CHAPTER 6

153 14 13
                                        

"Ano? Ano sa tingin mo?"





Tanong ko kay Mj pag tapos ikwento sa kaniya yung nangyari sa akin kahapon. Naka tambay siya ngayon sa kwarto ko. Sinabi niya rin sa akin na hindi raw tuloy yung party ngayong linggo. Na move raw next week. Nag madali pa kami ni Shan kahapon tapos hindi naman daw pala tuloy yung party ngayong sabado.


Kita ko sa reflection ni Mj mula sa salamin na naka ngiti siya ngayon habang nag ce-cellphone. Di ko lang alam kung dahil ba sa sinabi ko bakit siya naka ngiti o baka dahil sa kausap niya ngayon

"Sabi ko naman sayo, Selene, yung mga simpleng pag-sasama niyo sign na yon ng universe"

"Stop this universe universe theory mo" Umirap ako sa hangin "Ano nga kasi?"


"Bakit mo ba sakin tinatanong?" Natatawa niyang sabi. Binaba niya na yung phone at tinignan ako sa salamin "Why don't you ask him?"


Inikot ko yung upuan para harapin siya "Baka kasi alam mo kasi lalaki ka? Baka ginawa mo na rin 'to noon" Patanong kong sabi.


"Se, Kahit sabihin mo na parehas kaming lalaki, hindi 'ko parin alam kung ano yung intesyon niya" Paliwanag niya sa akin "Ask him,"


"Nakakahiya naman, sabihin niya pa nag a-assume ako" Umikot na ulit ako at humarap sa salamin. Nag ttry ako ng bagong make up. Kakauwi lang kasi ni Mommy, at ang dami niyang dalang bagong make up.


"Bro, don't you want to clear this thing?" Tanong niya, tinignan ko ulit siya "Mahihiya ka, tapos lahat ng gagawin niya ia-assume mo na gusto ka niya, dahil lang sa isang linya na sinabi niya"


Napa isip ako. kung hindi ko nga siya tatanungin, hindi mapo-pop yung growing bubble sa ulo ko na nag sasabi sa akin na gusto niya ako. Nag a-assume na agad ako. Ang hirap naman nito. Paano ko naman kaya itatanong sakaniya 'yon?  Wag ko na nga muna isipin to.


"Do you want to go to the mall? Samahan mo ako, may gusto akong bilhin eh"


"Sige, para naman hindi masayang yung ayos ko," Inayos ko na muna yung buhok ko bago tumayo para mag palit ng damit "Palit lang ako saglit," paalam ko sakaniya.


Pagkatapos kong mag ayos ay nag paalam muna ako kay Steven na aalis na muna ako. Siya lang kasi maiiwan at wala pa si Mommy at Daddy.


Kumatok muna ako bago buksan yung pinto niya "Ven, alis na muna ako" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ni Steven si Blue "O-oy, nandito ka pala" Naalala ko bigla si Shan nung nakita ko yung mukha niya. Kamukhang-kamukha niya yung kuya niya!


"Hi Ate Selene!" Kumaway siya sa akin "Ganda mo 'te," Nag thumbs si Blue sa akin.


Tinulak ni Steven yung mukha ni Blue "Tigilan mo Ate ko ah," Tumawa lang si Blue na pinag patuloy nalang yung nilalaro niya "Alis ka te? San ka punta?"


"Mag m-mall kami ni Miles, may kailangan ka ba?" Baka may ipapasabay siya.


"Wala naman 'te, pero" Ngumiti siya sa akin habang naka lahad yung kamay. Alam ko na agad kung ano yung hihingin niya. Kinuha ko yung wallet ko sa bag at binigyan siya ng isang one thousand peso bill "Thank te! Love you"


"Hoy wag mo ipang bili sa laro yan ah, kukutusan kita" Pag babanta ko sakaniya. Sinarado ko na yung pinto niya at bumaba. Nag mamadali akong lumabas ng bahay dahil nasa kotse na si Mj.


"Tara na?" Tanong ko nang maka pasok ng kotse.


"Lets go," Pinaandar niya na agad yung kotse.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost MoonWhere stories live. Discover now