No its fine" pilit na ngiting sabi ko
Nang bumukas ang elevator, natanaw ko agad si Jamara na may kausap na lalaki... Hindi ko matanaw ang muka nito "Who's that?..." bulong ko sa sarili. Nang maka lapit tyaka ko lang nakita kung sino ito "Kuya Marc!" masayang tawag ko dito
"Hey, Selene" Naka ngiting bati nya sakin "Jane" Bati naman nya kay Jane "I need you to my next project" Pag kausap nya kay Jane
Bahagyang natawa si Jane "Nandyan si Jamara, bakit hindi ka diyan mag patulong" turo ni Jane kay Jamara na may kausap naman ngayon sa phone
"Wala akong tiwala dyan e" biro ni Marc "Nasan na yung iba?" Hanap ni Marc sa iba naming kaibigan
"Si Elli at Curt nag hihintay na sa club" Sagot ni Jane "Habang yung tatlong lalaki sinun--"
"N-nasa club na, nasa club na yung tatlo" Putol ni Jam sa sinasabi ni Jane "Let's go na" Aya niya sa amin
Kinakabahan na ako ngayon... May hindi sinasabi ang mga 'to. Dati kasi kapag sinabi kong 'pass' ako hindi na nila 'ko pinipilit, pero ngayon to do pilit nila sakin. Malayo layo yung club sa condo namin, dahil nga't pagod naka idlip ako sa sasakyan.
"Selene!" Gising sakin ni Jam "We're here"
"Hmm" ungol ko sabay inat ng braso "Paheram ng lipstick, naka limutan kong mag lagay" Hiram ko kay Jam
"Psh wag na" Singhal nya sakin.
"Damot mo!" Sigaw ko sakanya "Jane paheram lipstick"
"Oh" bato sakin ni Jane ng lipstick at maliit na salamin. Agad ko namang na salo yon.
"Pasok na tayo" excited na aya ni Marc "I want to see the boys"
"Na babakla ka na naman" Biro ni Mj kay Marc, na pinakita lang ang gitnang daliri nya.
"Okay I'm done, lets go" aya ko, tyaka ko sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri.
Nang maka pasok, bumungad sakin ang madaming tao na nag sasayawan sa dance floor. Pasulyap-sulyap naman ako sa paligid, hinahanap kung na saan yung mga kaibigan ko, nang makita ko si Curt na kumakaway, ay agad akong pumunta sa table na kinauupan nya.
"Yow, Selene" Bati ni Jhaze sa akin na mukang tanga dahil sa buhok nyang kulay pula. Ano na naman kayang trip nito?
"Anong trip mo? Bat pula yung buhok mo? Ganyan naba ang buhok ng police ngayon?" Tanong ko sa kanya
"Hindi na police yan" Singit ni Kuya Zed "Boring daw yung buhay ng police"
"Kaya nag Piloto ang luko" Sabat naman ni Jane
Kung gano kabilis siyang mag palit ng kulay ng buhok ay ganon din kabilis ang pag palit niya ng course. Nang mag enroll kami sabi nya engineering daw ang kukunin nya then hindi pa man nakaka isang taon ayaw nya na daw, mag p-police daw sya, tapos ngayong naka pag apply na sya sa office ni Tito, mag pipiloto naman daw. Abno talaga
"How's my dog, drey?" Tanong ko kay andrey
"He's fine... Bakit naman kasi ayaw mong dalawin. Sabi mo naman, naka move on kana..." may halong panunuksong sabi nya.
"Hindi na ata makaka move on yan" Si Jane "Laging umiiyak kapag umiinom kami sa condo e" Pag lalag-lag nya sakin
"Daya, umiinom hindi nag aaya" Sabat ni Jhaze
"Kala mo namang umiinom" Asik naman ni Jane
"Manahimik ka nga dyan, hindi mo lang nakita si Joshia nag kakaganyan kana" pang aasar ni Jm kay Jane
"Ano ba naman yan Jane, ilang taon na ang naka lipas nang umalis dito sa Pilipinas si Joshia, sya paden?" Nan didiri ang mukang usal ni Curt
"Loyal ampopo" Si Mj na naka ngisi.
"Ikaw lang naman hindi loyal sa ating mag ka kaibigan e" Banat naman ni Curt. Nag tawanan naman kami, nang mapansin ko na wala si Elli nag tanong ako.
"Wait guys, nasan si Elli?" tanong ko, nakita kong nag tinginan sila, 𝑀𝑎𝑦 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎 𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑡𝑜 "Guys sabihin nyo na ano ba kasi yon" May tinitignan sila sa likod ko, kaya naman humarap ako doon sa tinignan nila. Na istatwa ako sa kina tatayuan ko dahil sa na kita ko.
"𝐻𝑒𝑦, 𝑀𝑦 𝐺𝑜𝑑𝑑𝑒𝑠𝑠"