19th MCS

15.8K 193 5
                                    

Tapus na rin sa wakas ang finals namin. Grabeng stress ang nararanasan ko these past few days. Una, dahil kay Dex. Pangalawa, dahil kay mommy. Pangatlo, dahil kay Sir Nath, na kada nagkakasalubong kami, laging may naka reserve na smirk sakin. Pang apat, dahil kay Jon na hindi ko alam ang plano. Panglima, dahil sa MCS na yan, hindi ako makapag isip ng magandang show!

"Urghh!" Napasabunot na lang ako sa buhok. Nakaka sa-frustrate. Buti tahimik dito sa garden, dahil busy sila, kasi nga foundation week na. Si Jasmint at Cassie naman mamaya pa, inagahan ko kasi talaga sa napag usapan naming time, nang hindi ako maiistorbo sa pagla-laptop kaka-type ng mga gagawin ko. 

Tapus na ko dun sa 'Hating My Love', 'Enjoying the Break', 'Stay Away from the Hot Temptation', at 'Get Rid from the User'. Kung hindi ko gagawin to, baka maloka na ko. 

Para kasi sakin, ang buhay parang paghahanda lang yan sa exam. Kailangan may mga notes ka para mapaghandaan ang mga questions na may possibility-ng lumabas. Dahil kung wala kang guidelines, hindi mo mahaharap ang future mo ng maayos. Dalawa lang naman ang kakalabasan nyan eh, Failure or Success. At dahil ayaw kong maging FAİLURE, eto ako, nagri-ready sa 'Reality Exam' para maging SUCCESS. 

Naisip ko lang na kaya siguro ako ganito kay Dex, ay dahil sa mahal ko pa talaga siya. At tama si Jasmint, sinasaktan ako ng katotohanang mag pinsan kami. Hindi ko alam kung bakit minamahal ko pa din siya, kahit na alam kong wala namang patutunguhan ang lahat. Ganun naman talaga eh, minsan kailangan munang ilecture ang isang topic, to be able to understand. Buti sana kung hindi ko siya pinsan, talagang gagawa ako ng paraan para makuha siya. Kung kinakailangang mag strip tease ako sa harap niya, gagawin ko, kung ang pagkain ko lang ng apoy ang makakapilit sa kanya na mahalin din ako, susubukan ko. Basta makuha ko lang sya. 

Pero napaka imposible nga ng lahat. May mga bagay na pilit mong inaabot kahit alam mong bawal. Pinipilit nilang iaabot sayo, kahit ayaw mo. 

"Ang lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako sa nagsalita. Kung ganyan ka gwapo ang sasalubong sa seryoso mong pagmumukha, wala lang magagawa kundi ang ngumiti.

Mysterious Campus Singer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon