Chapter 7

4K 107 4
                                        

(A/n: maybe the next day sa Our song and No Good Boys naman ako mag a-update. Hintay-hintay lang muna hehe. )

----

Pagkatapos kumain ng ice cream ay nilibot muna nila ang buong lugar sa perya bago napagpasyahan ng dalawa na subukan ang mga rides.

Take note: hindi parin binibitiwan ni Alyssa ang kamay ni dennise kaya mag ka HHWW parin sila hanggang ngayon.

Nakapila sila ngayon sa octopus. Yun kasi ang tinuro ni den , thou ilang ulit na rin nasusubukan ni Aly iyon kasi everytime na bibisita siya ng batangas hindi niya nakakaligtaan ang mag libot-libot.

" Ly, bakit ang hilig mo sa Ice cream?" tanong ni den habang nakangiting nakatingin kay Alyssa.

" Simple lang. Kasi, feeling ko bumabalik ako sa pagkabata. Hehe" sagot ni aly sabay usod sa pila..

" so parang Itchyworms , ganuon?" natatawang sabi ni Den.

Napakunot naman ang noo ni Aly sa sinabi nito. " Huh? paanong, itchyworms?"

" Kasi parang , yung kanta lang nila. Ayokong tumanda.... hahah" pakanta na namang hirit ni den.

" Para-paraan lang para maka birit eh no?" natatawa naman si Aly.

" Ayokong Tumanda..." huminto si den sa pagkanta at tiningnan si Aly . Nakatingin din ito ng diretso sa kanya kaya nag eye contact sila. " Ayokong Tumanda, kung hindi ka kasama.. "

Parang tumayo naman ang lahat ng balahibo ni Aly pagbigkas ni den ng huling liriko. Parang bigla nalang nagwala ang lahat ng mga paro-paro sa tiyan niya.

Paano't nagka paro-paro sa loob ng katawan ko? saan sila pumasok? Palihim na tanong ni Aly sa sarili.

" Miss? miss.. sasakay ba kayo?" pagtawag pansin ng kahera sa kanila.

Napalingon si Aly sa likuran nila dahil nagsisimula ng magreklamo ang mga tao sa likod nila.

" Ang tagal naman!"

" Naglalandian pa kasi."

mga parinig ng mga tao sa kanila. Dumukot siya sa bulsa niya at binigyan ng limang daan ang kahera. " Oh, keep the change. " sabi ni Aly dito at binalingan ang mga nagrereklamo. " Libre ko na kayo, ah. Pasensya na po." Sarcastic na sabi ni Aly.

Natawa naman si den dahil napahiya ang iba sa inasal ni Aly. Hila-hila siya nito sa kamay at pinaupo na.

" That was rude." Sabi ni den kay aly pero natatawa.

" Wag ka na kasing kumanta ng hindi na ko napapatulala. " Pabulong na sabi ni Ly. Hindi ito narinig ni den.

" Ha? may sinabi ka?" tanong ni den.

Napailing nalang si Aly. " Wala, sabi ko humawak kang mabuti sa akin, baka mahulog ka."

" ayaw mo nun? " makabuluhang sagot ni den.

Hindi naman na gets ni Aly kaya siya naman ang kumunot ang noo. " ha? anong sabi mo?"

napailing si den. " Wala. Sabi ko kumapit ka din sa akin baka kako mahulog ka rin. " Lihim na napangiti si den dahil sa kanya may iba pang ibig sabihin ang mga sinabi niya. Buti nalang clueless ka.

" Ayaw mo nun? sabay tayong mahuhulog." sabi ni Aly sabay kindat sa kanya.

Si den naman ngayon ang napatulala. Biglang kumabog ng sobra ang dibdib niya. Talo pa yata ang mga kabayo na nagkakakarera. Shit! Ly, naman. Wag kang ganyan.

That Game ( Ft. AlyDen ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon