Belle's POV
Nagtitimpla ako ng gatas para inumin dahil kagigising ko lang, habang nagtitimpla napatingin ako sa kalendaryo. Last day na pala ng final exam namin ngayon, at magtatapos na ako ng ikaapat na taon ko sa kolehiyo. Isang taon nalang at matatapos na ako sa kursong Accountancy. Parang kailan lang ng magsimula ako ng college at hirap na hirap ako sa mga subject ko lalo na ang major kong accounting, pero ngayon isang taon nalang at matatapos na ako. Makakamit ko narin ang pangarap kong magkaroon ng CPA sa dulo ng pangalan ko. Pero bago ako, mauuna munangmagtapos ang mga kaibigan ko ngayong taon sa kolehiyo, si Patrice ay gra-graduate ng kursong HRM, si Madishon naman ay BS Psychology at ang pinka-close kong kaibigan na si Ren ay gra-graduate sa kursong BS Accounting Technology. Pero bigla kong naalala ngayon din pala gra-graduate si Zhi ng Accountancy sa Canada, kamusta na kaya sya. It's been one year since umalis sya, at magsimula nun wala na kaming communication sa isat'-isa, I just hope that he's alright and he's doing fine. Ewan ko ba magsimula nung umalis siya nawala lahat ng interest ko sa boys at mas naging concentrated ako sa pag-aaral. Siguro dahil hindi na ako naniniwala sa 'the one', kasi yung 'the one' ko iniwan ako at hindi man lang binigyan nang chance ang relationship namin. Just a little leap of faith is all that I need, faith that our love will work out through any circumstances.Pero wala hindi pa man namin nasusubukan sinukuan na nya ako agad. Hindi naman ako man hater, it's just that I don't like to have relationships anymore and just concentrate with my career. And I don't believe that there is still 'the one' whose gonna love me the way I love Zhimuel.
"Belle bilisan mo na dyan sa mesa at huwag ka nang tumunganga. Hindi pala ako makakauwi mamaya, kaya ikaw na bahala sa kaptid mo. Bilasan mo na diyan,aalis na ako andami ko pang aayusin sa opisina."
Hinalikan na ako ni mama sa at aalis na. "Anu bang iniisip mo, malamig na yang gatas inumin mo na at maligo ka na, malalate kapa sa exam mo ngayon." Ganyan si mama lagi akong pinapaalalahanan sa mga gagawin at dapat gawin. Magsimula kasi ng mawala si papa, siya na ang tumayong ilaw at haligi ng tahanan namin. She's a stock broker, always busy with the company she's working for. "Opo, ma ingat sa work bye!" Ininum ko na ang gatas at tumayo na ako at naligo na.
Sa wakas natapos din ang lahat ng exam, makakahinga na rin ako ng mabuti. Biglang tumunog ang phone ko, ng tignan ko si Patrice tumatawag. "Hello, Patrice" sagot ko sa kanya. "Belle tapos na ba ang exam niyo." "OO, katatapos lang bakit?" "Gusto mo sumama sa amin, manonood kaming Insurgent mamayang hapon." Nag-isip muna ako kung meron akong gagawin mamaya, wala naman siguro. Regalo ko na rin sa sarili ko after the one week long exam. "Sige, what time ba" "3:00, text nalang kita kung saan tayo magkikita. See you later." "Sige see you later, uwi muna akong bahay maaga pa naman ehh. At kailangan ko din asikasuhin yung kapatid ko hindi kasi makakuwi si mama ngayong tanghali."
Pag-uwi ko sa bahay 11:00 na, hinanda ko na ang damit na isusuot ko mamaya, at nagluto na ako dahil darating na ang kapatid ko galing school. Maya-maya lang ay dumating na siya. "Drew, ibaba mo na yung gamit mo dyan. Andito na yung pagkain mag lunch ka na." "Sige, ate, papunta na diyan." Nang matapos kaming kumain, naghanda na ulit si Drew para pumasok. Si Drew ay ang bunso kong kapatid, sampung taon ang agwat naming sa isa't-isa. Madalas kami mag-away, kaso nagbabati rin kaming dalawa hindi ko kasi kayang tiisin si Drew, mahal na mahal ko ata yang kapatid kong iyan. Nang makaalis na si Drew, nagsimula na akong magbihis. Saktong 2:00 ay umalis na ako sa bahay, magbyabyahe pa kasi ako at 45 mins pa ang byahe papuntang SM.
Almost 20 mins na akong naghihintay, wala pa ring dumadaan na bus kaya naman nagpasya nalang akong mag-UV. Sakto isang tao nalang kailangan para umalis yung UV, sa harapan nalang ng UV ang may vacant seat kaya no choice kundi dun umupo. Pumasok ako ng UV at umupo nalang bigla nakalimutan ko may katabi pala ako, nang umupo ako naramdaman ko nalang na parang may kamay sa inupuan ko. Kaya naman nagulat ako. "Ayyyy! Sorry po kuya hindi ko po nakita." At agad akong umangat sa kinauupuan ko para maalis nya yung kamay niya. "It's okay, don't worry. Next time just look we're you're seating." At ngumiti siya sa akin. Gusto ko siyang, sigawan at sabihin na hindi ko naman sinasadya, kaso di ko magawa ehh, kasi ngumiti sya. I really hate sarcasm.
Pero kung idi-describe ko siya, without being bias of what he said, I would say he's handsome given with that sunglass he's using. Sa physical features naman, maputi, matangos ang ilong, siguro mga 5'8 ang height nya and there's something about his lips I just can't point it out parang yun yung asset nya,at aba malinis ang paa ni kuya. *^_^*Nakita ko ito dahil naka tsinelas lang sya, with a semi-fitted jeans down to his knees and a V-necked mint green shirt which suits him because of his fair complexion. Kasi may mga ibang tao na hindi marunong pumili ng kulay na susuotin nila, yung tipong maitim na nga magsusuot pa ng neon color shirts. Tapos pagdating ng gabi yung neon color shirt nalang makikita mo, hay tao nga naman.Mabalik tayo sa lalaking katabi ko well, in totality he's a clean looking guy, a guy that girls would die for to have him as a boyfriend,, but not me. Nag-sorry nalang ako ulit sa kanya para matapos na. At nag simula nang umandar yung UV, habang on the way na kami tinignan ko ang oras, it's already 2:45. Lagot ako kanila Patrice kailangan ko na siyang tawagan. Kaya tinawagan ko na at sinabi kong baka 3:30 na ako makarating, at natural galit sila sa akin. Pero wala naman silang magagawa kasi valid naman yung reason ko. J
Napansin ko namang nagsuot nang headphone si kuya, at nagsimula magkinig sa music. Sa sobrang tahimik sa loob ng UV rinig na rinig ko yung kantang stay with me ni sam smith na nagpla-play sa tenga nya. Hindi ba ito nabibingi sa sobrang lakas ng music. Naisipan ko nalang umidlip muna at magpower nap for 20 mins, total malayo-layo pa naman ang byahe.
Nang magising ako papasok na kami sa SM, at nag-ayos na ako ng sarili ko. Habang nag-aayos ako napansin kong naka-seatbelt ako, pero wala naman akong maalala na sinuot ko sa sarili ko yun. Hindi naman siguro si kuya na katabi ko ang naglagay nito hindi naman nya ako kakilala. Pinabayaan ko nalang at nagtuloy nalang ako sa pag-aayos, nang tumigil ang UV, pababa na ako pero nakalimutan ko nakasuot pa yung seatbelt sa akin ang ending nasakal ako at napa-upo ulit sa upuan. Buti nalang walang nakapansin, dahil busy ang mga tao sa pagbaba. Kaso narinig kong napatawa ang nasa likod ko tumingin ako sa likod ko at naka-smile si kuya. Nakakahiya pero okay lang sya lang naman ang nakakita at hindi naman nya ako kakilala pero nakakahiya parin talaga namumula na siguro ang mukha ko ngayon. At sa sobra kong taranta hindi ko matanggal ang seatbelt. "May I" sabi ni kuya "No thanks, I can manage."at ngumiti ako sa kanya. Pero hindi ko talaga matanggal yung seatbelt pindot ako ng pindot at hila ng hila hindi parin talaga matanggal. "Miss, tulungan nalang kita. Kasi gusto ko na ring lumabas, naghihintay na kasi mga kaibigan ko sa loob ng SM eh,." At inalis ko nalang ang kamay ko sa may lock ng seatbelt at hinayaan ko nalang sya ang magtanggal. Sa isang slide lang ng kamay niya natanggal na yung seatbelt, at ibinalik ang strap ng seatbelt sa gilid ko. Lumapit ang mukha nya sa pisngi ko, at naamoy ko ang pabango nya, ang tapang yung tipong pang masculine talaga. Tinakpan ko nalang ang ilong ko para di ko maamoy.Nang mabalik na niya yung strap ng seatbelt tumingin siya sa akin, at lumayo agad. "Salamat kuya." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin. "Welcome, next time check everything before you go out. After you." ^_^ at tinuro nya ako palabas. Naiinis na talaga ako sa lalaking ito, full of sarcasm. Gosh what the hell, bumaba nalang ako ng UV para makababa na rin siya at dumiretso na ako sa entrance ng SM para hanapin sila Patrice.
^e-

BINABASA MO ANG
The ONE that got away..
Storie d'amoreHi! Everyone this is my first story in wattpad, sana po suportahan niyo ang aking story. I will try my best so that I can satisfy your imagination and make you heart flutter. I was just inspired to right my own story beacause of the novels and wat...