CHAPTER 24: Random

389 10 0
                                    

CHAPTER 24: Random

Pagkatapos ng araw na iyon ay nagbalik sa normal ang buhay ni Mika. Balik sa usual na routine ito na trabaho, bahay at meetings. Bumibilang ang buwan at nadoon pa rin ang palitan ng kamustahan nina Mika at Vic.

Hindi man regular pero binibisita ni Vic si Mika sa bahay nito kahit walang pasabi, kasi nga hawak nito ang isa sa duplicate key sa bahay ng kaibigan. Sa isa sa mga araw ng linggo pagka-labas ni Vic sa tabaho ay nagtext lamang ito sa ina na hindi muna uuwi sa kanila dahil kay Mika ito matutulog. Ginamit ni Vic ang kanyang sasakyan pagpasok ng kinagabihan dahil balak talaga nitong puntahan si Mika.

Vic: Habang nagmamaneho ay napaisip ito, Alam ko tulog pa si Daks kaya dadaan na lang

muna ako sa Aristocrat Restaurant para mag-takeout ng breakfast namin bago ako

tutuloy sa kanila. Matapos na makuha ang takeout orders ay muling bumiyahe si Vic.

Ipininarada ni Vic ang kotse nito sa tabi ng sasakyan ni Mika at saka dahan-dahan itong pumasok. Inilabas niya ang mga dalang pagkain na naka-lagay sa plastic containers. Kumuha at naglagay ng plaso para sa dalawang tao sa mesa, inayos ang mga kutsara at tinidor, nag-brew ng kape. Sumaglit sa kuwarto ni Mika si Vic. Pagkapasok at tinignan lang nito si Mika at dahan-dahan itong humalik sa noo ng dalaga at saka mabilis na bumalik sa baba.

Nag-bukas ng component si Vic, mahinang tunog na pawang mga soft music at love songs ang inihanda nito habang nagpapahinga ay nahiga ito sa malaking upuan sa sala dahil ayaw niyang tabihan si Mika kasi siguradong magugulat ito at magigising na.

Vic: Sunday naman e, alam kong bawi mo ito sa tulog Daks kaya dito na lang muna ako

magpapahinga maaga pa naman mag-7:30 pa lang ng umaga.

Dalawang oras at kalahati matapos na mahiga si Vic ay naalimpungatan ito sa kamay na humahaplos sa kanyang mukha. Pamilyar sa kanya ang pakiramdam ... Si Mika, gising na.

Vic: Iminulat ang mata ng dahan-dahan at ngumiti ng matamis.

Mika: Pagkadilat ni Vic ay saka ito umupo sa tabi ng kaibigan at masayang bumati dito ng

Good morning Daks!

Vic: Nag-side hug kay Mika, siniksik ang mukha sa tiyan ng kaibigan at saka sumagot ng

Good morning too Daks ko. Happy Sunday!

Mika: Yakap pabalik ka Vic, Happy Sunday Daks! at saka tumayo at pumunta sa mesa sa

Kusina. Daming mong dala Daks. Brunch na ba natin ito?

Vic: Puwede naman Daks. Hmm kain na tayo gutom na ako e.

Mika: Okay (naupo sa tapat ni Vic) at nagsimula ng kumuha ng pagkain.

Vic: Daks may gagawin ka ba ngayong araw?

Mika: Wala naman Daks bakit? May plano ba?

Vic: Ayain sana kitang magsimba kung saan mo gusto.

Mika: Wala Daks blangko talaga itong Sunday, ito na lang ang araw na para sa sarili ko e.

Vic: Napasimangot. Ganun ba?

Mika: Oh e, bakit naman ganyan ang mukha mo Daks? Bakit biglang nalungkot?

Vic: Hindi sumagot sa halip ay kumain lang ng tahimik.

Mika: Daks sabi ko wala akong gagawin at itong araw ng linggo ay araw ko sa sarili

ibig sabihin kahit kanino ko gusto itong ubusin o gugulin iyon na iyong

para araw ko sa sarili ko. Kaya tama na iyang tampo mo ha.

Vic: Tumingin ng mapanukso kay Mika at saka ngumiti, Salamat Daks.

Mika: Ikaw Daks para pa rin baby gusto pa talaga inaamo. Hay Daks!

Vic: Sa halip na sumagot ay sumandok ito ng pagkain at matiyagang isinubo kay Mika,

say a Daks, bilis baka matapon itong laman ng kutsara ko.

(Matapos namang isubo ni Mika saka ito muling nagsalita ng hindi nag-iisip) Alammo Daks, hindi ko tuloy minsan maisip paano ako magkakaroon ng girlfriend na kasing understanding mo at sweet .... Saka siyempre dapat maganda din at sexypara hindi mapipintasan.

Mika: Nagkibit balikat lang

Vic: Oh e, bakit? Understanding ka naman talaga at sweet saka maganda at sexy. Lakas mo sa akin Daks e, kita mo ha pati standards ko parang ikaw.

Mika: Hay Vic! Bilisan mo na nga iyang pagkain mo ng mabusog at hindi kung ano-anong pumapasok sa isip mo kita mo parang nalilipasan ka na at kung anu na iyang pinagsasabi mo (saka bahagyang tumawa).

Vic: Basta Daks kapag ako nagka-girlfriend gusto ko katulad mo. Hmm (naisipang asarin ang kaibigan, pang-aasar na totoo) Ikaw na lang kaya Daks?

Mika: Hoy Vic hindi ako parang option na kapag naisipan mong i-like e, pipindutin mo lang ang like button ha at kapag ayaw mo saka mo naman ia-unlike no! (mataray nitong sabi).

Paano Nga KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon