9th MCS

18.3K 266 11
                                    

Mga 4pm na kami nakarating sa BJ resort, ang ganda talaga dito. Hindi nakakasawang puntahan. May pagka white sand kasi eh.

Yung pinaka malaking room yung kinuha namin, nag share na lang kami.

"Night swimming na lang tayo ha? pahinga muna tayo." sabi ni Cassie na halatang pagod, kasi siya yung nag drive. Nung unang punta namin dito si Jasmint yung nag drive, siya kasi naka discover nitong BJ, tapus ako, tapus nung pangatlong beses namin si Cassie naman. At eto nga, pang anim na beses na namin ngayon, kaya si Cassie yung nag drive.

Nakatulog pala kaming tatlo. 7pm na. Kaya nag decide kami na mag swimsuit na para after ng dinner diretso swimming. Kaya nag palit na ko at nag patong na lang ng dress.

Nung nasa resto na kami, pinagtitinginan kami ng mga tao, babae man o lalaki. Siguro dahil mukha kaming powerpuff girls. Eh naka fuchsia akong dress, si Cassie naka green, si Jasmint naman naka blue. Baka maganda lang talaga kami.

"Yung about pala kay Symphony, sure daw ba na magpapakilala na siya?" pag o-open ko ng topic.

"Ah! Oo, tuloy daw. Dahil campus singer siya, may introduction number siya." pagdating sa tsismis, asahan si Cassie.

"Matagal pa naman yun no! 3 weeks pa." - Jasmint

Sino siya? Hoooo.  Lumalabas na naman ang pagka bitch ko.

"Mind if we join?" napatingin kaming tatlo sa nagsalita. Tapus biglang may sumipa sa paa ko.

"Sure." sabi ko, dahil nung tumingin ako kay Jasmint pinandilatan ako ng mata.

Wala ala ata yung dalawa pa nilang kasama.

"Anw, ako pala si Jonick, Jon for short." So Jon pala yung name nung mag bonggang car.

Tapus nagpakilala din yung dalawa, Lerry yung naka gray, at Matt yung naka white.

"İ'm Cassie, the oh so hot girl." Pagkasabi niya nun, biglang natawa si Lerry na ikinagulat ni Cassie, siguro kung hindi kumindat si Lerry, malamang nabato na siya ng menu. Gumanti naman ng kindat ang loka. Akala ko ba mahal niya si Ryan? Tsk =))

"İ'm JasminT, with BİG 'T', fresh and cool." Ang pilya talaga ng bruha.  Talagang big ha? di man lang capital T, o kaya LARGE T. Lol. Hahahaha!! Kinuha ni Matt (na may dalawang 'T' hahahahaha) yung kamay niya at hinalikan. Nag blush naman ang bruha.

"İ'm Cali." Ang tipid di ba!

"İ'm thirsty!" haha, natawa ko kay Jon. Nauuhaw daw siya, so kailangan niya ko? Adik lang. Kung hindi nyo alam, ang Cali ay drink. Favorite ko nga yun eh. Sarap kasi.

"Lol."

Naupo na silang tatlo, buti na lang medyo malaki yung table na naupuan namin.

Nung dumating na yung order namin, nagtaka naman ako, kasi di naman umorder sila Jon, pero ni-serve-an sila ng food.

Nag kwentuhan lang kami ng kung anu ano. Masaya naman sila kasama lalo na si Jasmint and Matt na nag lalandian sa harapan namin kaya natatawa na lang kami.

"Nabanggit nyo na pang 6th visit nyo na dito sa BJ, seems like you're really enjoying my resort."

"Your resort? May ari ka?" huh? parang ibang meaning ata ang tanong ni Jasmint. Tapus nung tinignan ko si Jon, nag blush siya. Hahaha, gaga nitong si Jasmint.

"O-oo. Ako yung m-may ari." hahaha, nahihiya siguro to sa tanong ni Jasmint. İkaw ba namang tanungin kung MAY ARİ KA? okay, ang green ko nanaman.

"Cool." sabi pa din ni Jasmint.

"İ'm jealous." What a flirt, Matt.

"Don't be Matt, may ari ka din naman eh." HUH??

"Jasmint!" sabay na sigaw namin ni Cassie.

"What? what İ mean is, he owns my attention. Don't be so green." tapus tumawa pa ng pag kapilya pilya.

We just both sighed.

 (c) Eilramisu

Mysterious Campus Singer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon