"Sure po ba talaga kayo, Maam? Di niyo jowa si Sir?"
Nakakaloko ang mga ngiti nila Jasmine nang makitang kasama ko na naman si Shan dito sa Eclipse. After class ay nag punta kami ni Shan sa Eclipse para gawin yung report namin para bukas. Ang swerte talaga namin. Bukas na rin yung introduce your partner para sa ibang subject, at bukas na rin yung report namin. Pinag titripan ata kami.
"Hindi nga..." Naasar kong sagot "Mukha ba kaming mag jowa?!" Kakamot-kamot sa ulong kong sabi.
"Opo..." Sabay na sabi ni Kassie at Jasmine. Napa buntong hininga ako sabay pikit nang marinig yung sagot nila. Mukha ba talaga?
"Hindi naman..." Sabat ni Ethan. Sawakas nagkaroon din ng kakampi "Sobra lang" Tumawa ng malakas si Ethan "Paki lagay sa second floor, table three" Binigay ni Ethan yung tissue kay Kassie. Agad namang kinuha ni Kassie yon at pumunta sa taas.
"Trip niyo na naman ako ah," Pabiro ko silang inirapan. Oorder na nga lang ako. Tumingin na ako sa menu "Isang truffle-"
"I'll order," Napa hawak ako sa dibdib nang biglang sumulpot sa tabi ko si Shan "Pumunta ka na sa taas" utos niya sakin.
"Hindi na, ako na" Tanggi ko. Hinatak niya sakin yung menu "Huy, ako na nga"
"My treat. Ikaw na nag bayad nung kanina nating kinain. And also, I told you na babawi ako. So let me treat you now" Pakikipag talo niya po. Itinaas ko nalang yung kamay ko. Suko na.
Nag pipigil ng ngiti sina Jasmine. Nilakihan ko sila ng mata sinasabihan tigilan yung pag ngiti nila. Nag paalam na ako sakanila bago umakyat. Doon ulit napiling pumwesto ni Shan. Habang nag hihintay ay nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko nang bigla itong nag vibrate.
Jerriah is calling~
Sinagot ko agad yon "Yes? Napatawag ka?" Tanong ko agad nang sagutin.
[Are you busy this coming weekend?] Wala ata siya sa bahay at ang ingay.
Tinignan ko yung listahan ko ng gawain. Wala pa namang mabigat na gawain "Well, wala pang pinapagawa sa amin ngayon, why?"
[You're going to be my plus one this weekend] Napatingin ako sa screen nang sabihin niya yon [Its Alex birthday] Dagdag niya. Nalinawan naman ako at tumango kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Wala ka na namang mahatak. Ako na naman pineperwisyo mo" Tinaasan ako ng kilay ni Shan nang umupo siya sa tapat ko.
[You're special to me, that's why] Natatawa niyang sabi. Nag bibiro.
"I'm special to you huh?" Naka ngiti kong sabi. Tumayo ako para lumayo dahil masama ang tingin sa akin ni Shan. Naiingayan sakin.
[Yes, so please accept my invite, for Alex na rin]
"Ginamit mo pa talaga yung bata" Biro ko "Sasama naman ako"
[Ok great, thanks!] Ganon lang, natapos agad yung call namin. Hindi nalang ako chinat. Parang timang.
Pag balik ko sa table ay naka labas na ang laptop ni Shan. Seryoso siyang nag ttype roon na parang wala na siyang pake sa mga nasa paligid niya. "Start your part now, ayokong gabihin sa daan" Masungit niyang ani.
Tumango tango ako habang inaayos yung laptop ko "Mag search na ako" Pag iimporma ko.
Hininto niya yung pag ttype at naka kunot ang noo niya akong tinignan "You haven't done that yet?" Umiling ako. He scoffed before talking again "Kung nag search ka nalang imbis nakipag tawagan nang matapos tayo ng maaga" Bulong niya. Naririnig ko naman! Napairap ako sa hangin at di nalang siya pinansin.
