34th MCS

12.2K 162 8
                                    

"Okay ka na ba? Nilalamig ka pa ba?" Tanong ng tanong sakin si Dex kada minuto. Nandito pa din kami sa may kubo at ang lakas lakas pa din ng ulan. Hindi na ata hihinto ito ngayong magdamag. Nagugutom na din ako.

"O-okay lang. H-hindi na masyado." Aaminin ko, nagsisinungaling lang ako na hindi na malamig. Pero nanginginig na talaga ko. Pakiramdam ko bigla na lang titigas ang buong katawan ko dito at magiging yelo.

Naramdaman ko na mas humigpit yung yakap sakin ni Dex. Nakakabawas ng lamig yung body heat niya.

"Ang mabuti pa mag hubad tayo ng damit. Mas malamig kung nakasuot tayo ng damit na basa." Nagulat ako sa sinabi niya. No effing way.

"A-ayoko. Okay na ko. H-hindi na naman masyadong malamig eh."

"Lyra naman. Hanggang sa sitwasyon ba naman na to magmamatigas ka pa din? Sumunod ka na lang sakin. Wag kang mag alala. Wala naman akong gagawin sa'yo bukod sa painitin ang katawan mo." Nagulat ako at namula sa sinabi ni Dex. Napaharap ako sa kanya na nakanganga. Naitulak ko siya ng narahan na wala sa oras. Tumingin siya sakin na nakakunot ang noo. Napayakap ako sa katawan ko. Kasabay nun, narinig ko ang pagtawa niya. "Kung anu man ang nasa isip mo, isantabi mo muna yun. Hindi ko gagawin yun sa ganitong sitwasyon. Yayakapin lang kita para hindi ka ginawin."

Stupid! Anu bang nasa utak ko? Na-pollute na ng tuluyan. Napansin ko na naghuhubad na si Dex, kaya umiwas ako ng tingin.

"Sige na Lyra. Maghubad ka na." Mas umihip ang malakas na hangin kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya. Gusto kong yakapin niya ko eh. Minsan lang to. Tutal may nangyari na. Bibigyan pa ba ng malisya? Pinsan ko nga siya. Pero... iba kasi yung sinasabi ng puso ko sa idinidikta ng isip ko.

Pagkahubad ko ng damit mas naramdaman ko ang lamig. Kinuha ni Dex yung damit at piniga niya. Inilatag niya yun sa may kawayang sahig. Tumayo si Dex at isinarado ang maliit na bintanang yari din sa kawayan. Inihagis niya din yung ahas na binato niya ng kutsilyo. Bumalik siya sa tabi ko at niyakap ulit ako.

Tama siya... mas mainit ngayon ang pakiramdam. Hindi ko na masyadong ramdam ang lamig. I feel safe and warmth. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

"Bakit kahit awayin kita ng awayin... nandyan ka pa din?" Alam kong isang napakalaking katangahan ang tanong ko. Dahil isa lang naman talaga ang sagot... pinsan niya ko. Tapus!

"Kasi mahalaga ka sakin... at mahal kita." Pinilit kong wag bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi niya na... mahal niya ko. Pero yung puso ko, naghuhurumentado. Hindi yung ang ini-expect kong sagot mula sa kanya. Pero ang sabi ng kabilang bahagi ng isip ko... natural na mahalaga ako sa kanya at mahal niya ko kasi pinsan niya ko.

"L-lahat naman ng magkakamag anak... mahahalaga at mahal."

"Pero iba ka." Napalunok ako ng sunod sa sinabi niya. Bakit niya ba yun sinasabi? Naguguluhan ako. "Sa maniwala ka at sa hindi... mahal kita Lyra. Mahal kita bilang ikaw... bilang babae. At hindi bilang pinsan. Pagdating ng tamang panahon... maiintindihan mo din kung bakit ko to ginagawa. Sana, tanggapin mo..." Hindi ko siya maintindihan. Anu bang sinasabi niya? Kailan yubg tamang panahon na yun? "...ako." Narinig ko na may ibinulong pa siya, pero hindi ko naintindihan kasi biglang kumidlat.

"Hindi ba pwedeng ngayon mo na ipaintindi sakin? Naguluhan kasi ako. Kilala mo naman ako. Pag hindi ako mapakali sa kakaisip sa isang bagay... hindi ako makakatulog."

"Hindi ako ang dapat magpaliwanag Lyra. Wala ako sa position. Isa pa... nag promise ako na hindi mo malalaman kung wala ka pa sa tamang edad."

Magsasalita pa sana ako pero nag simula na siyang mag hum at hinahaplos na niya yung ulo ko. Agad naman akong inantok.

"I love you..." Bulong nasabi ni Dex. Pero hindi ko nanaman naintindihan kasi timing nanaman ulan. Hinihila na rin ako ng antok.

(c) Eilramisu

Mysterious Campus Singer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon