Chapter 4: The Party

61K 1.2K 11
                                    




Chapter 4

Roussanne Shelkunova

"Marites,baka hindi ako makakapunta ngayon dyan sa shop, ikaw muna ang bahala sa ngayon, ha?" Labag sa loob kong saad kay Marites sa kabilang linya. Magkikita kami ngayon ni Jade at baka matagalan ito tapos ay mamayang hapon ay magkikita pa kami nila Syrah, ayoko man na hindi pumunta ng shop ngayon dahil sa masisira ang schedule ko ay hindi ko naman pwedeng i-kansela ang mga naka-schedule ko ngayong araw at isa pa, kapag pumunta pa ako sa clinic ng alanganing oras ay baka mababad ako sa trabaho.

"Okay po, Dok. Tatawagan ko na lang po kayo kapag may emergency." Nagpasamat ako sa kanya at tinapos na ang tawag.


Nilapag ko ang phone ko sa lamesa at nilinis ang mga kalat ni Syrah counter at nagluto na ng umagahan namin pagkatapos. Egg, bacon, at fried rice na lang ang niluto ko dahil matatagalan kapag 'yung chicken fillet pa. Alas-otso na din kasi at magkikita pa kami ni Jade ng alas-diyes. Ayokong ma-late.




Tapos na ako sa paghahain sa lamesa nang dumating si Syrah na bagong ligo na. Nakabalot pa ang buhok nito ng towel, nakaputing sleevelss shirt siya na hapit sa katawan niya at maiksing itim na shorts. Umiling ako sa lagay niya. Ang lamig lamig na, ang iksi pa ng suot. Kagabi nga ay tinodo niya ang aircon sa kwarto ko dahil daw sa naiinitan siya.


"Ano ba 'yang suot mo," puna ko at umupo na sa hapag.

"H'wag ka nga. Balot pa nga ako sa lagay na 'to, eh." Ngumuso ako at nagsalin ng juice sa baso ko.


Nagsimula na akong kumain at ganon din si Syrah na akala mo'y may mang-aagaw sa pagkaing nasa plato niya sa bilis nang pagkain niya. Graceful naman itong sumayaw, may dating, may pitik, propesyunal na propesyunal, pero kung kumain ay parang huling kain na na niya. Kaing contruction worker, sobrang contradicting sa itsura niyang parang Indian princess, ang kinikilos niya ay hindi umaayon sa napakaganda niyang mukha.


"Uso ang magdahan-dahan, Sy." Puna ko. Nginisian niya lang ako tapos ay sumubo ng pagkalaki laki. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya. Syrah's, Syrah. Wala na akong magagawa diyan. Sa pitong taon naming magkaibigan ay ganyan na talaga siya. Kabaliktaran siya ni Asti na mahinhin at tahimik lang. Pero sila ang pinakamalapit sa aming apat dahil sa silang dalawa ang magkasama na talaga magmula pa nang pumasok sila sa Exquisite. Doon na kasi sila parehas na lumaki, habang kami naman ni Chianti ay nakapasok lang sa Exquisite nang mag-eighteen kami.


Asti's been in Exquisite since she was a baby, ang alam ko ay dahil sa namatay ang magulang niya tapos ay ang orphanage pa na pinagdalhan sa kanya ay nasunog kaya siya nauwi sa Exquisite. One of the three big Bosses of Exquisite adopted her. Si Syrah naman, binenta siya ng Mama niya sa Exquisite - na dati ring nagtatrabaho roon. Marami kasi silang magkakapatid kaya naman ay binenta siya ng Mama niya.


"Tapos ka na?" Tanong ko kay Syrah habang nililigpit na ang pinagkainan ko. Tumango siya at tumayo na para itapon ang buto ng mangga na kinain niya.

"Rous, pahatid ako sa bahay," sabi niya habang kinakalikot ang laman ng refrigerator.

"May pupuntahan pa ako, out of the way sa condo mo." Malakas niyang sinara ang pinto ng fridge kaya naman ay nagulat ko at muntikan nang maibagsak ang hinuhugasang plato. "Syrah!"

"Hehe, sorry. Anyway, ano ba 'yang pupuntahan mo? Mas importante bas a kaibigan mo ng seven years para hindi mo siya ihatid?" Mariing pumikit ako at bumuntong hininga.

"Oo. May kailangan akong asikasuhin," sagot ko at maingat na pinunasan ang basang plato bago ito ibalik sa lalagyan.

"Ouch, ah. Sino ba 'yan? Lalaki? Date? Love life?" Tumawa ako at sumandal sa counter top nang matapos sa ginagawa.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon