Untitled Part 3

5 0 0
                                    

Chapter 3

"Hoy Sherlove, ang aga-aga pakalat kalat ka dito" nandito kase ako sa opisina ni Pink.

"ito naman minsan ka na nga lang dalawin ng dyosang tulad ko ganyan pa ang sasabihin mo" sabi ko sabay upo sa mini sala ng opisina niya.

"ewan ko sayo.. wala ka bang pasok sa office ngayon?" tanong niya.

"wala... sa ngayon.. tinatamad kasi akong mag trabaho eh" perks of being a boss. Well actually mamaya pa naman ang meeting ko and tapos na rin naman lahat ng paper works ko, kaya may time ako para mang gulo hehe.

"bakit hindi mo puntahan si Troy mo?"

"may meeting pa siya eh"

Habang nag babasa ng files si Pink ako naman ito naka taas ang dalawang paa sa mesa at nag babasa ng magazine. Chillax lang.

Nagulat nalang ako ng biglang may humampas sa paa ko. Pag tingin ko, si Blue lang pala, asawa ni Pink.

"anung ginagawa mo dito?" tanong niya.

"hinahanap ko yung pet kong butiki, na masyal daw siya eh, di pa bumabalik"

Tinawanan niya lang ako, saka nag lakad palapit sa asawa nito at ayan.. nag lalambingan na sila sa harapan ko.

"siya sige na.. aalis na ako.. nilalanggam na ko eh" sabi ko saka tumayo

Ngumiti lang naman si Pink sa akin saka sumaludo naman si Blue.

Sanay na ako sa dalawang yan, nag lalambingan kahit saan. Although nakaka ingit silang tingnan lalo na pag kasama nila yung kambal nilang sila Orange and Grey.

At dahil sa iningit ako nung dalawang yun.. pupuntahan ko si Troy kong mahal. Hehe

Baka sakaling makumbinsi kong gumawa kami ng sarili naming kambal hahaha..

Love Sherlove..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon