Chapter 6: Unexpected

814 9 0
                                    


Vic's POV

Andito ako ngayon sa pantry past 6 am na pauwi na rin sana.

Iyon nga lang naghihintay pa ng kapalit. Hay late na naman si Freddie.

Ruby: Uy Vic, hindi ka pa ba uuwi?

Vic: Eh, wala pa nga si Freddie e, iritado kong sabi.

Ruby: Anong wala, ayon oh, tignan mo sa PA's booth parang ewan na kumakaway-kaway pa.

Vic: Gagong to! Andiyan na pala hindi pa nagpakita agad. Lumapit kay Freddie. 

(Inis na inis) Hoy hindi ka man nagsabi agad na nandiyan ka na pala.

Freddie: (Morning shift na PA at kapalit ni Vic) E, pasensiya na traffic lang.

Vic: E, bakit kuma-kaway ka pa diyan? masungit na.

Freddie: Pasensiya na nga. Oh nga pala kanina pa itong tawag mo kaya

sana kita kinakawayan. Sagutin mo na kaya baka naiinip na iyan.

Vic: Sino ba ito?

Freddie: (Kamot sa ulo) Sorry nakalimutan kong tanungin ang pangalan.

Vic: Hello, Veritas good morning!

Caller: Good morning (ramdam ang saya sa boses). Pero parang hindi

naman good ang morning mo e.

Vic: Hello, Bang? Kala ko may sakit ka?

Bang: Oo nga di ba, kagabi? Ngayon okay na ako. Nagbaka-sakali lang naman

ako na nandiyan ka pa. Kaya lang mainit yata ang ulo mo wrong timing ako.

Vic: Sandali lang ha, lilipat lang ako ng puwesto. Kasi parang may gustong 

makinig, itong si Freddie talaga kesa sa mag-trabaho late na nga trip pa yatang

makitsimis sa usapan natin. Hold muna kita ha, lipat ako.

Bang: okay sige antayin kita.

After 10 seconds tumakbo sa table sa lobby para ituloy ang pakikipag-usap . . .

Vic: Hello, Bang? Andiyan ka pa ba?

Bang: Hello. Opo andito pa ako. O ano na bakit ang sungit mo kanina?

Vic: Kasi naman si Freddie lagi na lang ganyan, late dumating. Sabi pa naman 

ni payat may history daw iyan na biglang hindi pumapasok tapos hindi 

agad tatawag para magsabi na mawawala siya.

Bang: Wawa ka naman. Wag ka ng magalit, andiyan naman na siya e.

Vic: Opo na po. Hindi na ako galit. Saka kanina lang naman iyon e, kausap na

kita ngayon kaya okay na ako.

Bang: Naku bola! Ha ha ha!

Vic: Hindi ah. Masaya kaya ako kapag kausap kita. Nakalimutan ko na

ngang inaantok na pala ako kanina e. Teka, wala ka bang pasok?

Bang: Meron po. Tumawag lang talaga ako para mag-thank you sa iyo.

Vic: Thank you? Bakit naman.

Bang: Kasi pagkatapos nating mag-usap kagabi parang okay na ako bigla. 

Tapos dire-diretso pa ang tulog ko. At since ikaw ang last na kausap ko 

pakiramdam ko parang ikaw ang nagpagaling sa akin.

Vic: (kinikilig ng pasimple. laki pa ng ngiti) Ha ha ha! Ikaw talaga!

Loko mo baka masanay akong ganito tayo, ikaw din!

Bang: Okay lang wala naman sa aking magagalit. Baka ikaw diyan,

mamaya may umaway at manabunot sa akin ha?

Vic: Hala! Wala kaya!

Bang: Siya sige na tinatawag na ako ni mommy, almusal na daw.

Vic: Sige ingat ka pagpasok ha.

Bang: Opo. Ikaw din ingat paguwi.

Paano Nga KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon