Nasundan pa ng maraming gabi ang paggising ni Bang kay Vic. Gabi gabi halos ay nag-uusap ang dalawa kahit walang pasok ang huli. Hindi na halos namalayan na tatlong buwan na halos ang dalawa na akala mo'y magkasintahan.
May mga linggo na magkikita ang dalawa para magkasamang magsimba. Habang lumalalim ang samahan ni Bang at Vic ay nanamlay naman ang pagsama nito sa Ronda Puwersa Kabataan. Akala ng mga kasama sa grupo ay busy lamang ito sa eskuwela dahil graduating na rin ang dalaga at abala rin ito sa kanyang banda, ang Banda Kawayan na sumasali maging sa ibang bansa para lumahok sa kumpetisyon sa pag-awit.
Kulang na nga lamang sa mga ito ay opisyal na label para sabihing sila na nga. Ang hindi batid sa marami kapwa nahihirapan na rin ang dalawa na harapin ang kung ano man ang nararamdaman nila. Pareho silang natatakot na baka may magbago kapag inamin nila ang totoo. Nanatili silang dalawa sa mundo na parang sila lang. Sa nakasanayang gawi, oras, pag-uusap maging ang pagkikita.
Vic: Matagal-tagal na rin pala ako dito sa pang-gabing shift hindi ko na namalayan. Sabagay
okay lang din naman dahil adjusted na ako at isa pa may dahilan para lagi ko pa rin
kausap si Bang. Pero paano nga kaya kapag may biglang nagbago.
Samantalang si Bang sa kanyang kuwatro naman ay nag-iisip, paano kaya kung biglang malipat si Vic ng shift at may makilala itong iba, iyong tipong hindi na estudyante, wala ng inaalalang oras ng pag-uwi, iyong puwede niyang ipakilala sa lahat bilang girlfriend.
Bang: Ah tama na nga ang isip na ganyan. Enjoy while it last sabi nga nila. Bakit ko ba
kailangang takutin ang sarili ko sa bagay na hindi pa naman nangyayari. Saka naman
nag-ring ang telepono nito. Hello Vic?
Vic: Hi Bang. Gising na po ako. He he he!
Bang: Abah mukhang hindi mo na ako kailangan ha. Kaya mo ng gumising ng maaga ngayon.
Vic: Uy ikaw naman. Ano ba iyang mga pinagsasabi mo Bang. May problema ka ba?
Bang: Tuluyan na nga nawalan ng gana. Hindi wala may mga iniisip lang ako. O sige
maghanda ka na para naman ma-enjoy mo pa iyong oras mo.
Vic: Nagtataka. Walang gana? Ayaw mo po akong kausap?
Bang: Hindi naman sa ganon Vic. Ikaw lang naman ang iniintindi ko para hindi
naapura sa kung ano man ang gagawin mo pang iba. Naiiyak na dahil pakiramdam
niya ipinagtatabuyan na niya ang taong mahal.
Vic: Hmm sige na nga bye na po madam. Tawagan kita sa opisina mamaya ha, okay lang?
Bang: Hmm kahit text na lang baka matulog na rin ako Vic e.
Vic: Tuluyan na rin nalungkot sa narinig na pahayag ng kausap. Ah ganun ba. Sige good
night na lang po at tuluyan ng tinapos ang tawag. Shit bakit. Ano kayang nangyayari
tanong nito sa sarili.
Pagkatapos ni Vic maligo ay bumaba ito at naghapunan. Wala itong masyadong nakausap sa bahay dahil ang Kuya Jun niya ay wala sa bahay. Ang mga magulang naman nito ay nasa kanila ng kuwarto at nagpapahinga dahil masama daw ang timpla ng ina.
Pagdating ni Vic sa istasyon ng radyong pinapasukan ay agad itong nagtext sa kanyang Minamahal.
Vic: Hi Bang. Nandito na po ako sa opisina. Gising ka pa po?
BINABASA MO ANG
Paano Nga Kaya
FanfictionPAANO NGA KAYA? (A BaRa Fanfiction) This is a fictional story. Using some of the names of famous UAAP volleyball players Bang Pineda and Victonara “Vic” Galang, as lead characters in the story. I hope you get to read this story as I penned my though...