11th MCS

16.6K 228 4
                                    

"Yeah. I feel good. It feels good." Totoo naman eh, na relax ako. Nawala ang stress. Nakalimot sa problema, at bago pa maka react si Jon, hinila na ko ni Dex palabas ng pancake house.

"Bitawan mo nga ako. Dex, aray, nasasaktan ako, anu ka ba!" Swear, ang sakit na ng wrist ko sa pagkakahila niya, idagdag pa yung mga chain ng bracelet na bumabaon.

Pero parang wala siyang naririnig. Kaya naman hinila ko yung kamay ko. And ouch!!

Pagtingin ko sa wrist ko dumudugo dahil nasira yung bracelet at siguro sa pagkakahatak ko sumugat. Since hindi naman nya nakita na dumudugo yung wrist ko, tinago ko na lang sa likod ko.

"Anu bang problema mo, Dexim??!!"

"Ikaw ang may problema, tinatawagan kita, tinitext at nag e-email sayo para sabihin na mag-usap tayo."

"So? yun lang ang problema mo at hinatak hatak mo pa ko na parang pusa na nakikipag kalmutan sa aso."

"Kilala mo ba kung sino ang mga kinakausap mo?"

"Oo. Anu bang pakialam mo sa mga kinakausap ko?"

"Pakialam ba kamo Calimia? may pakialam ako dahil--"

"Dahil PINSAN kita? Yun na nga eh.Pinsan LANG kita! hindi mo ko obligasyon."

"Calimia, si Jon Lucena ang kausap mo. Number one rival ng company NATIN."

"So? anu namang kinalaman ko dun?"

"Ang kinalaman mo dun, ay dahil isa kang Romualdez at baka ginagamit ka lang niya para makakuha ng information sa kumpanya."

"Hindi naman niya alam na isa akong Romualdez. Pangalan lang ang alam niya sakin, hindi ang apelyido ko. Now, kung hindi ka siguro umepal kanina hindi siya magkaka-hint na may ugnayan ako sa Romualdez at Villalobos. And what made you think para sabihin na girlfriend mo ko?"

"Dahil pag sinabi kong pinsan kita, pwede siyang gumawa ng way para mas lalong makalapit sayo."

"I told you, he doesn't even know my whole name. Masyado ka kasi, akala mo ikaw ang masusunod sa lahat ng bagay. You even threaten me AGAIN using that tone na narinig ko na. Three fucking years ago huh!!" Umiling lang siya. Shit! baka isipin nito di pa rin ako nakaka move on.

"Ano na lang sasabihin nila tita Ar pag narinig nila yung huling sinabi ng lalaking yun! Sa halip na pag aaral ang inaatupag mo. You will run your company sooner or later. Hindi ka na nahiya, lalaki pa mismo ang nagtatanong sayo, sinagot mo pa!"

"You should've been care less, and it's not what you think."

"Alin pa ba dun ang hindi? 'I hope you did enjoy BJ!'" Ulit nya sa sinabi ni Jon kanina, at tama nga ako. Ang dumi ng isip. "Nakakahiya ka Calimia. Nakuha mo pang sumagot ng 'Yeah. I feel good.' sa harapan ko. Where did you get those confidence, huh? Nakukuha mo ng magpaka liberated dahil bang hindi ka na--" I slapped him. Tangina! Pinag iisipan nya ko ng masama??? Bullshit!

"Naisip mo din ba ngayon ang sasabihin nila mommy pag narinig nila sa bibig mismo ng pamangkin nila yang mga sinasabi mo sakin ngayon?? Akala ko matalino ka. Pero alam mo kung ano ang laman ng utak mo? Lumot. Napaka duming lumot." For the second time, iniwanan ko siyang tulala.

Hindi ko alam kung bakit may pumatak sa pisngi ko, siguro dahil sa sobrang inis. Naka move on na ko sa feelings ko for him. Alam kong galit na lang yung nararamdaman ko para sa kanya dahil sa mga sinabi niya.

Nakalimutan ko na yung pagkakamali ko na minahal ko siya.

(c) Eilramisu

Mysterious Campus Singer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon