CHAPTER 34: LOVE KNOWS NO TIME (FINALE)

1.2K 17 12
                                    

Nang makarating sa Maynila at saka na lamang muling nag-usap ang dalawa.

Vic sorry ha kung nasira ko ang out-of-town get away natin. I am really sorry kung nagkukulang pa rin ako hanggang ngayon na patunayan ang pagmamahal ko sa kabila ng lahat ng ginagawa mo.

Pero kung ano man ang ipinakita ko sa iyo nitong buong panahon na magkasama tayo, lahat ng iyon totoo. Please Vic just bear with me. Tiyagain mo pa ang pagintindi at paghintay sa akin Vic paliwanag ni Bang.

Sakto naman na kakarating nila sa bahay ni Vic. Hindi pa rin ito kumikibo ayaw niya kasing magalit o mas lalong makita ni Bang na nahihirapan din siya at higit sa lahat ay nasasaktan

Matapos na maiparada ang kanyang sasakyan ay agad nitong pinagbuksan ng pinto si Bang na mabilis namang bumaba.

Vic please talk to me, sinabi ito ni Bang habang naka-backhug kay Vic na akto ng papasok ng bahay. Huwag namang ganyan. Kung galit sige tatanggapin ko pero huwag kang manahimik lang, pakiusap nito nang biglang mag-ring ang telepono niya.

Bang: Hello ma? Opo, opo sige pauwi na ako diyan. Please mag-ingat kayo. At agad din natapos ang usapan.

Vic Sorry kailangan kong magmadali itatakbo daw ni mama si papa sa ospital, pasensiya na talaga. Hinawakan ni Bang ang dalawang balikat ni Vic at tinitigan ito bago humalik sa labi.

I love you Vic please try to understand some more ?

Niyakap lang ng mahigpit ni Vic si Bang at saka humalik din sa labi nito, I love you Bang, mahal na mahal. Ingat ka.

Pagkatapos ng mga salitang iyon agad na sumakay naman si Bang sa sariling kotse nito at umalis para habulin ang mga magulang na papunta na ng hospital dahilan sa pagkaka-atake ng ama.

Dahilan sa biglang pagkaka-atake ng ama ay nalimita ang panahon ni Bang sa trabaho at pagbabantay sa kanyang ama sa ospital.

At dahilan sa paglala pa ng kundisyon ng daddy ni Bang magmula ng makabalik sila sa Zambales ay hindi na sila muling nagkausap at nagkita pa sina Bang at Vic.

Paparating ang kapaskuhan kaya nagsubok si Vic na tawagan si Bang sa telepono nito ...

pero operator lagi ang sumasagot sa kabilang linya at ang lagin sabi ay "the number you dialed cannot be reached. Please try your call later ... the number you dialed cannot be reached. Please try your call later ..."

Vic: Shit anong nangyari Bang? Bakit ganun bigla na lang na naman? Balik na naman ba tayo

sa dati? Akala ko okay na tayo e ... sabi nito sa sarili.

Muling nagbakasakali si Vic na tawagan ang Minamahal pero ganun pa rin ang sagot sa telepono nito.

God ayoko na. I guess I have to move on kahit masakit. Bang hindi pedeng basta ka na lang laging mawawala. Pede naman e, kahit text lang kahit isa lang pipilitin ko namang intindihin e, malungkot na bulong ni Vic sa kanyang sarili.

Pumasok ang buwan ng Pebrero, pakiramdam ni Vic ay wala ng tama sa lahat ng kanyang ginagawa dahil masyado na itong apektado ng biglaang pagkawala ni Bang, walang pasabi.

Last na ito Bang. Last na at kapag wala ka pa rin siguro I really have to let you go. Pagkasabi nito ay nagtungo si Vic sa opisina ng Love Radio sa Roxas Boulevard kung saan naroon din ang DZRH.

Pagkapasok nito sa unang palapag ng gusali ay nagtanong ito sa guard kung maaring bumisita sa Love Radio, sakto naman na may nakapansin kay Vic.

Vic? Ikaw ba iyan? tanong ng babae.

Paano Nga KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon