Prologue:

7 1 0
                                    

Everyone believes that there is that one person destined to be with them, the one that will make them happy, the one that will truly love them against all odds, the one that will accept them at their worst and love them at their best, the one that will be at their side comforting them in times of struggles, the one that will never get tired of making you smile and never fails to flutter your heart, the one who always know that something is wrong without even telling them, the one who lends shoulder to cry on, the one that makes you at ease without even doing anything just the mere fact that they're with you is a relief.

Sino ba naman sa atin ang hindi makakarelate dito, halos lahat naman tayo naghahanap tayo ng 'the one' natin right. Yung iba pa nga sa atin may check list pa para lang malaman nila kung siya na nga si 'the one'.

Bawat isa sa atin ay may nakalaan na 'the one'. Kailangan lang nating maghintay, malay mo si 'the one' na pala yung nabungo mo sa may daan, o kaya yung nakatabi mo sa jeep na pinag-abutan mo ng bayad, o di kaya naman yung nakasabay mo pumila sa canteen para bumili nang pagkain. Malay din natin siya na pala yung nakakasama mo araw-araw naghahanap ka pa nang iba.

Pero paanu kaya kapag ang inakala mong 'the one', ay siya palang 'the one' that will hurt you. Yung tipong naplano mo na anung mangyayari sa future niyo, ilan magiging anak niyo, saan kayo ikakasal, anu ang motive ng kasal niyo. Saan kayo mag-hohoneymoon. Yung mga plano niyo sa future napag-usapan niyo na, at naniwala ka nang may FOREVER talaga. Ngunit darating yung panahon na iiwan ka niya at mag-isa mong tutuparin ang napag-usapang niyong future niyo.

Ni hindi ka na tumingin pa sa iba dahil akala mo siya na si 'the one', na hindi na kayo maghihiwalay. Pero in the end iiwan ka rin pala niya at panandalian lang pala ang kasiyahan na madadama mo sa kanya.

Maniniwala ka pa bang may 'the one'. Kung ang nag-iisang taong minahal mo nang lubos, higit pa sa sarili mo ay iiwan ka lang at magsisimulang magplano ng future niya ng hindi ka kasama. Oh, maghihintay ka at aasang babalikan ka pa niya dahil mahal ka parin niya.

Alin ang alin? Ano ang ano? Mamili ka kung ano ang gagawin mo.

The ONE that got away..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon