Chapter 19: Giving way

593 17 1
                                    

Sunday afternoon kagigising lang ni Vic at nasa kuwatro lang ito. Nakasanayan na kasi ni Vic na tuwing linggo ay gumigising ito ng mas maaga dahil magsisimba sila ni Bang. Kinuha nito ang cellphone sa mesa at tinignan kung may missed call o text si Bang sa kanya pero wala.

Naligo na lang muna ito habang hindi pa alam kung ano ang gagawin. Nasa banyo si Vic ng may tumatawag sa phone niya . . . after 30 minutes ay lumabas ito ng kuwarto para magbihis ng mapansin niyang umiilaw ang telepono niya. Nagmamadaling inabot ni Vic ang telepono.

Vic: Hello Bang?

Bang: Hi Vic. Ano ready ka na?

Vic: Maga-ayos na lang ako pero almost naman na. Ikaw naka-ayos ka na ba?

Bang: Opo ready na. So ano puntahan na kita?

Vic: Ikaw na lang ang susunduin ko ngayon, okay lang ba? Text mo na lang po ang address

mo para madali akong makarating diyan sa inyo.

Bang: Naku huwag na kaya. Ganito na lang ha para hindi ka na mahirapan pa kita na lang

tayo kung gusto mo?

Vic: Naku ayaw magpasundo siguro may magagalit na ano? Patampo nito kunyaring sabi.

Bang: Ikaw talaga ang kulit mo, sabi ko naman na wala di ba? Teka bakit ba ang pilit mong

sunduin ako saan mo ba gustong magsimba?

Vic: Sus kunyari pa daw na wala. Gusto ko sana sa Antipolo dun sa Our Lady of Peace and

Good Voyage?

Bang: Ang layo naman pala e, hindi ba tayo gagabihin masyado?

Vic: Hapon pa lang naman. Siguro naman kahit last mass nila aabot tayo kung aalis na ako

di ba, tapos susunduin na kita. Medyo authoritative nitong sabi sa kaibigan.

Bang: Oh sige na nga sa Antipolo na tayo magsimba pero susunduin na lang kita ha kasi

alam ko namang puyat ka pa mula sa duty kagabi. At no more arguments please

ako na ang susundo sa iyo. Bye. Saka ibinaba ang telepono.

Nasa kuwarto pa rin si Vic habang hinihintay si Bang. Sa isip nito sa Antipolo niya gustong magsimba sila ngayon ng kaibigan dahil gusto nitong hingin ang kapanatagan ng kanyang isip at damdamin. Gusto niyang hilingin sa Diyos na bigyan din siya ng senyales kung mananatili ba itong kaibigan lang kay Bang at kung iyon nga ang sagot, ay hihingin din niya na madali niyang mapalaya ang kung ano man ang nararamdaman niyang espesyal para dito.

Oo maganda si Bang. Masayang kasama in fact pakiramdam naman niya espesyal din siya dito. Pero batid din niyang bata pa si Bang, hindi man malaki ang agwat ng kanilang edad, alam naman niyang iba ang prayoridad nito sa ngayon. Una dito ay ang kanyang pag-aaral, pangalawa ang pagkanta, at ikatlo lang marahil ang puso kung ito man ang kasunod sa hanay ng priorities nito sa buhay sa ngayon. Bilang mabuting kaibigan ayaw naman niyang maging sagabal dito.

Isa pang gumugulo sa isipan ni Vic ay ang nararamdaman niya kay Mika dahil sa tuwing nagkakausap sila nito at nagkikita ay laging bumabalik ang lahat ng nararamdaman niya para sa matalik na kaibigan. Iyon nga lang tulad kay Bang may takot din itong ipagtapat ang tunay na saloobin. Maya-maya ay may kumatok sa kuwarto ni Vic.

Tok tok tok!

Vic: Pasok!

Kuya Jun: sumilip lang ng bahagya sa kuwarto ng kapatid, Bro! May bisita ka sa baba bilis

Paano Nga KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon