CHAPTER 17: HAUNTED

548 12 0
                                    

After a week na nakapangako si Vic na sasama ito sa reunion ng high school batchmates niya ay naging busy naman muli si Bang sa school activities nito at ganun din sa banda ng unibersidad kung saan siya ay kabilang.

Papatapos na ang duty ni Vic sa trabaho ng maisipan nitong gisingin si Bang dahil alam nito na maaga ang pasok nito. Nabanggit kasi ni Bang ng gisingin siya nito kagabi para pumasok na hindi na nito mahihintay ang tawag niya dahil dapat 7am na sa school na ito.

Vic's POV

Vic: Tawagan ko nga si Bang para makabawi naman ako sa mga sakripisyo niyo sa paggising

sa akin gabi-gabi tsaka siyempre para good vibes bago man lang makauwi sa bahay

mamaya.

Calling Baby Bang . . . matapos ang dalawang subok at limang ring ay

Bang: Hi Vic. Good morning!

Vic: Good morning baby masayang bati nito sa minamahal.

Bang: Nagpupungas pa at nag-iinat na inabot nito ang telepono at walang tingin na sinagot

ito. Hello?

Vic: Hi baby magandang umaga! Rise and shine na po, muling sabi nito sa dalaga.

Bang: Hi Vic good morning. Himala napatawag ka at ang aga yata.

Vic: Kunyaring nagtatampo, "ito naman siya na nga itong tinawagan para sana gisingin ng

maaga at hindi ma-late sa school pero parang hindi naman natuwa.

Bang: Naku nako ang baby nagpapalambing masaya na nitong tugon. Tinanong lang kung

bakit napatawag ayaw na agad kausap. Hindi ba puwedeng nagtataka lang po baby?

Nilagyan nito ng diin ang huling salita para mapansin ng kausap na nahahalata nito

ang malimit na pagsasabi sa kanya ng baby.

Vic: E, baby kasi sabi mo po kagabi seven dapat nasa school ka na kaya naisip ko since hindi

naman ako busy at alas singko na rin naman e, gisingin na po kita para naman

makabawi sana ako sa pagmamalasakit mo sa akin sa araw-araw na wakeup call para

siguruhin na hindi ako mahuhuli sa pagpasok sa trabaho. Mahabang paliwanag nito sa

kausap.

Bang: Natuwa naman sa narinig na sinabi ni Vic. Hay nako ayan ka naman po sa mga bawi

bawing ganyan. Kusa ko naman po iyon at hindi ko naman sinabi sa iyong suklian

mo o kaya gantihan mo po iyong ginagawa ko. Friendship role lang naman.

Napaisip nako mali yata iyong nasabi ko. Bakit ba naman kasi itong dila ko sasablay lang ngayon pang kausap ko si Vic. Para namang may kung anong sumugat sa dibdib ni Vic na nakaramdam ito ng sakit sa sinabi ng mahal.

Vic: Sumoryoso bigla ang tinig at saka sinabi, Ah e naisip ko lang naman baka matraffic kaya

ginising na kita. Sige bangon ka na bye na rin. Saka biglang pinundot ang button ng tawag para matapos na ito.

Shit! Ano ba naman iyan bigla akong naging sensitive. Bigla kasing ang sakit sa pandinig e. Sana na lang hindi na lang napansin ni Bang na parang nainis ako. Ito na nga ba kasi ang sinasabi ko e, hanggang ganito na lang yata talaga kami. Napabuntong hininga na lang ito ng malalim at saka pilit na ibinalik ang isip sa trabaho.

Paano Nga KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon