Chapter 6

3 1 0
                                        

Prince's POV

Napansin kong papalapit na sila sa akin, at mukhang tapos na sila mag-usap. At napansin kong nakasimangot, si Belle.(>.<) Ang cute niyang tignan kapag nakasimangot siya, di ko namalayan na ngumi-ngiti pala ako.

"Oh, Royce anung ngini-ngiti mo diyan?" sabi ni Resty."Ahh, wala"

"Royce, iwan ko na si Belle dito sayo. Sabay nalang kayong umuwi, kailangan ko na din kasi umuwi."

"Sure, ako nang bahala. Walang mangyayari sa kanyang masama." XD

"Dapat lang, kasi kapag may mangyaring masama lagot ka sakin. Ini-ingatan namin yang bestfriend kong yan."

"Opo, I'll protect her with all my heart Mr. Resty" :>napangiti naman si Resty sa sinabi ko. Pero ng tignan ko si Belle nakatingin lang siya sa direksyon ng mga bus at nakasimangut.

"Haha, pabayaan mo na yang kaibigan ko ganyan talaga yan. pwede ba mahiram yang phone mo."

Binigay ko sa kanya yung phone ko, at parang may dina-dial siyang number. Maya-maya'y tinignan niya ang phone niya at may tumatawag, pero binaba nya din ito agad. "Ayan, you have my number on your call log. And I have yours." Napansin ko naman na tinignan ni Belle si Resty at binigya siya ng hay-naku-para-paraan look.

"Text mo na lang ako pag nakasakay na kayo at bumaba na si Belle, OK.. take care of here please...!"

"OO, sige ako na po ang bahala. I'll text you later or I'll even call you." At lumapit na si Resty kay Belle atniyakap siya, hinampas naman ni Belle sa balikat si Resty. "Nakakainis ka talaga Ren," "Piece." J at nag-piece sign si Resty at umalis na. "Ingat kayo sa pag uwi. At Belle yung promise mo, I'll call you later. Bye."

"Bye." Sabay naming sabi ni Belle at nagkatinginan kami. Nginitian ko nalang siya, binigyan niya naman ako ng sarcastic smile at tumingin na sa harap para tignan kung meron nang bus.

Di tulad ni Resty na napaka friendly, kabaliktaran naman ata niya itong kaibigan niya. 15 minutes na kaming naghihintay nang bus wala pa ring dumarating, at 15 minutes na ring walang nagsasalita sa aming dalawa. Parang di ata marunong makipagsocialize itong babaeng ito sa ibang tao. Pinabayaan ko nalang siya, hindi ko nalang din siya tinatanung kasi alam ko naman na di rin siya sasagot. Ang importante mahatid ko siya ng safe sa uuwian niya. Naghintay pa kami ng 5mins saka may dumating na bus, pero ng papalapit na ito sa kinatatayuan namin napansin kong parang puno na ata yung bus. Nang tumgil yung bus sa harap naming tinanung ko yung konduktor;

"Manong puno na po ba?"

"May isang bakanteng upuan, kasi may bababa."

"Sige, salamat po kuya."

Lumapit na ako kay Belle at sinabi ko sa kanyang may bakanteng isang upuan, at tatayo nalang ako para makauwi na kami. Agad naman siyang naglakad at pumasok sa loob ng bus. Pagpasok niya sa loob ng bus bigla siyang tumigil, at tumingin sa akin, "Wala na man nang ma-uupuan oh. Tignan mo." Agad akong umakyat at tinignan, hindi pwede sabi ni kuya mayroong isang bakanteng upuan. Naglakad ako papunta sa likod habang si Belle ay naiwan sa harapan. Nakarating na ako sa dulo ng bus, pero lahat ng upuan na makita ko ay may nakalagay na bag. Pabalik na ako sa harapan ng may tumawag na babae sa akin, "Hijo dito walang nakaupo bumaba na yung nakaupo rito." Ngumiti naman ako sa ale at nagpasalamat. Kinawayan ko si Belle, "Dito may bakanteng upuan, lapit ka nalang dito." Naglakad na si Belle papalapit sa akin at sinalubong ko siya.

"Dalhin ko na yang bitbit mo." Kukunin ko na sana yung plastic na hawak hawak niya nang magsalita siya ulit.

"H'wag na kaya ko na'to, magaan lang naman ito kaya ko nang bitbitin." At dumiretso na siya at umupo sa tinuro kong upuan. Maya-maya umandar yung bus, first time kong tatayo sa bus. Hindi ko pa naranasang tumayo sa bus, kasi kapag alam kong puno na ang bus hindi na ako sumasakay. Pero exemption ito kasi may kasama ako, at kailangan niya nang makauwi dahil gabing-gabi na. There's always a first time for everything and this would be my first to stand on a bus goinh home.

Umandar na ang ang bus at lumapit na yung konduktor at nagtanong kung saan kami bababa, "Ako po kuya sa Dagupan po ako, at eto pong kasama ko sa......." Tinignan ko si Belle "sa Camiling po ako kuya. Studyante po ako kuya." At pinakita niya yung ID niya sa konduktor. Nagbayad na ako kay kuya ng 200.00 si Belle naman ay nag-aabot ng 1,000.

"Mam, wala po ba kayong mas maliit na bill.?"

"Wala po kuya, kulang po yung barya ko dito para sa pamashe ko."

"Wala po kasi akong panukli sa pera niyo mam. Nauubusan ako ng barya." Mukha naming di alam ni Belle ang sasabihin niya kaya naman ako na lang nagsalita.

"Kuya dalawa nalang po kami dun sa bayadko, kasya po ba?"

"Ah, opo Sir. Kasya po may sukli pa po kayo 4.00"

"Sige wag na, keep the change." Nagpasalamat yung konduktor at umalis na. Tinignan ko naman si Belle, nakatingin sa akin at nagtataka. "Babayaran ko sayo mamaya bago ako bumaba." At pinikit na niya mata niya.

Siguro 20mins na akong nakatayo, ang sakit na nang kamay ko at nangalay na. Biglang tumayo yung katabi ni Belle sa kinauupuan niya, "Hijo umupo ka na dito, kasi malapit na rin yung bababaan ko." Lalabas na sana siya kaso nakaharang yung paa ni Belle, tulog ata siya. Kinalabit ko siya:

"Belle may dadaan." Naalimpungatan ata siya at nagalit siya.

"ANU BA! Alam mo na ngang natuulog yung tao." At nakita niya yung katabi niyang nakatayo.

"Ah, sorry po lalabas po ba kayo?" tumango yung babae, at inalis ni Belle yung paa niya sa dadaan.

"Salamat, hija. Upo ka na doon hijo nanghindi ka mangalay sa katatayo."

"Sige po, salamat po. Ingat po kayo." At nginitian ako nung ale. At pumunta na sa harapan.

Bumaba na yung ale at umandar na ulit yung bus. Tinignan ko si Belle, at nakatingin din siya sa akin ng masama, pumikit siya ulit. Anu ba naman itong babaeng ito hindi man lang umusog, para paupuuin ako. What kind of girl is this? Anu ba ginawa ko at galit na galit ito sa akin? Maya-maya may kumakalabit sa akin, pagtingin ko si Belle pala ang kumakalabit sa akin. Umusog sya sagilid ng salamin, at nilagay niya sa gilid yung dala niyang plastic.

"Oh ayan, umusog na ako. Umupo ka na at mukhang nangangalay ka na, saka di ka ata sanay ng tumatayo sa bus." Ngumiti naman ako sa kanya at umupo agad, ibinababa ko yung patungan ng kamay sa gilid ko at sinandal ko na katawan ko sa may upuan. "Salamat at naka-upo na rin. Akala ko di mo na ako pa-uupuin." Nang tumingin ako sa kanya nakangiti siya, nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kanya sumimangut ulit siya.

"Pwede naman kasing umupo ka dito sa may gilid ng bintana. Tsk," sa wakas kinakausap niya na rin ako.

"Baka kasi maistorbo ka." ^_^

"Pa-gentle man effect ka pa diyan. Oh! eto bayad sa pamasahe." Tinitignan ko lang siya at nakangiti ako sa kanya. "Bat mo ako tinitignan, huwag mo nga akong ngitian." "Wala lang, natutuwa lang ako kasi kinakausap mo na ako. Ako nga pala ulit si Patrick Royce Calderon, ^_^* At wag mo na akong bayaran sa pamasahe. Instead kausapin mo nalang ako hanggang sa bumaba ka. OK na yun."

"You wish! kunin mo na kasi yung bayad ko. Ayaw ko nagkakaroon ng utang. Sa kahit kanino, lalo na sa taong hindi ko naman kilala."

"Ah correction. Diba kilala mo na ako. Kakasabi ko lang sayo nang pangalan ko."(^_^)

"Saka hindi ka naman magkakaroon nang payable sa akin. Kasi I'll consider you talking to me as form of your payment."

"Deal?" mukhang naiinis na siya sa akin, hahahaha. Pero kahit ganun ang cute niya paring tignan. Namumula na siya sa inis.

The ONE that got away..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon