Belle's POV
Dahan-dahan akong pumasok sa bahay kasi baka marinig ako ni mama, nasa may salas na ako at paakyat na ako sa kwarto ko nang biglang umilaw yung lampshade sa may salas at nakita kong nakaupo si mama. Nagulat ako at dumiretso ako sa hagdan. Pero bago pa ako makalayo sa pag-akyat nagsalita na si mama.
"Fire, san ka pupunta? Bumaba ka dito at kakausapin pa kita." agad akong bumaba at umupo sa sofa.
"San ka galing na bata ka, dis-oras na ng gabi asa labas ka parin? Hindi mo man lang naisipan na magtext sa akin."
"Ma, sa SM lang ako galing na nood kami ng sine kasama ko sila Resty, nagabihan ako ng pag-uwi kasi nahirapan akong sumakay ng bus pauwi." sinabi ko na lang ang mga dahilan na madalas sabihin ng mga estudyante sa mga magulang kapag gabi nang nakakauwi. Lagi nalang kasalanan ng mga sasakyan hahaha.
"O, di mo man lang naisipan magtext. Para hindi ako nag-aalala sayo."
"Sorry na po ma, hindi na po mauulit. Promise mag-tetext na ako sayo kapag malalate ako sa pag-uwi." at niyakap ko na siya at hinalikan. Binigay ko na sa kanya ang dala kong pasalubong sa kanya ang paborito niyang bibingkinitan. ^_^
"Suhol mo ba ito sa akin? Para hindi kita masyadong pagalitan."
"Ma, naman hindi ahh. Alam ko favorite mo yan kaya binilihan kita. Saka alam ko naman na hindi mo ako matitiis ehh, love na love mo kaya ako diba.?" hinalakan ko ulit siya. " 'Tong batang to talaga, siya sige umakyat kana sa kwarto mo hahatid ko nalang yung pagkain mo."
"Ma, naman hindi na ako bata. I'm a grown up lady already." at umakyat na ako sa kwarto ko.
Pagkaakyat ko sa kwarto naghugas na ako ng katawan, at nagpalit. Pagkalabas ko sa CR nasa may study table ko na ang pagkain ko. Habang kumakain ako biglang nagring ang cellphone ko at nang tignan ko si Resty tumatawag sa akin.
"Yes, Hello. How may I help you tonight sir?"
"Hoy, babae nakauwi kanaba ng bahay niyo?" maka hoy naman ito.
"Hoy, lalake kanina pa ako nakauwi sa bahay. Nakaligo't nakabihis na ako ngayon ka palang tatawag."
"Sorry, tinawagan kasi ako ni Patrick, sinabi niya sa akin na naka baba ka na raw sa uuwian mo."
"Oh, ang saya-saya mo naman dahil tumawag siya. Ikaw malandi karin ginamit mo pa akong dahilan para lang makuha mo number niya. Mga the moves mo noh."
"Hindi yun the moves ate, ganun lang talaga ako makipagkilala. Kaya grab the opportunity na din." pasimpleng landi talaga ito kait kalian.
"Pero maiba ako, kamusta? nagkakilala ba kayo? Kinausap mo ba siya? O napanis laway hanggang sa maka-uwi ka?"
"Ahmmmmm............ kinausap ko siya. Well I get to know him a little bit."
"Oh my gosh! I'm so proud of you. Yehey! Natupad na rin ang wish ko sayo. Sa wakas mayroon ka nang kaibigan na lalaki. After how many months." halatang halata ang saya ni Resty sa akin sa sobra nyang OA. "Kamusta naman siya? Anu naman masasabi mo?"
"Well, mukha naman siyang. May pagka mayabang, sabi niya nice-guy daw siya ehh mukha naman playboy."
"Ikaw talaga, hilig mong manghusga noh! Di ba nga 'Don't judge the book by it's cover.' Remember."
"Whatever Ren! Pero alam mo nung kausap ko siya naisip ko tama ka nga, maybe it's time for me to start again. Wala namang siguro masama diba kung I'll try again meeting guys?"
"Oh, edi inamin mo rin na di ka parin nakaget-over kay Zhi. Hmm, pa-deny deny ka pa kasi. Tama lang na mag start over again ka. Try meeting up guys again and be friends with them, dapat nga matagal mo nang ginawa yan ehh."
BINABASA MO ANG
The ONE that got away..
RomanceHi! Everyone this is my first story in wattpad, sana po suportahan niyo ang aking story. I will try my best so that I can satisfy your imagination and make you heart flutter. I was just inspired to right my own story beacause of the novels and wat...