Pano kung isang araw makilala mo yung di pangkaraniwang tao na gugulo at magpapabago sa buhay mo?
Paano kung ang tanging sadya lang nya kaya sya dumating sa buhay mo ay para patayin ka?
Paano kung pinagkrus lang ang landas nyong dalawa upang bigyan ka ng mga kagimbal gimbal na panaginip?
Paano kung mahulog ang loob mo sa isang taong ang intensyon lang ay ang patayin ka?
Paano mo tatanggapin ang mga bagay bagay kung nagkaroon sya ng malaking papel sa buhay mo?
Hanggang saan mo kayang ipaglaban yung pagibig mo sa isang tao gayong alam ng isa sainyo na hindi kayo maaaring magsama dahil hindi siya pangkaraniwang tao.
Paano mo panghahawakan ang mga bagay na ito?
Paano? Maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ng bawat isa sa atin. Paano nga ba kung sakaling mapunta ka sa sitwasyon na umibig ka ng isang tao na balak kang bigyan ng masasamang panaginip at magtutuloy sayo sa kamatayan?
Patuloy mo parin ba syang yayakapin kahit na parang kutsilyo sya na habang yakap yakap mo ay nasasaktan ka naman ng sobra?