FLASHBACK
"Britz, anung ginagawa mo dito?" Nakakapagtaka naman si Britz nandito sa Music room, eh friday ngayon, practice ng choir. Every tuesday ang Music namin na subject.Hindi sa pag aano, pero di naman siya member ng choir.
"Kinuha ko kasi si Ms. Ynna, magpapa-voice lesson ako sa kanya." Ah. Kaya pala.
"Para san? mag o-audition ka na din ba sa choir?"
"Hindi. Gusto ko kasi mag audition sa annual play natin. The Secret Garden daw yun eh."
"Ah, oo. Balak ko nga din mag audtion." Pareho talaga kami ng bestfriend ko.
"G-ganon ba? Sabay na lang tayo mag audition." Nginitian ko na lang siya. Gusto ko din na sabay kami. Para hindi ako masyadong kabahan.
**
Ang bilis ng mga araw, audition na, malapit na ang annual play. Pagkatapus nun, practice na ng graduation.
Ang dami dami kong ginawa. Kinausap pa kasi ako ng principal namin. Kasi valedictorian ako. Niko-congratulate nya nga ako eh. Tapus may binigay siyang paper sakin, petition for valedictorian. Pinapirmahan niy sakin sa lahat ng teacher ko. Nakakaloka. Ang daming arte ng school na to. Fifteen minutes na nga lang mag ko-close na ang audtition para sa annual play. Kailangan ko makahabol. Kaya tinakbo ko na para makarating sa theatre room.
"CALİ!!" Napahinto ako sa pagtakbo ko, kasi nakasalubong ko Si Britz.
"Bakit? Nakapag audition ka na ba? Sorry ah, di ako nakasabay sayo. Ang dami ko kasing ginawa."
"Ok lang Cali, naiintindihan kita. Nga pala. Pinapatawag ka ni Mr. Reyes, nasa music room siya." Huh?? Eh wala na kong oras. Mag o-audition pa ko. Bakit naman kaya? "İmportante daw."
"Ganon ba? Sige. Pupunta na ko." Ang layo pa nun. Sa Fifth floor pa ang music room, sa kabilang building. Grabe hingal na hingal na ko. Feeling ko ako na si Wonderwoman. Apat na floors pa.
Napahawak na ko sa railings. Tinignan ko ang oras. Five minutes lang. Mag ko-close na talaga ang audition for the annual play.
![](https://img.wattpad.com/cover/3845423-288-k286508.jpg)